Naging busy si RJ at Dei sa shows nila sa US kasama sila Jose, Wally at Paolo. Sabay na umalis ng bansa si RJ at Dei kasama ang Nanay ni Dei. Katulad pa rin ng dati kinakitaan si RJ ng pagkaprotective at pagaalaga kay Dei. Marami ang natutuwa kay RJ kapag lumalabas ng bansa silang magkasama ni Dei. Si RJ kasi agi lang na nakaalalay at nasa likod ni Dei. Hindi siya kailanman naging sensitive kung masasapawan ba siya ni Dei o maging photo bomber lang sa mga nagpapapicture kay Dei at nakikikulit pa ito. At kapag pinagkakaguluhan na sila, nagmimistula siyang body guard ni Dei. Natutuwa siya at lagi niyang binibiro si Dei.
RJ: Alam mo ikaw lang ang kilala kong artista na nagvivideo ng mga fans niya.
Dei: Nakakatuwa kaya sila, this people are the reasons why I continue on. Masarap sa pakiramdam na alam mong marami ang humahanga, nagmamahal at napapasaya mo.
RJ: I will not argue with that... oh isama mo ako sa video bilis!
Itinapat naman niya kay RJ ang camera ng cellphone nia.
RJ: OMG! Si Dei Mendoza, ang ganda... Dei... Dei... kaway ka naman!
Tawa ng tawa si Dei pati si Nanay MaryAnn natatawa sa kalokohan nila. Nakita ni RJ na tumatawa si Nanay MaryAnn tumayo si RJ sa tabi ni Nanay MaryAnn. Sinundan ni Dei ng camera si RJ.
RJ: Tita kaway ka po.
Kumaway naman sa camera si Nanay MaryAnn habang tumatawa. Inakbayan ito ni RJ at nagpatuloy sila sa paglalakad palabas ng Airport.
Nang makarating sila sa Hotel nila sa Pasadeña, pagod na pagod na silang lahat. Pero si Dei, ibinaba lang ang gamit at isa-isang kinuhanan ng litrato ang mga regalong natanggap niya mula sa fans. Si Nanay MaryAnn dumeretso sa kama at nahiga.
Nanay MaryAnn: Grabe yung mga fans ninyo pati ako pinanggigilan ah.
Dei: Pasensya na kayo Nay, natutuwa lang sila na makita kayo.
Mabilis na nakaidlip si Nanay MaryAnn mayamaya may kumatok sa pinto ng hotel room nila. Sinilip ni Dei nakita niya si RJ.
Dei: Pasok, oh wala ka pang isang oras nainip ka na?
RJ: Si Leysam, tinulugan ako eh. Anong ginagawa mo?
Dei: Kinukuhanan ko ng litrato yung mga regalo ng fans. Tignan mo, may mga libro, pabango, pillow at ang daming bulaklak at chocolates.
Naupo sa carpet si RJ, iniabot ang isang can ng coke diet kay Dei at nakitingin sa mga regalo ng fans ni Dei.
Dei: Thanks dito sa coke, kanina pa nga ako nauuhaw eh. Ikaw din, madami kang regalo di ba?
RJ: Oo nga nung una akala ko konti lang pagpasok ni Leysam ang dami niyang bitbit. Pero meron ata don para sa ating dalawa. Mamaya tignan natin ha?
Dei: Oo sige, habang natutulog pa si Nanay, kawawa naman napagod eh napanggigilan daw siya ng mga fans. Anong itenerary natin today?
RJ: Alam ko dinner lang with the whole gang, kasi padating pa lang ata mamaya sila Kuya Jose, Wally at Paolo eh. Bukas ng lunch may naginvite sa atin for lunch tapos may meet and greet ng 3pm. Tapos yung show na sa gabi.
Dei: Sana may time pa tayo mamasyal no? Lalo na sa New York.
RJ: Don't worry, sanay naman tayong magninja moves eh.
Dei: Sira, papano tayo magnininja moves eh nandyan si Nanay.
RJ: Eh di magpapaalam tayo kay Tita lang.
Dei: Sabagay, papayag naman yan basta nagpapaalam. Ayan, tapos ko na kuhanan lahat.
RJ: Oh lika na yung sa akin naman.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...