Chapter 8 - Realization

1.7K 93 0
                                    

Kung gaano ka-social media buff si Dei kabaligtaran naman si Richard.  May mga social media accounts siya oo, tulad ng FB, Instagram at Twitter pero bihira siyang magcheck or magpost.   Video games addict kasi siya.  Mas enjoy siya sa paglalaro ng mga ito.  Kaya wala talaga siyang kaalam-alam sa mga comments sa social media.  Isa pa naging busy siya dahil nagsimula na ang sunday show comedy/variety show na kinabibilangan niya. Kaya ang hosting niya sa Lunch Surprise ay isa lang sa mga trabaho niya. 

Patuloy pa rin ang pagda-dubsmash at pagpapakilig nila sa segment ng Juan for All na kinalaunang tinawag na Streetserye. Nagkaron na ng kwento pero wala pa ring script at ang mga linya nila bahala silang magadlib. Ilang mga karakter na ang pumasok sa eksena na lalong ikinahumaling ng mga manonood at tinawag ang loveteam nila na RichDee.  Isa-isa ding nag-usbungan ang mga fans club. Kahit ang mga opisyal ng Tape ay nagulat.  Katakot-takot na commercial offers, interviews, magazines features ang lumapit sa kanila para kuhanin si Dei at Richard pero dahil hindi pa nga sila pwedeng magkita nakabinbin ang mga ito. Naifeature ng isang magazine si Dei naging cover nito, nasold-out ang magazine, may isang product siyang inendorse sold out din.

Isang bagay na ikinagulat ni RJ, dahil matagal na siya sa showbiz, ang commercial offer niya  isa o dalawa sa isang taon swerte na. Kaya nagulat siya isang araw...

Carlitos:  RJ you have 4 commercial offers, ito basahin mo ang concept and let me know kung alin ang gusto mo para makipagnegociate na tayo.

RJ:  Apat?  Saan nanggaling yan?

Carlitos:  Well Darling sikat na sikat ka na pati sa social media. Kaya madami na ding mall tour offers  sa yo abroad sabi ni Ms. Gigi.  

Isang araw ipinatawag na siya ng Artist Center para idiscussion ang mga mall tours  at schedule niya.  Habang wala pa ang Manager kinausap ni  RJ si Ms. Gigi. 

RJ:  Ms. G, hindi talaga ako makapaniwala.  How did all of this happen.

Ms.  Gigi:  I will have to say pasalamat ka sa Lunch Surprise,  if not for them taking you wala ka siguro sa segment na yon ng araw na nagkita kayo ni  Dubsmash Queen sa screen.

RJ:  Po?  Do you mean this has nothing to do with me?

Ms. Gigi:  Of course not, everything has something to do with you, your talent and your luck. Magaling ka RJ kaya nga pumayag ang Tape to take you in sa noontime show nila ay dahil magaling ka.  They gave you the chance, nadagdagan ang fans mo at credibility mo by joining the longest running noontime show kaya advertisers wants you as well.  Nabigyan mo sila ng mga young viewers.  But you cannot deny that when that on-screen meeting of you and Yaya Dee happened... that brought you A LOT.   You became famous on social media by association to Yaya Dee dahil siya ang popular sa social media. Millions of tweets are posted about you and her.  RichDee love team was created at napakaraming fans club ang nabuo.

RJ:  Ho? 

Ms. Gigi:  I suggest you open your social media accounts Richard and see for yourself.

Nang gabing yon sa bahay nila RJ sa Laguna.

Daddy Rick:  Kamusta naman, mukhang busy masyado nak ha.  Masaya ako para sa yo Hijo.

Mama T: Napapanood mo yung Juan for All?

Daddy Rick:  Oo, nakakatuwa kayo.  Naku yung kapatid mo kinikilig pati Lola mo nakikipagaway kapag alas dose na hindi pa bukas ang TV.

Ryzza:  Kuuuuyyyyaaa OMG nandito ka! kasama mo ba siya?

RJ:  Adik ka! Paano?  Hindi pa nga kami nagkikita!

Ryzza:  Totoo ba?

Mama T:  Totoo Ryzza, bawal silang magkita until Tape says so.

Ryzz:  Ayyyiiieeee mas lalong nakakakilig!

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon