Every other day ang shooting nila para sa teleserye. Kapag may shooting sila. Nakakumpol si RJ, Koreen, Dei, Sheena, Juancho at RJ P. sa ilalim ng isang tent. They were given instructions na kailangan magkakasama sila para kahit may mga litratong makuhanan wala masyadong intriga. Palaging magkatabi si Dei at RJ na bilin na din ng management pero sa kabilang side ni RJ si Koreen at si Juancho naman sa kabilang side ni Dei.
Palaging pinipilit ni Dei na bigyan ng private moment si RJ at Koreen. Kaya laging sila Juancho at Sheena ang kakwentuhan niya. Magkakasama din silang nagre-rehearse ng mga linya nila. Nagkukulitan din sila at kumakain. Hindi naman niya iniiwasan si RJ normal naman sila kung tratuhin ang isa't isa. Pero kapag may nakikita silang fans na nanonood si Dei mismo ang lumalapit kay RJ para makipagkulitan dito. Nandyang maghabulan, magjack and poy. Ganon din naman si RJ, kapag kakain uunahin niyang kumuha ng pagkain para kay Dei na ikinakikilig naman ng mga fans na nanonood sa kanila sa shooting. Nauso din ang mga fast talks nila RJ at Dei na live na kinukuhanan at nakaonline para sa mga manonood.
Samantala sa Lunch Surprise at basta nasa studio, Mahal pa rin kung tawagin ni RJ si Dei. Sweet din silang parang magasawa. Isang bagay na naiintindihan ng mga staff at ng mismong management. Maayos ang career ng dalawa, kinagigiliwan pa rin ang kahit anong bagong segment na hinahandle nila sa Lunch Surprise. Hindi pa rin maubos-ubos ang mga produktong kumukuha sa kanila para sa mga commercial.
Kung titignan mukhang maayos ang lahat, pero ang totoo maraming gumugulo sa isip ni RJ. Ayaw siyang tigilan ng manager na si Carlitos to go solo at mukhang nakahanap ng kakampi si Carlitos sa Artist Center. Nandyang papuntahin nila sa isang meeting si RJ at habang nanananghalian sila biglang dumating don ang mag-inang kaibigan ni Carlitos na inirereto ni Carlitos kay RJ.
Carlitos: Hey, fancy seeing you here. Halika sabayan ninyo kami.
RJ: Carlitos, this is supposed to be a luncheon meeting hindi get together ninyo ng mga friends mo.
Carlitos: Wala namang masama kung makijoin sila sa table natin. We are done with the meeting anyway. Oh picture tayo.
Walang nagawa si RJ, pero ng matapos kumain tumayo.
RJ: Tapos naman na yung meeting di ba and I am done eating. Kung ayaw mong Daddy ko ang paattendin ko sa mga meeting na gusto mong puntahan ko. Never try to set me up again.
Carlitos: RJ, ano ba you better stay.
RJ: I better stay or else what? Ilalabas mo ang kung anong alas mo na sinasabi mo sa mga fans? Ano lalayasan mo ako? Pababayaan mo ako? Sisirain mo ako? Matagal mo na akong sinisira Carlitos pailalim nga lang. I just have much respect on you at marunong akong tumanaw ng utang na loob kaya maswerte ka dahil hindi ako kasing gago ng ibang kilala ko. Pero may hangganan ang lahat... tandaan mo yan. May hangganan ang lahat.
Nandyang, saksakan ng saksakan ng kung ano ano ang schedule ni RJ para wala itong oras para tumambay sa Studio at makasama si Dei.
At may nagsusulsol din kay Koreen. May nagtag kay Koreen sa lumabas na picture ni RJ at Dei na sweet na sweet habang nag rerehearse ng kanilang linya.
Inaantok na non si Dei pero may dalawang scene pang kinukunan kaya hinihintay nila ang pagsalang nila. Napipikit na si Dei.
RJ: Here dito ka sa balikat ko humilig habang nagmememorize ka para pag nakita kong nakapikit ka na gagalawin ko ang balikat ko para magising ka.
Ganon nga ang ginawa ni Dei at yun ang tagpong inabutan ni Koreen.
Koreen: Ang sarap ng pwesto ninyong dalawa ha.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...