Chapter 58 Selos

157 19 1
                                    

Tyler POV

Recess time na lang hindi ko pa rin nakikita si Krish, nag-alala na naman ako kung ano na ang nangyari don.

Tinatawagan ko siya ayaw namang sumagot. Ng text na rin ako ayaw magreply. -_-

Saan ka ba ng punta Krish?

Mas lalo akong nangamba at nag-alala kay Krish ngayong bumalik na si Abby, baka ano pang masamang balak ang gawin niya kay Krish.

Kilala ko siya, gagawin niya ang lahat para makuha niya ang gusto niya.

Pero ngayon?, hindi na siya makakaasang babalik pa ako sa kaniya.

Damn her!

At hindi ko din hahayaan na may masama siyang gawin kay Krish, kundi malalagot siya sakin.

Palakad lakad ako sa mga office ng teacher dito sa campus.
Nagbabakasakali na ring nandito siya.

Ewan ko ba dito ako dinala ng mga paa ko.

Lakad.

Lakad...

Laka--

O_!

Bakit niya yakap yakap si Krish?
At sino siya sa akala niya na gawin yon?

Umaandar na naman ang hindi ko makontrol na ugali. Na basta basta na lang nanapak pag galit, lalo na sa lalaking to.

Inhale.

Exhale.

Ang ginawa ko para magpakalma ko ang sarili, bago lumapit sa kanila.

Kumalas si Krish sa yakap at pansin kong namamaga ang mata niya.

Umiiyak ba siya?

At bakit naman siya iiyak?

May umaway na naman ba sa kaniya?

Argghhh! Malalaman ko ito kong lalapit na ako.

Akmang hahawakan ng lalaking  ang kamay ni Krish ng pigilan ko siya sa gagawin niya gamit ang nakasindak kong pagbabanta.

"Don't you dare touch her hand or else i send you to mars and never comeback until you die there!."

Bumilog ang mata ni Krish ng makita ako na umaapoy na sa galit.

Ikinuyom ko na nga ang kamao ko ng humarap sakin ang lalaking yakap niya kanina.

At to be exact, kilala ko siya.

"Mr.Montero, wala kang karapatang pagbawalan ako na hawakan ang kamay ni Krish dahil hindi naman kayo."

Akmang susugurin ko na sana si Clark ng pumagitna si Krish samin.

Tumingin siya sakin na nanliliksik ang mga mata.

"Ty, please huwag kang gagawa ng eksena dito."

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Krish, bagkas kay Clark lang ako nakipagtitigan ng masama at ganon din siya.

"May karapatan ako dahil manliligaw niya ako! At ikaw tinitake advantage muna ang kahinaan niya dude."

"Tyler stop it!."

Hinawakan ko ang kamay ni Krish at hinatak papunta sa likoran ko.

Magkaharap na kami ngayon ni Clark ang taong kinaiinisan ko dito sa SLU.

Akala ko lumipat na ito ng ibang school ng huli kaming magka ingkwentro.

"Manliligaw ka pa lang Ty hindi pa boyfriend, kaya wag kang umasta na talagang pag-aari mo siya. Dahil simula't sapol noon pa man hindi ikaw ang pinili niya---"

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon