Pagbalik ni RJ sa host room nandon na si Ms. Jenny.
RJ: Ms. Jenny dalhin na lang natin si Dei sa Hospital.
Dei: No, ok lang ako.
Mama T: Nasampal, nakalmot, nasabunutan at naitulak lang naman siya ni Koreen kaya ok lang. Naku RJ nakakagigil yang girlfriend mo!
RJ: Am sorry Dei, hindi ko alam what gotten into her. Hindi naman talaga siya ganyan eh. In two years never siyang nagselos ng ganyan.
Direct Pat: Kasi dati wala naman syang nakikitang mga pics or nababasang mga tweets. Eh ngayon araw araw meron at napakarami pa.
Dei: Nasan na siya? Kakausapin ko, magso-sorry ako.
Direk Moty: Ano, ikaw na nasaktan ikaw pa hihingi ng sorry. Kung ako yan idedemanda ko yang babaeng yan eh.
Dei: Moty wala ng ganon, huwag na nating palakihin pa ang issue. I just want to let this wounds heal, charge it to experience and forget about it.
Ms. Jenny: Hindi ka pwedeng umere ng ganyan ang itsura mo. Pat ihatid na ninyo sa condo niya si Dei.
Direk Pat: Okay po.
RJ: Ms. Jen pwede po ba akong sumama maghatid sa kanya? Maaga pa naman po eh.
Ms. Jenny: Ok pero sumabay ka na kila Pat pabalik, huwag mo ng bigyan ng iba pang rason yang girlfriend mo.
RJ: Opo Ms. Jenny.
Dei: Ms. Jenny, everyone. Pwedeng atin-atin na lang ito, huwag na lang sanang makarating pa sa pamilya ko.
Ms. Jenny: Of course! Sabi naman ni Mama T, kayo-kayo lang ang nandito at nakasarado naman ang pinto eh. So, we will keep it that way.
Tahimik si RJ at Dei habang nakaupo sa likod ng Van. Nang makarating sila sa basement parking. Ibinaba lang sila ni Direk Pat at bibili muna daw ng pagkain para may makakain si Dei pagalis nila.
Inalalayan ni RJ si Dei pababa ng Van kasunod nila si Mama T na bitbit ang bag ni Dei at dumerecho na sila sa elevator papunta sa unit nito.
Pinaupo ni RJ si Dei sa couch. Ikinuha niya ng unan sa kwarto at inilagay sa arm rest ng couch para masandalan ni Dei.
Dei: Ok na ako.
Kumuha si Mama T ng yelo inilagay sa isang face towel at ibinigay kay Dei.
Mama T: Ilagay mo sa labi mo.
Kumuha ulit ng yelo at inilagay sa isa pang face towel at iniabot niya kay RJ.\
Mama T: Eto naman lagay mo sa pisngi niya. Mabuti hindi naman malalim ang mga kalmot. Petroleum jelly lang mawawala din yan.
Dei: Thanks Mama T.
Ipinasok ni Mama T sa kwarto ang gamit ni Dei.
RJ: Masakit pa ba? Ano bang nangyari diyan sa labi mo? Tumama ba yan sa kung saan?
Dei: Hindi ko na din alam, pero mukhang hindi naman kasi yung sugat lang talaga yung masakit eh. Baka nakagat ko lang.
RJ: Dei, I'm sorry talaga.
Dei: Wala ka namang kasalanan, hindi mo naman alam na nagagalit na pala siya. Pero we should have taken the hint nung sa taping di ba?!
RJ: Kinausap ko siya after non, kaya akala ko ok na eh. Pakiramdam ko lang talaga may nagsusulsol sa kanya o kaya talagang ipinadala sa kanya yon at nagcomment ng kung ano-ano para galitin siya eh.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...