Lulan ng kotse nila, bumiyahe si Dean at Dei papunta sa Malolos, Bulacan. Doon sila nakakita ng property para tayuan ng Restaurant Business.
Dei: Bakit dito?
Dean: Eh kasi yung gustong ifranchise ni Tatay na restaurant isang restaurant garden, at gusto nilang maging isang Event Place ito kasi katabi ng Barasoain Church.
Dei: Sabagay, ok yon. Sino ba itong kameeting niya dapat.
Dean: Lester Panganiban ang Franchise Manager ng nasabing Restaurant. Rosario's Garden Restaurant ang pangalan ng resto nila.
Dei: Masarap ba talaga doon? Kilala ba yang restaurant na yan?
Dean: Oo masarap, malakas ang Branch nito sa Tagaytay at Quezon City. Ang pinakabagong Branch nasa Los Baños, Laguna dinarayo ng mga naga-outing.
Dei: Magoocular pa lang naman hindi ba?
Dean: Oo, pero ang alam ko sa birthday mo doon sa Tagaytay Branch nagpareserve si Tatay eh para matikman mo raw. At balita ko, pwera dito sa atin magba-branch out sila sa Quezon, ilalagay sa isang beach resort na nabili nang mayari.
Dei: Ay sayang, sana yon na lang ang ifranchise natin.
Dean: Sabihin mo kay Tatay, malay mo magawan niya ng paraan.
Dumating sila doon, bandang alas diyes ng umaga. Pumarada si Dean sa tabi ng isang magarang sasakyan. May tinawagan at mayamaya pa, nakita ni Dean na palabas ng simbahan si RJ at palapit sa kotseng sinasakyan nila.
Dean: Oh bumaba ka na, nandyan na yung kausap mo.
Kinuha ni Dei ang bag niya at bumaba. Lumapit si Dean kay RJ.
RJ: Oh sabi ni Lester ang gusto daw ni Tatay Ted ako ang pumunta eh bakit ikaw ang nandito?
Dean: Kasi Driver lang din ako eh at hindi makakapunta si Tatay kaya siya na lang ang pinapunta.
Humakbang si Dei palapit sa kanila napatigil ng umalis si Dean sa harap ng kausap nito. Nagulat din si RJ, huminto.
Dean: Oh, tutunganga na lang ba kayo dyan? Hay naku, aalis na ako babalikan ko pa siya Tatay may kausap pa yong iba eh. Bro, bahala ka na dyan sa kapatid ko ha. Natawa si RJ, tumayo sa tabi ng naiiling na si Dei. Sumilip sa bintana ng kotse...
Dei: Sabihin mo kay Tatay lagot siya sa akin paguwi ko.
Tawa ng tawa si Dean at tuluyan ng umalis. Humarap si RJ sa kanya... medyo awkward ang pakiramdam nilang pareho.
RJ: Ano ba ang tagal nating hindi nagkita ah.
Niyakap niya si Dei, yumakap din naman ito sa kanya.
RJ: Mabuti pa sumakay ka na bago pa tayo mapansin ng mga tao dito.
Pinagbuksan siya ng pinto ni RJ at mabilis naman siyang sumakas. Natawa si Dei, naalala niya ang mga ninja moves nila noon.
RJ: Oh bakit ka natatawa?
Dei: parang Ninjan Moves eh.
Natawa na din si RJ.
Dei: So, ikaw ang mayari ng Rosario's Garden Restaurant?
RJ: Yung nasa Tagaytay akin pero yung nasa QC at Laguna Family Corporation. May nakita kaming location dito malaki, dyan lang sa pangatlong lote mula dito sa simbahan.
Dei: Sige nga puntahan na natin.
Isang bakanteng lote ang ipinakita ni RJ. Medyo nalinis na ito at malaki nga.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...