Chapter 22 - Falling

1.5K 81 3
                                    

(ctto of the picture/video on this chapter)

Simula nga noon ay sobrang naging malapit si RJ at Dei sa isa't isa.     Sa sobrang close nila ay buong-buo ang pagtitiwala nila sa isa't isa.  Kaya ang mga dance performances nila ang laki ng improvement.   Dahil hindi na sila nangingimi or  awkward na hawakan ang isa't isa.  Katulad ng sayaw na ipinamalas nila bilang si Anselmo at Nidora.  

Pati mga pick-up lines nila para sa isa't isa. nagimprove na.  Hindi na sila nahihiya at nagaalala.   Kaya parang deretsahan na, at nageenjoy talaga sila.  Tulad ng araw na yon...

RJ:  Wala ka bang magawa?

Dei: Bakit?

RJ: Bakit hindi mo ako subukang mahalin? (napangiti si Dei)

Dei:  Alam mo ba nung sinabi ko sa sarili kong hindi kita gusto nabusog ako.

RJ:  Bakit?

Dei:  Eh kasi kinain ko din yung sinabi ko eh. (tinakpan ni RJ ang bibig sa sobrang kilig)

Allan:  I love the pick up lines today!

RJ:  Yung love ko kasi sa yo parang biro eh

Dei: Bakit?

RJ:  Wala, kaso napikon ako kaya sineryoso ko! (Humiyaw ang mga studio audience)

Ruby:  Parang ano ah, nagpractice.

Dei:  Favorite subject mo ba ang geometry?

RJ:  Bakit? 

Dei:  Kasi kahit anong angle ang cute mo eh. (ang lakas ng tawa ni RJ)

Allan:  Parang inspired kayo ah.

RJ:  Eto na, time machine ka ba?

Dei: Bakit?

RJ:  Kasi kapag nakikita kita , nakikita ko yung future ko eh.

Dei:  Tama na nga, alam mo ba bubuyog ako?

RJ:  Bakit?

Dei: Pwede ba kitang maging honey?

Ruby:  Gusto ko yon deretso!

RJ:  Alam mo ok lang sa akin na friends tayo ngayon eh.

Dei:  Oh Bakit?

RJ:  Basta akin ka sa tamang panahon!  (Si RJ seryosong binitawan ang mga salitang yon. Pinanonood niya ang reaksyon ni Dei.  Nagblush si Dei bahagyang nagulat sa narinig pero nakarecover naman agad at tumawa.)

Dei: Calculator ka ba?

RJ:  Bakit?

Dei:  Eh kasi solve na solve na ako sa yo eh. (kinilig naman si RJ)

Joey:  May tanong ako sa inyong dalawa? Wala  ba kayong ginagawang dalawa?

Dei and RJ:  Bakit po?

Joey:  Bakit hindi pa kayo magpakasal?

Kinilig, naghiyawan at natuwa ang mga manonood.

Nang huwebes naman na yon at nagcelebrate sila ng weeksary.  Humiling ng kiss si Tito, kaya pagtunog ng ending busina, hawak ni RJ ang dalawang pisngi ni Dei at magkadikit ang noo nila. Nagbubulungan pa sila...

RJ: Malapit na oh.

Dei:  Konti na lang

Natatawa sila sa pinaggagagawa nila.   Pagkatapos ng episode, nagulat ang lahat lalo na si Dei dahil bigla siyang hinalikan ni RJ sa pisngi.  Hinabol niya si RJ, pero kinilig naman siya. Naghiyawan at kinilig naman ang mga manonood sa studio.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon