Chapter 34 - The making

1.5K 71 5
                                    

(ctto of the video on this chapter)

Bumiyahe papuntang Italy ang cast at crew ng pelikulang gagawin nila RJ at Dei.  Kasama ni RJ si Mama T at kasama naman ni Dei ang Nanay MaryAnn niya.  Sa airport pa lang ang dami ng naghatid sa kanila na mga fans.  Pag stop over nila sa Oman kinuhanan sila ng video para ipakita sa Juan for All.  Magkahiwalay sila ng upuan sa eroplano pero walang ginawa si Dei kung hindi kuhanan ng litrato si RJ.    All through out the trip, ina-accommodate ni RJ si Dei at ang Nanay nito.  Sinasamahan sa CR at inaalam kung ok lang.  Tinutulungan si Dei sa hand carry nito.  At ang isa sa napansin ni Dei, palagi itong sa likod or sa tabi niya nakapwesto.

Maayos naman ang naging byahe nila at nagulat sila ng makarating sa airport dahil napakarami ng mga fans na nagabang sa kanila. Overwhelmed si Dei sa dami ng mga fans na nasa airport. My mga dala pa itong tarp at marami ang nagbibigay ng bulaklak at regalo.  Game naman si RJ at Dei na tanggapin ang mga ito.   Kahit may sariling hand carry, tinulungan pa din ni RJ si Dei hangga't kaya niya.   Makikita sa mukha ni RJ ang pagkaproud sa ka-loveteam.  Ok lang sa kanya na may nagpapapicture kay Dei. Kahit pa natatabunan na siya o sa likod napapapapwesto.  May mga sumalubong naman sa kanilang mga Italian correspondents nila sa airport at tinulungan silang makadaan sa napakaraming tao sa airport.  Kahit nagkahiwalay makikita na sinisilip ni RJ si Dei at tinatanong sa Italian correspondents nila kung ok lang siya.  Halos igitgit nito ang katawan at nakipagsiksikan na ito mapalapit lang ulit kay Dei.  Natahimik lang ng may nagsabing. "We got her.  She's safe."  Kahit ng makarating sila sa hotel na tutuluyan may mga fans pa rin na nakasunod sa kanila.

Sa bawat araw ng shooting nila, may mga fans na nanonood o naghihintay na matapos sila para makapagpapicture at makapagpa-authograph. At sa bawat araw pagkatapos nilang magshooting, nagbibigay naman si RJ at Dei ng oras para mapagbigyan ang mga fans.

Unang gabi nila doon, magkasama sa kwarto si Mama T at Nanay MaryAnn.

Nanay MaryAnn:  Nakakatuwa ang mga fans nila ano?  May nakausap ako galing pa ng ibang lugar bumiyahe papunta dito para  makita lang sila.

Mama T:  Meron nga ho galing pa ng ibang bansa eh.

Nanay MaryAnn:  Siguro sanay na sanay ka na sa ganito?

Mama T:  Yung totoo simula lang ho ng maging love team sila kami nahihirapan sa fans... kasi madalas uncontrolable na eh.  Madalas napanggigigilan pa.  Kaya nga ho ang management hirap umoo kapag kinukuha sila ng magkasabay sa mga shows eh.

Nanay MaryAnn:  Mabuti nga likas sa alaga mo ang pagiging gentleman.  Laging nakaalalay kay Dei eh.  Daig pa ang mga bodyguard eh. 

Mama T:   Mabuti nga ho at nagkapalagayan ng loob ang dalawang yon at least mapoprotektahan talaga siya ni RJ kasi nung una nga ho nahihiya at nagaalala yung alaga ko sa sasabihin ninyo eh.

Nanay MaryAnn:  Nakakatuwa nga nagpunta pa sa bahay para kausapin kami eh. Salamat din sa yo kasi alam naming hangga't kaya mo inaalagaan mo si Dei.

Mama T:  Mabait at malambing ho ang anak ninyo at masayang kasama. Napakasarap kakwentuhan kaya hindi mahirap makapalagayang loob.  Napaka-independent din, nahihiya pa nga kapag pilit kong kinukuha ang mga bitbitin niya.  Kung hindi pa sasabihin ni RJ na ok lang ayaw na ayaw na magpadala ng gamit sa akin. Maalalahanin, bago kumain tinatanong pa kami kung may pagkain na ba kami.  Kung wala kami ang ipapakuha niya sa staff tapos siya kukuha ng sarili niyang pagkain.  Tsaka wala hong arte sa katawan.  Kaya natutuwa kami sa kanya.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon