Chapter 9 - #kaba

1.5K 94 2
                                    

Dumating ang pagkakataon na magkita sila Richard at Dei sa studio, dahil pareho silang kasali sa contests ng mga performances ng mga hosts.  Sa huling rehearsal ni Richard...

Sam: Oh  rehearse pa more baka matalo ka ni Yaya Dee.

RJ:  Nagumpisa ka na naman ha.

Sam:  Ang saklap naman kasi magkikita nga kayo magkalaban naman kayo.

RJ:  Ano ba, we all know na friendly competition ito.

Sam:  Bakit friends na kayo?

RJ:  Bwiset ka talaga eh no!  Syempre Oo.  Kahit hindi pa kami nagkikita friends na kami non.

Sam:  Sabihin mo kahit hindi pa kayo nagkikita kayo na!

RJ:  Huy! Mamaya may makarinig sa yo, akala totoo.  Makarating pa kay you know who.

Sam: Speaking of you know who?  How is she taking all this?

RJ:  Ok lang, alam namang niyang trabaho lang ito eh.

Sam:  Totoo ba? Trabaho lang ito para sa yo?

RJ:  Samuel, you of all people ang nakakaalam about my relationship kaya pwede ba?

Sam:  Alam ko at hindi ko naman kinukwestyon yon. Pero aminin mo, enjoy ka, masaya ka, at kinikilig ka sa segment ninyo kasi kitang kita naman.

RJ:  Lalaki ako ok, yon lang yon! Nakakaboost ng self confidence na alam  mong may ibang babaeng may crush sa yo besides you know who.

Sam:  So meaning typical na lalake ka lang tumitingin ng ibang putahe pero hindi kakain.

RJ:  alam mo ikaw ang mga comparison mo talaga, out of this world eh.  Dee is a co-worker, who happens to be a friend na din. Yun lang period.

Sam:  Sabi mo eh.  Pero excited kang makita siya sa personal.

RJ:  Oo naman syempre!

Sam:  I rest my case.

Dumating ang araw ng contest, lulan ng Van si Dei, Dean, Direk Pat at Direk Moty. 

Direk Pat:  Ok ka lang? 

Dei:  Oo ate Pat, ok lang.  Totoo bang magkikita kami?

Direk Pat:  Oo nga magkikita na kayo,sa wakas.

Direk Moty:  Excited ka?

Dei:  Syempre!  Imagine ilang linggo na sa TV screen ko lang siya nakikita tapos ngayon harapan na.

Direk Pat:  Bakit parang worried ang tono ng boses mo kaysa excited.

Dei:  Kasi ngayon makikita na nya talagang itsura ko.

Direk Pat:  Para namang ang layo ng itsura mo? Nagnenega ka na naman ano? Ilang beses ba naming sasabihin sa yo na maganda ka! ala Angelina Jolie lips!

Natawa si Dei,  ang dalawang Director nag talagang nakakapagpalakas ng loob niya.

Dei:  Ok! Kailangan ang project mala Angelina Jolie din!

Nagtawanan  sila pero kinakabahan pa rin siya.

Sabado, matapos ang briefing kay Ms. Jenny, nagpunta si Richard sa dressing room kasunod niya si Mama T. Nahiga siya sa couch para magrelax, simula kasi ng dumating siya sa studio hindi na siya mapakali.

Mama T:  RJ, may kailangan ka pa ba? May kukunin lang akong mga gamit sa van, ok ka lang dyan?

RJ:  Oo Ma, sige na do what you have to do.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon