(ctto of the pictures on this chapter)
Dumaan ang mga araw masaya naman si Dei at RJ, halos anim na na buwan ng umeere ang The Stories of the Heart at maganda ang pagtanggap ng mga manonood dito. Pati ang relasyon naman nila, maayos din naman at kita sa kanila na talagang masaya sila.
Isang araw, tumawag ang isang malapit na kaibigan ni Dei since high school para makipagkita sa kanya. Pumayag naman siya, nagpaalam pa siya kay RJ tungkol dito at pumayag naman ito. Sa isang Ramen house sila nagkitakita ng mga kaibigan.
Limang kaibigang babae ang dinatnan ni Dei doon. Masaya siyang bumati sa mga ito, umorder sila ng pagkain at nagkwentuhan habang kumakain. Biglang dumating si Miggy. Nagulat man hindi nagpahalata si Dei pero napansin ng kaibigang si Kat ang pagtahimik nito. Hanggang matapos kumain, sandali itong nakipagkwentuhan at nagtext na kay Direk Pat na sunduin na siya. Bago pa dumating si Direk Pat humiling ng picture ang mga kaibigan niya, nagpaunlak naman si Dei. Kinuhanan sila ng waiter habang nakaupo, hindi naman magkatabi sa upuan si Dei at Miggy pero ng ipost ito ng kaibigan ni Dei. Binigyan pa rin ng hindi magandang implikasyon ng ilan ang litrato. May nagretweet at nag comment na, "Dei, kasama ang ex sa isang dinner with friends, bakit?"
Yun ang nabasa ni RJ ng minsan nasa bahay siya at naglalaro sila ng video game ni Rodjun.
Rodjun: Para namang sira yang nagtweet niyan eh, bakit hindi ba pwedeng maging magkaibigan ang magex?
RJ: Malay ko eh wala naman akong ex na naging kaibigan ko eh.
Rodjun: Don't tell me papatulan mo yan at magiisip ka din ng hindi maganda? Ang babaw mo oy!
RJ: Wala naman akong sinabing ganon.
Rodjun: Wala nga pero yang noo mo nakakunot na naman. Huwag mong sabihing nagseselos ka?
RJ: Hindi, pero hindi sinabi ni Dei na kasama si Miggy sa dinner na yan.
Rodjun: Precisely, bakit sinabi ba niya lahat ng pangalan ng kasama?
RJ: Hindi sabi lang niya kasama si Kat at ibang old friends nila.
Rodjun: Meaning insignificant naman kasi dahil mga simpleng kaibigan lang naman sila. Para sa kanya Miggy is no big deal anymore so bakit pa niya sasabihin.
RJ: siguro nga.
Pero ng mga sumunod na araw, hindi nagtetext si RJ kay Dei, ilang araw na din siyang hindi inihahatid at dinadalaw nito sa condo at nagiisip na si Dei.
Alam ni Dei ang pagkaseloso ni RJ. Unang reaksyon lang yung nagtatampo, nagagalit pero kapag napaliwanagan ito magiging ok na. Pero sa bawat pagkakataon ipinapakita nito ang pagseselos kaya kinakabahan siya sa hindi nito pagkibo. Wala naman siyang maisip na pwedeng dahilan kung hindi ang dinner na dumating si Miggy.
KInasabaduhan pagkatapos ng show, may photoshoot si RJ para sa isang magazine kaya nagpaalam ito na mauuna ng umalis tatawag na lang daw kapag nakauwi na ng Laguna. Si Dei naman nagplano na. Kung ayaw siyang puntahan at kausapin ni RJ siya ang pupunta at kakausap dito. Tinawagan niya si Sheena at Rodjun para samahan siya.
Habang nasa byahe papunta ng Sta. Rosa...
Rodjun: So, ibig mong sabihin one week ka na niyang hindi dinadalaw o inihahatid man lang pero walang sinabi sa yo?
Dei: Wala nga kaya kinakabahan ako eh. Although sa totoo lang wala naman talaga akong maisip na kasalanan ko. Pero may palagay ako na this has something to do with that picture ng dinner namin ng mga friends ko where Miggy arrived ng wala akong kaalam-alam na imbitado pala siya.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...