(ctto of the video on this chapter)
Pangatlong araw ng shooting day, kapansin-pansin na sa lahat ang pagiging natural na pagarte ni Dei sa mga happy at light scenes at ang pagiging perfectionist ni Dei sa mga heavy emotional scene kahit na rehearsal pa lang. Siya pa mismo ang nagrerequest ng another take kapag pakiramdam niya hindi niya nadeliver ng maganda ang hinihingi ng eksena. Kahit sabihin ni Direk Mike na okay na... sasabihin niya, "I can still do it better, sige na Direk isa pa."
Madalas na pinagbibigyan ni Direk at totoo namang mas maganda pa niyang nagagawa ulit ang eksena. Pero kapag talagang ok na kailangan pang si RJ ang kumumbinsi sa kanya at tsaka lang ito makukuntento. Madali din nilang nakasundo ang iba pang cast ng pelikula kaya masaya ang bawat shooting day nila. At talagang masayang katrabaho si Dei, nakakawala ng pagod ang mga jokes at kakulitan nito. At kapag alam niya na pagod na ang mga crew pati mga ito ay binibiro niya. Palagi tuloy silang may joke time kapag nakabreak at lahat nakikisali.
Naging mas close silang dalawa ni RJ dahil sa mga ninja moves nila na late night na nagmi-midnight snack at kwentuhan or early morning vanishing act nila para magwalking at jogging around the vicinity ng hotel at nearby parks.
Katulad ng araw na yon, bandang alas siete, pinapuntahan na ni Direk Mike ang mga ito para magbreakfast. Pinapuntahan niya si RJ sa kwarto nito pero wala ito don. Ganon din si Dei at hindi din nila nakita ang mga ito. Hanggang sa dumating ang mga ito 10 minutes bago magcall time.
Direk Mike: Saan naman kayo galing?
Nagkatinginan ang dalawa.
RJ: Sa room Direk, look kakashower ko nga lang eh.
Nangingiti na lang si Direk Mike. Inakbayan si RJ at binulungan.
Direk Mike: We looked for both of you in your rooms for breakfast parehong walang sumasagot sa kwarto ninyo. Nagninja moves na naman kayo no?
Namula ang tenga ni RJ at napakamot sa batok.
RJ: Nagjogging lang Direk eh.
Dei: Oo nga, we made sure naman na we are here before call time eh.
Direk Mike: Eh di sige, wala na akong sinabi.
Kaya araw-araw habang nasa Como sila, nawawala ang dalawa very early in the morning. At every night kung hindi sa restaurant, nasa garden sila ng hotel nagpapaantok na nagkukwentuhan at marami silang nalaman sa isa't isa. They really bonded ng mga panahong yon.
Hanggang isang araw, nagising si Dei na masama ang pakiramdam at nilalagnat. Sinubukan nitong magshooting pero talagang iniinda nito ang sakit. Pinainom ito ng gamot at pinagpahinga na lang din nila.
Direk Mike: Dei, anything else that we can do for you? Humigop ka kaya ng mainit na sabaw?
Dei: Ok lang Direk, pero kung ok lang, pwede bang samahan muna ako ni RJ?
Direk Mike: Ok lang, mapapack-up naman na kasi mukhang malakas ang ulan eh. We cannot shoot at this weather.
Kaya si RJ, nagstay sa kwarto ni Dei at binantayan ito. Si RJ ang nagpakain sa kanya at nagpainom ng gamot at habang nakahiga sa couch nagpakwento lang ng nagpakwento siya kay RJ.
RJ: Noong high school ako meron akong isang kaklase palagi kong pinagtitripan kasi sobrang lusog niya as in mataba. Binubully ko. Bad ko no? pero eventually naging kaibigan ko naman.
Dei: ang bad mo nga!
RJ: Tapos meron isang girl yung pumilit sa akin na sumali sa contest... naging girlfriend ko. Hindi ko niligawan ha. Pero naging kaclose ko kasi lagi ngang umaalalay sa akin don sa contest kaya nung nanalo ako sabi ko sa kanya kami na pumayag naman. She was really nice, mabait. Minsan naiisip ko nasan na kaya siya? May asawa na kaya?
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...