Chapter 41 - Lessons

1.3K 75 6
                                    

Ipinakita din nila sa streetserye ang tungkol sa  mga special dates na madalas na makalimutan, ang meeting the parents, ang tamang pagdalaw at paghingi ng permiso para idate ang kasintahan at kung ano-ano pa.  Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood at maraming natututunan ang mga kabataan sa streetserye nila at ipinakita din nila ang karaniwang kapusukan ng mga kabataan.  Ipinagpaalam ni Richard si Yaya Dee para manood ng sine.  Pinayagan naman sila. Ipinakita ang pagalis nila sa Broadway hanggang pumasok sila sa isang sinehan. Tapos nagsugod bahay na.  Nang umere ulit silang dalawa sakay na ng Van at nagtatalo.

Dei:  Sabi mo manonood lang ng sine eh ang likot likot mo yang kamay mo kung saan saan nakakarating.

RJ:  Baby Girl... hindi ko talaga sinasadya yon. Sabi mo giniginaw ka so I hugged you may masama ba don? Kaso natabig mo yung softdrinks mo kaya nung makita kong babagsak sa lap mo hinarang ko lang talaga.

Dei: Sana pinabayaan mo na lang akong mabasa.

RJ:   Eh di sorry na... but that wasn't intentional.  Dee, may respeto ako sa yo. Hindi ako gagawa ng anumang hindi mo magugustuhan maniwala ka naman.  Isa sa mga natutunan ko kay Lola ang maghintay.  Kaya hihintayin ko ang tamang panahon  para sa mga bagay-bagay na ganyan.

Dei:  Promise mo yan ha? Hihintayin natin  ang araw na pareho na tayong ready sa mga ganyang bagay.

RJ:  Oo naman, masaya na akong nahahawakan ko ang kamay mo o paminsan-minsang mayakap ka Dee, dahil alam kong magkakasama pa tayo ng mahabang panahon kaya marami pang oras para sa mga ganyang bagay.

Minsan naman dinalaw siya sa mansyon ni RJ. May meeting na pupuntahan ang kanyang mga Lola kaya naiwan sila doon.  Nanood sila ng movie, nagkwentuhan sa hardin at naupo sa ilalim ng puno. One year anniversary na ng kanilang pagiging magkasintahan. Magkahawak sila ng kamay at nagkatitigan at dahan-dahang lumapat ang labi nila sa isa't isa.  Kaso biglang dumating ang mga Lola nahuli sila.   Galit na galit ito. Pinagalitan silang dalawa.

Lola: Pinagkakatiwalaan ko kayo tapos ito ang gagawin ninyo?  Sinabi ko na sa inyo sa ganyan nagsisimula ang mga kapusukan ninyong mga kabataan.  Halik tapos ano yakap  tapos hanggang sa nabuntis na.  Napakababata pa ninyo.

RJ:  Lola, Sorry po talaga. Nadala lang talaga ng damdamin. 

Lola Tinidora:  Ate, ano ka ba naman isang taon ng magkasintahan ang dalawang yan. Pabayaan mo na.

Lola:  Pabayaan? RJ, Dee, alam ninyong wala naman na akong tutol sa relasyon ninyo. Ang sa akin lang ilagay sa lugar.

Lola Tinidora:  Ilagay sa lugar anong gusto mo sa kwarto nila gawin yan?  Eh di lalo ka ng nagwala non.  Tama si RJ, nadala lang ng emosyon, tignan mo naman kasi dito sa garden sa ilalim ng puno.  Masarap ang hangin at romantic.  ganon?!

Lola:  Sabagay dito din ako unang hinalikan ni Anselmo,

Lola Tinidora:  oh nakita mo na eh ikaw din pala.

Lola:  Kaya nga di ba alam ko ng mali kaya ko itinuturo ang tama sa dalawang ito.  Basta tatandaan ninyo, walang idudulot na maganda ang kapusukan. Hinay-hinay lang ha.

Dee:  Lola sorry na po. Hindi na po mauulit.

Lola:  O sige na aniversary naman ninyo eh, basta huwag ninyong kakalimutan ang mga bilin ko.

RJ at Dei: Opo Lola.

Nagkaron din sila ng episode tungkol sa mga pagbabarkada, paginom at paninigarilyo.  Marami ang natuwa sa mga aral na napupulot sa streetserye.  Kaya ang segment nila ay umani ng maraming parangal mula sa mga Universidad sa Pilipinas at mga Government Offices bilang huwaran ng mga kabataan.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon