Chapter 33 - Paano?

1.4K 73 2
                                    

Nagulat si Dei ng umagang yon, kakatapos lang niyang magbihis at kakain na sana ng agahan ng may magdorbell.

Dei:  Ang aga naman nila Ate Pat...

Binuksan niya ang pinto ng hindi tumitingin dito

Dei:  Ate Pat ang aga mo naman, 10 pa ang call time di ba?

RJ:  Galing ako sa gym so I thought dumaan na dito.

Napatingin si Dei kay RJ, hawak nito at nakatapat sa mukha ang isang bungkos ng yellow carnation.

Dei: Anong ginagawa mo dito?

RJ:  Came here to apologize, sorry mate.

Dei:  Si Richard Reyes magsosorry sa akin, wow!

RJ:  Dei naman eh...

Dei:  Pumasok ka na mamaya may makakita pa sa yo dyan.

Pumasok naman si RJ at isinara ang pinto.  Dumerecho si Dei sa Dining table, naglagay ng isa pang pinggan at naupo.  Kinuha ang bulaklak na iniabot ni RJ.

Dei:  May pabulaklak ka pa nasa Juan for all ka ba?

RJ:  Galing talaga sa akin yan,  peace offering.  Sorry for shouting at you and getting mad without checking first. Actually, it was not just that particular incident eh.  Yung nangyari na one on one question, wala naman akong alam don eh bakit pati sa akin galit ka?

Dei:  Hindi naman ako nagalit sa yo non eh.

RJ:  So what is happening then?  Dei, kakampi mo ako dito, if there is anyone na pwede mong kausapin tungkol sa mga bagay bagay na ayaw mo ako yon so I can back you up pero kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema papano kita tutulungan.

Dei:  I cannot work like you do, ikaw kaya mong maging si Richard Reyes the actor kahit anong oras ako hindi but I am trying and I can only do that if I put my mind on being Yaya Dee, para hindi ako naco-caught of guard at any given time.  

RJ:  You can be honest with me, I will not take it against you.  

Dei:  Since obvious naman since day one at kinonfirm ko naman na nung weeksary. Crush nga kita di ba?  

RJ:  Bakit I confirmed as well na crush kita di ba?

Dei:  Is that Richard Reyes talking or RJ Faulkerson Jr.?

Napatingin si RJ kay Dei...

Dei:  See how confused I am? So tell me, rather teach me... how do I handle this?  Mas mabuti pa nga ang mga fans natin kasi para sa kanila... Richard and RJ  and Yaya Dee and Dei are one and the same.  Sa kanila hindi lang si Richard at Yaya Dee and nagliligawan  kung hindi si RJ at Dei din.  But we both know that is not true.  So, para hindi ako nako-confused I need to shelved off Dei  kapag nasa trabaho.  May mali ba don?

Hindi nakaimik si RJ

RJ:  Wala  naman.  Kung mas madali para sa yo yan eh di ok lang. But for the record... totoong crush na kita noon from your dubsmash videos, gusto kita dahil iba ka at crush kita hanggang ngayon.

Si Dei naman ang hindi nakaimik napatingin kay RJ namumula ang mukha nito.  Tinignan ito ni Dei na parang hindi makapaniwala.

RJ:  kung tignan mo naman ako parang ang laki ng kasalanan ko eh.  Wala namang masama don di ba? Crush kita, hinahangaan ko the person that you are.

Dei:  Alam mo you just made it worst eh. Ngayon magiguilty pa ako nito kay Koreen eh. Imagine crush natin ang isa't isa?!

RJ:  Bakit ka magiguilty, artista ako gwapo at type mo ang biceps ko so normal na magkacrush ka sa akin. Ano lang para ka lang nagfa-fangirling.

The Truth About You & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon