Pagdating ni RJ sa location, nandon na si Dei at inaayusan. Pagpasok pa lang niya itinanong na niya agad ito.
RJ: Kuya nasan si Dei?
Staff: Nasa taas kasama ang glam team, hinahanap ka na ni Jason, magshoo-shoot na daw kayo.
RJ: Teka lang pupuntahan ko lang si Dei, magpapakita lang ako.
Pero humarang ang ilang staff sa hagdan.
Direk Pat: Bawal kang umakyat at bawal mo syang makita.
RJ: Hala bakit?
Direk Pat: Eh di ba ganon yong mga ikakasal, hindi dapat magkita bago ang kasal.
Walang ng nagawa si RJ kung hindi itext si Dei na nandon na siya. Naging busy na din naman ito sa shoot ng pre-wedding videos at pagsusulat ng kanyang wedding vows.
Samantala, si Dei kung titignan mo parang okay naman. Pero sa loob niya nagaalala siya. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili, "Dei, trabaho lang walang personalan!"
Ang wedding vows niya ilang beses niya ni-re-write para sigurado siyang nakaangkop sa streetserye. Habang inaayusan si Dei, dumating si Wally na nakabihis na as Lola. Humingi si Wally ng ilang sandali sa glam team ni Dei. Nang lumabas ang mga ito.
Wally: Dei, marami na kaming nakakapansin sa inyo ni RJ ha. Nagaalala lang ako para sa yo.
Dei: Don't worry Kuya, nagusap naman kami.
Wally: Kung ano man, alam mong nandito lang kami para sa yo.
Ngumiti si Dei at niyakap si Wally. Samantala sa ibaba naghihintay lang ng oras si RJ. Nandon na si Rodjun at natapos na silang magshoot. Siniko siya ni Rodjun.
Rodjun: Ano na?
RJ: Ganon pa rin. Huwag na nating pagusapan.
Yung mga salita lang na yon, alam na ni Rodjun na may gumugulo na sa isipan ng kaibigan.
Rodjun: Ienjoy mo na lang yan bro, while it last. For what its worth bro, masaya ako that you have this chance to confirm whatever it is.
RJ: Meaning?
Rodjun: Mamaya sa you may kiss the bride, make sure na malaman mo na ang sagot sa mga tanong mo.
RJ: Loko!
Rodjun: Seryoso ako.
Napatitig si RJ sa kaibigan, kilalang kilala talaga siya nito. Naalala ni RJ ang wedding vows na isinulat niya. He wanted it to be for the show but sincere as well. Naisip niya, "sana mamaya I can give justice to what I wrote. Sana maintindihan niya ang gusto kong sabihin."
Kahit si Ms. Jenny, umaasang this episode would be something worth keeping for RJ. Kaya biniro pa niya ito.
Ms. Jenny: RJ, walang expiration ang wedding na ito ha.
RJ: Copy that Ms. Jen, wala, walang annulment ito.
Sabay pa silang tumawa. At one point, RJ was acting as if... naiinip na. Panay ang tingin sa relo niya.
RJ: Ang tagal naman hindi pa tayo magsisimula.
Hope: Excited na ba RJ?
RJ: I can't wait to see my wife.
At ang pinaka kinilig ang mga staff ng maghanap ito ng breath fresh mints. May nagabot naman ng tic-tac sa kanya na inilagay niya sa bulsa.
Dumating ang oras na kasal. Magkakasunod na naglakad ang Bestma, ang Lola ni Richard at si RJ. Ilang sandali siyang tumayo at pinakinggan ang nirecord niya na voice over. Hindi maintindihan ni RJ pero may hatid na kakaibang damdamin sa dibdib niya habang naririnig niya ang sariling boses na binibigkas ang mga salitang yon.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...