Masaya ang mga sumunod na araw sa buhay ni RJ at Dei. Tinanggap nilang pareho ang afternoon show. Para itong drama anthology. One week bawat story at ang mga kwento galing sa mga amateur writers na isinulat sa wattpad. Kasali si RJ at Dei na pumipili ng mga kwentong gagamitin at artistang makakasama nila sa bawat kwento. Una nilang nirequest si Sheena at Rodjun.
Dumating si Sheena at Dei sa story and character briefing ng "Stories of the Heart" na inanarate ni Pia Guanio at produced ito ng Tape Inc at MSE Films and Entertainment Inc.
Sheena: Tinotoo mo ang sinabi mo ha.
Dei: Hindi ba sabi ko damay-damay na to.
Sheena: Alam mong walang patutunguhan yang pagmamatch make mo eh.
Dei: Let me be the judge of that. Just do me a favor, kilalanin mo sya, be a friend that's all I ask para naman maging maganda ang kalabasan ng show na ito. This is a make or break episode Sheena kapag hindi ito nagrate, sayang naman. Besides isipin mo na lang nakakatulong tayo sa writer.
Sheena: Fine!
Samantala, sa kotse ni RJ, nakisabay si Rodjun na pumunta sa Broadway para sa story and character briefing.
Rodjun: Gusto kitang pasalamatan dahil sa project na ito pero I can't help but think na may ulterior motive ka eh.
RJ: Wala ah, gusto lang talaga namin ni Dei na makatrabaho ka.
Rodjun: Oh eh bakit si Sheena?
Dei: Eh yun ang gusto ni Dei, besides she's fit to be her best friend and you fit to be my half brother. It make sense di ba?
Rodjun: Oy Faulkerson kilala kita... kung wala kang motibo malabong maisip mo ako.
RJ: Ang harsh mo sa akin, alam ko lang na hindi ka busy and besides kailangan ko ng magaling na artista so bakit hindi ikaw.
Rodjun: Ulol! Umamin ka na huwag mo akong binobola.
RJ: Fine, I think you and Sheena looks good together and that day nung magkakasama tayo, inaalaska mo siya and you got worried of her crying kaya alam ko that you like her. I just want to give you the chance of getting to know her.
Rodjun: Sabi ko na nga ba eh. Alam mo naman na pass muna ako sa lovelife eh.
RJ: Believe me bro, mas masarap magtrabaho kapag may inspirasyon ka and its about time you get out of your comfort zone. Malay mo, kapag pumatok kayo at makita ang chemistry ninyo. Baka may magalok ng movie para sa inyo.
Rodjun: Nainlove ka lang pati ako gusto mo may love life din.
RJ: Do yourself a favor bro, loosen up, have fun. Tignan mo ako, noon pareho tayo may kulang sa buhay ko? When Dei came, it was fun and everything else becomes lighter. Try mo lang kasi, just be nice to her, get to know her. Wala namang mawawala sa yo eh.
Rodjun: Oo na sige na.
RJ: Imagine, nagkaproject ka at kumita, nagenjoy ka at nagkaron ka pa ng kaibigan. Win win situation ka di ba?
Rodjun: Ewan ko para ka ng si Dei eh.
Pagdating nila sa studio, nasa conference room na si Dei at Sheena. Lumapit si RJ kay Dei at Sheena para magbeso. Hinila ni RJ si Rodjun kaya nagbeso na din ito kay Dei at Sheena. Naupo si RJ sa tabi ni Dei kaya wala ng nagawa si Rodjun kung hindi maupo sa tabi ni Sheena.
Nilapitan sila ni Direk Pat at ibinigay ang copy ng script. Tahimik lang silang nagbasa ng script. Dumating si Mr. T., Direk Mike at si Danica para sa MSE kasama ang writer. Nagsimula ang meeting nila. Ang kwento ay tungkol sa magkaibigang si Ariane character ni Dei - mahiyahin pero masayahin at ni Chelsea ang character ni Sheena - Kikay at pasyonista pero pareho silang mga typical na mellenial youth and a social media buff. Si Rodjun, si Joaquin - mahiyain at low self -steem na laking probinsiya na lumuwas sa Maynila ng mamatay ang ina at maninirahan sa father niya which is father din ni Bryle and character ni RJ - ang spoiled na anak pero mabait na kapatid. Tumagal ng dalawang oras ang character briefing nila. Nang matapos nagyayang magdinner si RJ.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
Roman d'amourWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...