Chapter: 25 New member ♥

192 32 2
                                    

Krish POV

Pagkatapos ng mga nangyayari ngayong araw ay naglalakad lakad ako hinahayaan ko lang ang mga paa kong saan ito mapadpad.

At hanggang sa napadpad  na lang ako sa gym, saktong may naglalaro ng volleyball ng training siguro sila.

Umupo lang ako sa gilid ng gym habang pinapanood silang naglalaro, actually may katabi akong babae hindi masyadong malayo sa akin na ang sa tingin ko isa din syang Nerd.

Hawak hawak niya kasi yung mga makapal na libro tapos nagbabasa pa siya.

Bakit naman dito pa siya nag-aaral?, alam naman niyang may naglalaro dito. Tapos madidistract pa siya.

Ang ganda naglaro nila nakakaaliw panoorin papalit palit ang bola at hanggang sa ng spike yong babae na sa tingin ko bihasa na siyang gawin yon.

Hindi ako magkakamali patungo sa direksiyon ni nerd ang bola abala ito sa pagbabasa.
Hindi na ako nag-atubili pa tinirahan ko ang bola pa balik sa mismong net pa.

Nabigla yong nerd sa ginawa ko.
May mali ba? nakatunga nga kasi siya at bigla lumapit sakin yong babaeng muntik na niyang matamaan ng bola.

"Thank you for saving my Sister."

Nakangiti niyang sabi.
Ah sister pala niya to na muntik na niyang mapahamak dahil sa napakalakas na pagspike niya ng bola.

"Wala yon." Tipid  kong tugon.

"Salamat ate, hindi ko akalain na magagawa mo yong tirahin pa balik.
Minsan ka na bang nakasali sa volleyball team?"

Ang daldal pala ng nerd natu.

"Hindi eh." Biglang tumingin yung lady spiker sakin.

"Sa tingin ko magaling kang magvolleyball sa mga nakikita ko kanina na pa believe mo ko.
Mismong mga kasamahan ko hindi yon magagawa."

"Ah hindi ko alam eh."

Nagsilapitan ang mga kasamahan nila.
Parang may binubulong sila sa lady spiker at ngumisi ito bigla sakin.

"Ate siya na lang kunin niyo."

Sambit ni daldal na nerd pero cute niya. Pero nagtataka ako sa sinabi niya.

"Sige huh, aalis na ako may gagawin pa kasi ako."

Akmang aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Kulang kasi kami ng member na accident kasi yong kasama namin kahapon.
Kaya na hihirapan kaming humanap ng taong magaling mag volleyball dito sa SLU, kadalasan kasi mga ka artihan lang ang inaatupag."

"Sa friday na kasi yong laban sa ibang school. Pwede bang ikaw ang kokompleto? kong okay lang sayo?"

Natulala ako sa mga sinasabi  niya, hindi agad ako nakapagreact.
Ako? Magiging member ng Volleyball team dito sa SLU?.

"Hindi ako marunong." Ngumisi siya bigla .

"Sa mga nakita namin practice lang at agad mong matutunan yon at sa tingin namin madali ka lang matuto dahil parang bihasa kana."

Sabi nung may curly hair na babae.

"Malaking oportunidad to sayo maaaring maging scholar ka dito sa SLU pag naging member ka ayaw mo nun?."

"Sige na ate! Ano pala ang pangalan mo?."

Tanong ni nerd girl.

"Kristelle Cortex."

"Ako pala si Jenny kapatid ko tong nerd  na si Jermin."

"Pumayag ka na Kristelle."

"Hmmm sige basta tuturuan niyo ako!"

"Oo naman." Sabi ni Jenny na tuwang tuwa at pati na rin ang mga kasamahan niya na makokompleto na daw sila.

"Ako pala si Charlotte 3rd year college bachelor of Science in Criminology."

"Ako pala si Jean 2nd year college bachelor of Science in Business."

At nakipagshakehand sila sakin at ang iba pa.

Pagkatapos nun hindi pa rin makapaniwala na magiging member ako ng volleyball at syaka may practise daw kami bukas 9:30 tapos excuse daw ako simula bukas.

Nag drive na ako pauwi ng condo unit ni Tyler para maghanda.

Itutuloy....


Edited

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon