PROLOGUE/CHAPTER 1

1.5K 147 60
                                    

P.R.O.L.O.G.U.E


A full years had passed.


Naging magulo ang buhay ko simula ng dumating siya. Isa siyang user! Pina-akit, pina-ibig niya ako pagkatapos ay lolokohin lang pala.

Para akong tanga non!
Binigay ko lahat ng gusto niya akala ko sapat na ako pero tang*na lang! Nagawa niya parin akong gagohin at lokohin.

Akala ng nakakarami na kaming mga lalaki lang ang nakakagawa non pero mali kayo. Kahit babae kayang gawin ang ganiyang bagay. Kaya huwag niyong lahatin na lahat ng lalaki ay manloloko.

Matapos ang mga panlolokong ginawa niya hindi ko 'yon pinagsisihan dahil nakilala ko ang babaeng tunay na nagpapatibok ng puso ko.

Na kailan man hindi ko nararanasan kay Abby na girlfriend ko for almost one year. Iba ang nararamdaman ko pagkasama ko siya, makita ko lang siyang nakangiti napapangiti na rin ako.

Basta sobrang weird sa feelings 'yong mafefeel ko sa kaniya.

Every minutes feels like an hour

Every hour feels like a day

Every day feels like forever but i will wait forever and a day until her memories back.

I've been fall for her since when she was nerd.

I am Tyler Chase Montero ang lalaking minsan nang nagpaka-tanga sa pag-ibig.

[Chapter 1]

Kristelle POV

Phone ringing...

"Ugh! Kainis 'to agad naririnig ko! Umagang-umaga pa lang badtrip na agad ako!" pasigaw kong sabi.

Sinagot ko ang tawag na hindi man lang tinitignan kong sino ang tumawag sakin na ganito kaaga.

"Hello?!"

"Ano ba KRISTELLE LYCA JHEZ CORTEX! Kung makasagot ka wagas! Para wala ng bukas te?!"

Agad kong inilayo ang phone ko sa kadahilanang nakakarindi ang tinig ni Cheska.

Hayts!

Siya pala ang tumatawag sakin,
ano kaya ang pakay niya?

"Ikaw kasi eh! Sarap ng tulog ko dito tapos bubulabugin mo lang? Sinong hindi magagalit don?"

"Hindi mo na ba natatandaan huh?" Cheska ask.

"Ang alin Ches?"

"Paktay kang bata ka! Yan na bang sinasabi ko eh! Dami kasing nilagay na Ajinomoto sa pagkain. Edi ayan makakalimutin na!"

"Hoy! Tumigil ka nga dyan. Ano ba kasi yang pakay mo Cheska?
Inaatok pa ako eh." Antok kong pagkakasabi.

"Te! May pupuntahan tayo ngayon."

"Saan?"

"Jhez naman! Gumising ka nga pupunta tayong mall ngayon! Bibili tayong school supplies, pasokan na bukas!"

"Aray! Sorry na sorry! I just forgot na may lakad pala tayo ngayon."

"Yan kasi eh! Sige na bilisan mo na dyan."

Agad na akong ng tungong banyo para maligo at gawin na ang daily routine ko.

Pagkatapos maligo at agad na nagbihis para pumuntang mall, naglagay ng konting pulbo at slight ng lipstick laging naka ponytail ang buhok ko at tsaka lumabas ng bahay at hinihintay si Cheska.

"Jhez?!" Tawag ni Cheska sa akin, hindi ko kasi namamalayan na dumating na pala siya at dala yong kotse niya.

"Taray ah! Akala ko pa naman magcocommute tayo papuntang mall?"

"Hay nako Jhez. Hassel lang 'yon no! Mabuting may dala tayong kotse para hindi na tayo mahirapan diba?"

"May point ka naman dyan besh, palibhasa kasi anak mayaman ka."

"Sumakay ka na nga lang dito Jhez dami mo pang satsat eh!" Mataray nasabi ni Cheska sa akin.

"Okay fine." Tipid ko nalang nasabi at pumasok na.

For the information of everyone.
Si Cheska ay isang anak mayaman isang businessman ang ama at fashion designer naman ang ina niya dito sa pinas taray no?

Pero kahit ganon pinalaki din siyang mabait at hindi spoiled na anak. Naging magkaibigan kami ni Cheska dahil magkarelated yong pamilya namin, ninang ko kasi yong mommy niya at tsaka bestfriend din siya ni mama.

Actually pala ang mama ko ay may sariling Boutique dito sa pinas, hindi na nga ako nahihirapan pumili ng damit dahil si mama na 'yong bahala magdesign non.

Ang papa ko isang businessman din katulad ng papa ni Cheska kaso nasa ibang bansa siya, kasama ng kuya ko na ubod ng protective pagdating sa akin.

Itutuloy...

A/N: edited ko na ang Prologue together with the chapter 1. Mas maganda na po siyang basahin kaysa noong una guys...

Thank you so much for the votes and comments. Na appreciate ko lahat ng mga comments and votes niyo sa story ko. I love you guys!

Edited na po 'to na part.
Thank you to my partner Kwuisha for the correction like spacing, comma and etc.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon