Naging busy si RJ at Dei ng mga sumunod na buwan. Pareho silang umaattend ng martial arts/stunts at shooting training. Tinapos din ni Dei ang kanyang acting workshop with Gina Alajar. Umattend din sila ng motorcylce driving lessons. Pinaghandaan talaga nila ang movie na gagawin nila. Pero araw-araw pa rin naman silang nagkikita sa split screen sa Lunch Surprise kapag weekdays at sa studio kapag Saturdays. Ang chemistry nila at sweetness wala pa ring pinagbago.
Minsan naiisip ni RJ, "tama si Koreen, words were never said but our actions really shows how we feel."
Nang magsimula sila ng shooting ng movie, sa isang Hacienda sa Isabela sila nagshooting. Nirentahan ang buong lugar kaya doon na din namalagi ang lahat ng staff at crew ng movie. May kasama din silang medical crew. Ginawang exclusive ang shooting, bawal ang mga fans na manonood, wala ding mga pictures na lumalabas. Ang kaisa-isang press na pinapasok don ay si Nelson Canlas. Pang-apat na araw yon ng shooting day nila at pinayagan si Dei at RJ na magpainterview.
Nelson: Hello, kamusta naman kayong dalawa.
Dei: Eto, po buhay pa naman
RJ: Pasa-pasa nga lang.
Nagtawanan sila.
Nelson: Grabe ang higpit ng security ninyo dito at bawal daw ang manood?
RJ: Kailangan po kasi talaga... since may pagkaaction po medyo may mga bagay sa set na delikdao and we really wanted this movie to be a surprise.
Nelson: Balita namin, ibang-ibang daw ito sa first movie ninyo?
Dei: Opo, our characters are very diffent from the streetserye Richard and Dee at malayo din po sa totoong pagkatao namin.
Nelson: This is an action movie?
RJ: Hindi naman po puro action. It's a mixture of Action-Romcom-Drama, since forte ni Dei yung Romantic Comedy at ako naman Drama.
Nelson: Matured roles ba ito?
Dei: Hindi naman ho super matured pero the characters are like mid-20's.
Nelson: Can you tell us about your character.
Dei: Ako po si Alex or Alexandra, siga ng palengke, boyish, astig. Very protective at mapagmahal sa pamilya.
RJ: Ako naman po si Joaquin or Jake, anak ng isang mayamang haciendero, neglected at nagrerebelde, in short bad boy.
Nelson: Mukhang iba nga, so anong paghahanda ang ginawa ninyong dalawa before this movie.
Dei: Tinapos ko po ang acting workshop ko with Direk Gina Alajar para naman mabigyan ko ng justice ang drama at makasabay sa galing ni Mr. Richard Reyes.
RJ: Uyyyy!
Dei: Nagmartial arts, stunts at shooting training din po ako.
EJ: pareho po kami nagmartial arts, stunts at shooting training and nakalimutan mo regular po kaming nagwo-work out at nagru-run.
Dei: Ay oo nga po, bali medyo mabagal or malamya po akong kumilos so dito kailangan yung adrenalin mo to the highest level talaga, maliksi ganon.
Nelson: So, nakapagshooting na ba kayo ng ilang action scenes? Ibig bang wala kayong double?
RJ: Opo, nakapagshoot na po kami. Kaya nga po sabi ko pasa-pasa ng konti. Si Dei may mga scratches at pasa sa paggapang, pagtalon at pagslide.
Dei: Medyo, mahirap po to adopt to the change pero since nagtraining po kami personally po malaki talaga ang naitulong nung training sa akin. Now po wala pa naman pong sobrang big stunts so kaya pa naman. Of course kung sobrang hirap po talaga na stunt I am sure I will use a double. Ewan ko lang ho dito kay RJ, mahilig ho magbuwis buhay yan eh.
BINABASA MO ANG
The Truth About You & Me
RomanceWhat would you do for fame? for money? for your dreams? for love? Find out how two different people - RJ and Dei, from two different worlds got tangled. Will they manage to work on their differences or will they manage to act as they should or...