Chapter 32 - Dei version 2.0

1.4K 78 3
                                    

Buong weekend na nagisip si Dei.   Kinakausap ang sarili... "Ano ba Dei? it is your life.  It is your career, you have a choice. Kung walang tutulong sa yo then do something about it.  Ayaw ninyo akong iorient then I will not show you the real me anymore."

Kaya ng magguest si Dei sa Sunday show ni RJ  para ipromote ang ice cream brand na ineendorse nila, ang dumating sa set hindi si Dei kung hindi si Yaya Dee.  Pagdating pa lang niya nangungulit na.  Parang kitikiti paikot-ikot lahat kinakausap.  Kahit si Jose at Wally nagulat sa ikinikilos nito.  Na-corner ito nila Wally at Jose.

Jose:  Ok ka lang Dei?

Dei:  Oo  naman, ako pa ba?!

Wally:  Yaya Dee ikaw ba yan?

Dei:  Bakit may iba pa ba?  Yaya Dee is the character of Dei Mendoza so kapag nasa trabaho ako whether in front of the camera or not, si Yaya Dee pa rin ako.

Kahit na ng mga sumunod na mga linggo ganon pa rin siya sa Baranggay. Pagdating pa lang energetic na.   Nakinig lang siya sa briefing at kapansin-pansin ang pagkamadaldal nito.  Ang daming adlib.  She is nailing every episode.  Kapag magkasama sila ni RJ either sa barangay or sa Studio, kapansin-pansin ang sweetness nito.  Ramdam ni RJ, kapag kasama niya si Dei laging si Yaya Dee ang kasama niya.  Hindi niya makausap ng seryoso.  Puro biro at kulit lang.

Nalulungkot siya... dahil pakiramdam niya... nawalang parang bula ang kaibigan niyang si Dei. Kahit wala ito sa harap ng kamera she refers to herself as Yaya Dee at hindi siya tinatawag nito ng RJ palaging Richard lang.

Pati na sila Direk Pat at Direk Moty hindi niya kinakausap ng seryoso. Katulad ng nagpunta sila para sa outing sa street serye.   Dumaan sila para bumili ng meryenda... 

Direk Pat:  Dei walang coffee flavoured drink eh, iced tea or chocolate lang.

Dei:  Ok lang Yaya Dee eats anything.

Kahit pa sa mga rehearsals nila ng mga dance number,  focus lang si Dei.  Nakikipagkwentuhan naman ito kay RJ pero puro tungkol sa trabaho or sa mga kasama sa trabaho.

Tuwang tuwa naman ang mga fans ng iannounce na  sa streetserye na magkakaron na sila ng sarili nilang pelikula.  Kaya naman sa mga sumunod na episode ng streetserye ng linggong yon nagpapractice sila na umarte.  Kaso parang hindi sineseryoso ni Dei, panay pa rin ang kulit nito as Yaya Dee.  Si RJ bilang magaling na artista at dahil gusto din niyang makita ang acting talent ni Dei, napikon na hindi seryoso sa aktingan si Dei.

Kaya pagkatapos ng segment nila nagulat si Dei na tumatawag si RJ sa kanya. Sinagot naman niya,

Dei:  Hello mate napatawag ka?

RJ:  What are you doing?!

Dei:  Ano? What did I do?  May mali ba sa ginawa ko?

RJ:  WELL, DRAMA DI BA? SANA NAMAN KAHIT PAPANO NAGEFFORT KA NA MAGDRAMA DI BA!  HINDI MO KASI SINESERYOSO KAYA TAYO NABABASH EH!

Nasa loob ito ng dressing room habang kausap si Dei sa cellphone pero rinig na rinig sa labas na sumisigaw ito.  Nagulat si Ms. Jenny.

Dei:  Excuse me?! What are you implying na hindi ko ginagawa ang trabaho ko?  Sa pagkakaalam ko may briefing and based sa briefing I did what they told me to do.  Kung gusto mo ng drama sana sila ang kinusap mo?!

Narinig naman ni Pat ang pagsagot ni Dei.  

RJ: TINUTURUAN TAYO NA UMARTE, TINUTURUAN... SO SANA  UMARTE KA NG TAMA KAPAG SINABING UMARTE!  HINDI YUNG LAHAT DINADAAN MO SA PAGPAPATAWA.

Dei :  Pwede ba Mr. Richard Reyes huwag mo akong sigawan  hindi ako bingi! Besides anong karapatan mong sigawan ako, ikaw ba ang nagpapasweldo sa akin?!

Direk Pat:  Dei, tama na!

RJ:  Ms. Mendoza, seryoso ako sa trabaho ko, kaya pwede ba sumeryoso ka din?

Dei:  Pwede ba bago mo ako awayin magtanong ka muna diyan kung ano ang ipinagawa sa akin?  O baka hindi ka din nila inoorient para makita ang emosyon mo!

Hindi nakaimik si RJ.  Inagaw ni Ms. Jenny ang telepono ni RJ at pinindot ang end call.

Ms. Jenny:  RJ tama na!

RJ:  Nakakainis na kasi eh, hindi ko alam kung anong problema niya.  Pakiramdam ko wala na siyang sineseryoso eh.  Alam ko yang Yaya Dee character na lang niya ang pinapairal niya. Kung may problema siya bat hindi na lang niya sabihin.  Tama ba yung pinagdadrama kami tapos dadaanin niya sa paglulukot niya ng mukha at pagpapacomedy?  Alam ko naman she's new to it pero sana lang mageffort kahit papano.  Mukha akong tanga na tutulo na lang yung luha ko tapos siya...

Ms. Jenny:  Mukha din siyang tanga kasi si Yaya Dee hindi marunong umarte at medyo naive di ba.  Syempre first time niya na tinuturuan na umarte being Yaya Dee syempre kunyari hindi marunong, gets mo?

Inabutan ng bottled water ni  Mama T. si RJ.  Kumalma naman ito.

RJ:  I'm sorry Ms.  Jenny.

Ms.  Jenny:  Alam kong hindi lang yon ang ikinagalit mo... alam kong marami ng inis na naipon dyan sa loob mo dahil sa pagbabago ni Dei sa ating lahat dito.   Hindi ko naman siya masisisi kung bakit lagi niyang suot ang Yaya Dee mask niya kapag nasa trabaho kahit pa wala sa kamera dahil ayaw na niyang ma-caught off guard katulad noon.

RJ:  Naiinis ako kasi, I have seen her act and she really can, besides hindi ba nagaudition na si Yaya Dee at naglenten special na so hindi ba dapat marunong na sya ng konti.  Gusto ko lang naman ipakita niya yung talent niya eh.

Ms. Jenny:  Oo nga, ok sige aayusin ko ang briefing niya bukas.  Pero ayusin mo yan, inaway at sinigawan mo siya.  Go, and apologize to her.

RJ:  Opo Ms. Jenny.

Ms. Jenny:  Papano kayo magsisimula sa paggawa ng pelikula kung may ganyang issue kayo?

Samantala si Dei, galit na galit din. Binitbit ang mga gamit  niya at pumasok sa loob ng Van at doon naglabas ng galit.  Sumunod si Direk Pat sa kanya, may bitbit itong bottled water.

Direk Pat:  Oh Kalma!  Eto tubig uminom ka muna.

Dei:  Ano bang problema niya?!

Direk Pat:  Siguro dapat tinatanong mo din yan sa sarili mo eh.

Dei:  Ako pa ngayon?  Ako pa?

Direk Pat:  Bakit?  Wala ka ba talagang problema? Eh bakit parang si Yaya Dee lang ang nakikita namin all the time.  Nasan si Dei? Hindi mo pwede ishelved off si Dei forever.  Sorry kung pakiramdam mo pinabayaan ka namin pero binago na nga di ba sinasabi na sa yo lahat lahat. So hindi ba pwedeng ibaba mo naman paminsan-minsan ang guard mo lalo na kung hindi naman Juan for All?  Kasi palagay ko isa yon sa ikinagagalit ni RJ eh pakiramdam niya nawala yung kaibigan niya eh... yung ka team mate niya.  Hindi ba dapat magkakampi kayo?  Kung may sama ka ng loob sa amin bakit pati siya nadamay, pareho lang naman ng briefing na ibinibigay sa inyo. Kasalanan ba niya kung sanay na siya?  Kasalanan ba niya kung kaya niyang pagsabayin ang peronal at trabaho niya?  Hindi naman di ba?

Hindi na nakaimik si Dei.  Naisip niya may point naman si Direk Pat... 

"Sa management siya nagagalit bakit naman pati kay RJ itinago niya si Dei.  Dapat nga yata kinausap niya ito before shelving off Dei sa picture para naiintindihan siya nito.  Team mate sila eh, she should have shared with him, malay mo nakatulong pa ito. RJ has always shown loyalty to their friendship naman eh. Mali nga ata siya."

Napabuntonghininga na lang si Dei.












The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon