Chapter 13 - Giving Up

1.6K 88 5
                                    

Pumarada ang sasakyan sa Barangay pero hindi bumababa si Dei.   Kahit ang mga staff ng show na nandon nagtataka.   Magkakasamang nagpunta sa Van at sumakay sila Direk Pat, Wally, Jose at Paolo.

Wally:  Kamusta ang pakiramdam mo?

Dei:  Still the same.  Sorry talaga Ate Pat.  God knows I am trying pero right now wala ni katiting na positive energy ang pumapasok sa utak ko eh.

Direk Pat:  No, I am sorry.  Nakita ko kung papano ka naapektuhan ng nangyari dapat nung unang makita ko yon, kinausap na kita para hindi ka umabot sa  ganyan eh.

Dei:  Yung mga bashers, bale wala yon eh. Yung mga paninira sa akin ok lang yon eh.  Dahil ako mismo disappointed sa sarili ko right now eh.  Pero yung nasisira ang iba ng dahil sa akin at yung pakiramdam na ako lang naman talaga ang nakikinabang dito ang hirap dalhin eh.  He is already made, kaya in reality hindi naman niya kailangan ito di ba? Kaya hindi ko naman siya masisisi kung itake for granted niya yung segment eh.  Besides wala naman sa usapan na i-prioritize niya ang show eh.  Tapos pati siya nasisira dahil sa sinasabi ng mga tao.

Direk Pat:  Nagsasalita ang mga tao dahil may nakikita sila.  Kung may mga hindi magandang sinasabi ang mga tao tungkol kay Richard it is because of what people are seeing, it is his actions that they are judging. In a way, tama naman sila eh, if the segment is important to him, he should have shown a little concern katulad nung pagpapadala niya ng video.  Pero obviously he doesn't care dahil ang totoo Dei, I was the one who told him to do that video.  I did it as a damage control. Pero it was not enough. Yung hindi niya pagdating kahapon ang nagpalala ng issues.

Jose: Naiintindihan ka naman namin pero sana naiintindihan mo din kung saan kami nanggagaling.  Sa showbiz, the show must go on.  Kahit may sakit, o nasasaktan o nanumrublema tayo sa buhay hindi natin pwedeng basta talikuran ang show.  Kaya sana naiintindihan mo din kung saan kami nanggagaling.

Pao:  Pero hindi lang dahil ayaw naming masira ang show kung hindi dahil ayaw naming masira ka, mawalan ng pagasa at mag-give up ng ganon na lang kaya ka namin kinakausap ngayon.  My dear, malaki ang potential mo, at naniniwala kami don. 

Wally:  Dei, we cannot promise a days work na walang problemang ganito o wala ng magsasalita ng hindi maganda sa yo.   Ang pwede lang naming ipangako sayo hindi ka namin pababayaan. Sayang ka eh.  Sayang ang talent mo, kung igi-give up mo lang ito.  Besides ang hirap pumasok sa showbiz lalong mahirap ang ginawa mong pagsikat ng ilang buwan lang.  Babalewalain mo lang ba yon?

Direk Pat:  Hindi mo naman kasalanan lahat, siguro kasi nga lahat nadaan sa biglaan, naneglect din ng management na iaddress yung mga ganitong scenario.  Yung isang araw na wala ang kahit sino sa inyo madaling gawan ng paraan pero yung nangyari hindi namin nakita na magkakaron ng ganitong effect. Ang totoo sa inyo lang naman nagkaganito maybe because sinusundan talaga kayo ng tao. Tsaka ngayon lang din naman nagkaron ng ganitong segment sa show eh. Sa maniwala ka at sa hindi ikaw lang ang artistang alam ng mga fans monthly period kung kailan eh.

Natawa naman siya ng bahagya.

Jose:  Sabi mo ayaw mong nasisira ang iba ng dahil sa yo then don't do this, kasi mismong ang show na nagbigay ng pangalan sa yo ang masisira sa gagawin mo. We can make damage control pero tatatak sa isip ng tao na failed ang move ng show kapag biglang nawala na lang ang segment ninyo.  Kaya kung may malasakit ka sa show, pagisipan mong mabuti yan.

Direk Pat:  Why don't we do this, tutal naman sa streetserye kinakabahan ang lola mo sa pagdating ni Isadora.  Bakit hindi natin palabasin na pauuwiin ka ng mga lola mo sa isang Tiyahin. In that way we can give time for you to rest, think things over and recharge your positive battery dahil sigurado naman ako na in your heart masaya ka na nagpapasaya ng mga tao eh.  At the same time, we can give time for the management to discuss with Richard's management and then we'll see what happens.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon