Chapter 44 - reality bites

1.3K 81 2
                                    

Katulad ng napagkasunduan, isang lingo pang umere ang streetserye.  Pinalabas nila na kailangan ng bumalik ng amerika ng mga Lola.  Malungkot ang ending ng street serye pero nangako naman ang show na babalik ito at magpapatuloy.

Habang walang street serye, nagacting workshop nga si Dei. Lumalabas pa rin naman siya sa Barangay kasama nila Jose, Wally at Paolo. At kada sabado naman nasa Broadway siya para sa production numbers at regular hosting sa show.  Parang nananadya ang tadhana na kung kailan siya nasa Broadway tsaka naman nagpupunta si Koreen.

Katulad ng sabadong yon, maaga siya sa studio para magrehearse ng sayaw nila ni Dei. Nasa kalagitnaan sila ng rehearsal ng makita nila si Koreen na nanonood. Nagexcuse si RJ kaya nag10 minutes break sila.  Sabay silang lumapit ni RJ kay Koreen, nagbeso si Koreen sa kanya.

Dei:  Sorry, pinagpapawisan na ako eh.

Koreen:  Ok lang girl mabango ka pa rin.  Hi Babe!

Niyakap at humalik sa labi ni RJ si Koreen tumalikod si Dei kunyari kausap ang choreographer.

RJ:  Anong ginagawa mo dito?  Sana nagtext ka 

Koreen: I wanted to surprise you eh.  Dinalhan kita ng pochero for lunch. Dadating din si Kris. Dei sabi niya dadalawin ka daw niya eh.

Dei:  Talaga, that's cool! Namiss ko na nga ang mokong na yon eh.

Koreen: He mentionesd something like yayayain ka daw niya maghike.

Dei:  Oo nga binanggit niya one time sana nga pwede ako eh.  I haven't tried that at gusto ko kayang maranasan yang mga camping na yan.

RJ:  Masaya yon, dati palagi kaming naghahahike at camping. Pero dapat easier trail lang muna since beginner ka.

Koreen:  Ay naku, lagi nila akong niyayaya eh its not my cup of tea. Maraming mosquitoes eh nagra-rashes pa naman ako from mosquito bites tsaka nakakapagod kaya umakyat ng bundok.

RJ:  Yun nga ang thrill don Babe eh.

Dei:  well I wanted to try for the experience.  Sabi ni Kris baka daw makasama sila Bea at Rodjun, I think it would be fun to spend time with them. Kaya lang nakakahiya naman kasi gusto ni Kris sa beginner trails lang eh di wala ng thrill para kila Bea at Rodjun yun. Pero  wala pa namang final plans baka nga matagalan pa kasi busy pa sila eh.

RJ:  Sana pwede din akong sumama, matagal na din kaming hindi nakakahike eh.

Dumating nga si Kris ng araw na yon at sabay-sabay silang naglunch sa host room.

Dahil walang streetserye at may oras sila Dei at RJ natuloy ang mountain hiking na plinano ni Kris.  Kasama ni Kris si Bea, kasama naman ni RJ si Rodjun at kasama ni Dei ang isa sa friend niya na si Irene.  Sa Mt. Palay-Palay/Pico de loro sila pupunta. May mountain trails ito for beginners pero medyo steep din at hindi pa din nakakaakyat sila Bea at Rodjun doon.

Maaga silang umalis para makababa din sila ng same day at sa hiling ni Dei may surprise siya para sa mga ito.  Dei made sure na mauuna sila sa meeting place dahil nahihiya siya sa mga kasama nila na noon lang niya makikilala. Kasunod na dumating si Kris kasama si Bea. Dahil mabait at kalog din si Bea madali naman silang nakasundo ni Dei at ng kaibigan niya at they all have one thing in common.  Fashion.  Kaya puro tungkol sa fashion ang pinaguusapan nila.

Kris:  Kung hindi ko kayo kilala iisipin ko papano kayong makakasurvive sa maountain eh puro fashionista kayo. 

Bea:  bakit may fashion din naman sa mountain  climbing look at us oh di ba fully geared up kami to hike.

Dei:  Oo nga look, light fitted clothes pero covered ang buong katawan at hiking shoes.


Kris:  Oo nga eh kayo lang ang mga sexy na magha-hike.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon