Chapter 73 "Sacrifice"❤

141 15 2
                                    

[Chapter 73: "Sarifice"❤]

"HAYOP KA CLARK!"

sigaw ko sa galit na siya pala ang nagpalo kay Tyler,
sinugon ko si Clark at pinagsusuntok siya pero ang tigas niya, hindi ko siya matinag at hanggang sa makaramdam ako ng pagod at hina ng katawan ko dahil sa kakaiyak.

"Hayop ka! hayop ka! Ano bang kasalanan ni Tyler para gawin mo ito sa kaniya?!"

hindi ko alam kong saan ko nakuha ang lakas ko upang makaya ko pang isigaw at itanong yon sa kaniya.

"Inagaw niya ang pwesto na dapat na sana ay akin."

mahinang sabi niya na tumingin ng diretsyo sa mata ko.

"Matagal ko ng inaasam asam na ako ang pipiliin na maging leader ng Max gang. Dahil ako ang matagal ng kasapi at bagong miyembro lamang si Tyler noon, pero bakit? Bakit siya pa ang pinili ng leader namin bago ito mamatay?! Umaasa ako, na ako ang pipiliin niya dahil matagal ko ng pinapangarap na maging lider ng isang sikat at malakas na gang na katulad ng sinasalihan namin ni Ty."

Nakinig lang ako sa mga sinabi niya.

"Alam ni Tyler na matagal ko ng pangarap yon at kapag nangyari yon, susuportahan niya ako. Pero hindi ko inaasahan na marinig mula sa bibig ng mismong dating legendary lider namin na may bago na siyang pamalit dahil hindi na niya kayang gampanan ang pamumuno ng grupo dahil sa sakit niya. Akala ko ikakatuwa ko ang araw na yon dahil sa wakas ede-desthrone na niya ang pagiging lider at ipapasa na sakin. Pero takti! Si Tyler ang pinili niya bilang lider ng Max gang! Mas ako ang tumagal sa grupo kaysa bagong miyembro pa lamang na gagong Tyler na yan!"

Galit na bulyaw niya, sa nakita ko sa kaniyang mga mata ang inggit at galit na bumabalot sa kaniyang puso. Kaya ganon na lang ang galit niya kay Ty, dahil hindi siya ang piniling lider ng yumaong na unang lider nila kundi si Tyler ang pinili nito.

"Hindi ibig sabihin na matagal ka ng miyembro o kasapi ng gang niyo ay dadakilain kana bilang lider. Ang pagpili ng isang lider ay hindi nakabatay sa kung gaano ka katagal at bago sa grupo. Dahil ang pagpili ng totong lider ay nakikita sa kilos at katapatan niya sa kaniyang mga kasamahan. Hindi niya hahayaan na mapahamak, masaktan at maiwan sa gitna ng labanan ni isa sa miyembro ng grupo niya. Sinisigurado ko na hindi nagkamali ng pagpili ang lider niyo noon na si Tyler ang maging bagong lider ng max gang at hindi ikaw!"

Akmang hahawakan niya ang dalawang kamay ko ngunit nakakilos ako upang itulak siya palayo sakin.

"HUWAG MO AKONG MAHAWAK HAWAKAN! AYAW KONG MABAHIRAN ANG KAMAY KO NG MASAMANG TAONG KAGAYA MO!"

This time natulak ko siya ng malakas, i can't believe na makakaya kong gawin yon sa kaniya. Pati siya ay nagulat sa ginawa ko dahilan para mabitawan niya ang baseball bat sa kamay niya, five feet apart ang pagitan namin.

"Hindi masamang tao ang kuya ko! Baka yang boyfriend mo na walang ibang ginawa kundi ang e bully at ipahiya ako sa madaming tao!"

Matinding kaba at panlalamig ng buong katawan ang nararamdaman ko ngayon ng biglang sumulpot si Clariza sa likuran ko at itinutok ang baril sa ulo ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, first time in my life na maka experience ako ng ganito.

Akala ko sa mga pelikula lang nag-e exist ang mga ganito, pati din pala sa in real life.

"Put down the gun Clariza!"
anang utos ni Clark sa bruhilda niyang kapatid.

Ibinaba na ni Clariza ang baril na tinutok niya sakin pero hinatak niya ako paharap sa kaniya dahilan upang magkatinginan kami ng masama.

"Pasalamat ka dahil mahal ka ng kuya ko. Kung hindi, kanina ka pa nakahandusay na wala ng buhay ngayon!" pabulong na may bahid ng panakot nasabi niya sakin.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon