Bandang alas diyes ng magsimulang maguwian ang lahat pati ang pamilya ni RJ, nagbilin pa na sana daw sa susunod siya naman ang dumalaw sa mga ito. Naiwan si RJ at ang pamilya ni Dei. Nakabook kasi ang mga ito sa katabing Bed and Breakfast. May mga pagkain pang natira ipinatabi ni RJ at ibinilin na yon ang ihahain para kila Dei kinabukasan. Sinabi ding uuwi siya ng gabing yon at sila na ang bahala kila Dei.
Dei: Uuwi ka pala bakit hindi ka pa sumabay na lang sa mga Daddy mo kanina? Uuwi ka ngayon magisa eh late na.
RJ: Ok lang, hindi naman ako nakainom eh. Wine lang ininom ko tsaka sanay naman akong bumiyahe ng nagiisa. Ang lapit lang ng Laguna eh.
Dei: Fine, it's up to you.
Tumayo si Dei at lumapit sa Bar. Humingi ng white wine sa baso niya at naupo sa beach chair na malapit sa rails ng view deck. Nakita siya ni Tatay Teddy. Lumapit ito.
Tatay Teddy: Oh bakit nagmumukmok ang dalaga ko doon?
RJ: Hindi ko ho alam, pero parang nagalit ho nung sinabi kong uuwi ako pagkatapos magligpit dito eh. Sabi uuwi daw pala ako sana kanina pa ako nakisabay sa mga Daddy.
Tatay Teddy: Dalawa lang yan eh, nagagalit kasi nagaalala dahil delikado na uuwi ka ng magisa o kaya naman ayaw ka lang pauwiin dahil gusto kang makasama. O sige na ha, magpapahinga na ako.
RJ: Tay, eh saan ako matutulog, mabuti kung may bakante pa dyan sa B&B?
Tatay Teddy: Kung wala ng bakante eh di itanong mo sa kanya kung saan ka matutulog kung ayaw ka niyang pauwiin.
RJ: Tay, papano kung doon ako sa kwarto niya patulugin?
Tatay Teddy: Eh di matulog ka don. May tiwala naman ako sa yo at palagay ko hindi ka gagawa ng hindi ko magugustuhan.
Tinapik siya ni Tatay Teddy sa balikat. Napalunok si RJ ang nasa isip... "you really I think I can help it? Eh kanina ng makita ko natulala na ako eh."
Nakaligpit na ang buffet table pati ang bar. Iniwan ng waiter ang bote ng chardonnay kay Dei. Kumuha ng wine glass si RJ at lumapit kay Dei.
RJ: Balak mong ubusin yang isang bote?
Dei: Pwede din, oh akala ko uuwi ka? Bakit nandito ka pa, lalo ng late niyan eh... ang tigas din ng ulo mo eh, sabi ng delikado kung magda-drive kang magisa eh.
Dinampot ni RJ ang bote ng wine at nilagyan ang baso niya. Naupo siya sa dulo ng beach chair na inuupuan ni Dei.
RJ: Ako ba ayaw mong pauwiin dahil nagaalala ka o gusto mo lang akong makasama?
Dei: Sabi ko nga umuwi ka na di ba, it's up to you. Gusto mo yan eh.
RJ: Answer me, yung totoo lang kasi hindi ko kayang basahin yang utak mo.
Dei: Fine, eh di both! Ok na?
RJ: Ok, if I don't go home, saan ako matutulog?
Dei: Dyan sa B & B sa kabila. Nagkukuripot ka na naman, ipinagparty mo nga ako eh, a few thousand for a night stay won't hurt your pocket.
RJ: Pano kung wala ng available room?
Dei: Uhmmm, eh di dyan sa restaurant, or sa Van, sasamahan pa kita basta huwag ka na lang bumiyahe magisa or if you insist sasama na lang ako sa yo, para may kasama ka.
RJ: Papano ang Tatay mo, nakakahiya naman di ba ako pa ang magpapahatid sa yo.
Dei: Basta!
RJ: Fine, hindi ako uuwi, bahala na kung saan ako matutulog, kaya inumin na natin ang wine na ito.
Ngumiti na si Dei. Napatingin si RJ kay Dei.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomansaWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...