Chapter 59.2 ❤

140 13 1
                                    

Continuous of flashback 3yrs ago...

"Sino ba siya sa inaakala niya?, ako pa sinisisi?! Siya kaya ang hindi tumitingin sa dinaraanan niya tapos magagalit siya ng bonggang bongga! hah! Ubod niyang yabang!."

Mura ni Lyca kay Tyler ng nasa tambayan na kami.

Natutuwa ako sa inasta niya ngayon, hindi mo maikakaila na isa siyang nerd. In short nerd siya na palaban, akalain mo nagawa niyang kalabanin si Ty.

Pero hindi pa rin ako kampanti nasa ginawa niyang pagbangga kay Ty, ay hindi na siya titigilan nito. Hanggang sa tuluyan na siyang ilista ni Ty sa blacklist niya at yon ang hindi ako papayag.

Magsasalita pa sana siya ng maunahan ko.

"Hanggat maaari Lyc, layuan mo siya huwag na huwag kang lalapit kay Tyler. Naiintindihan mo?."

Seryoso kong sabi habang hawak ko ang dalawang balikat niya sabay harap sakin at tinititigan siya sa mata.

"Bakit Jas?, sino ba siya para katakotan ko?."

Matapang nasabi niya.

"Lyc, look. Kapag kinalaban mo si Ty hindi katantanan non."

"Wala akong pakialam! Yabang niya sobra!."

Napasabunot na ako sa ulo ko dahil sa frustration sa sobrang init at tigas ng ulo ng kausap ko.

"Lyc, ayaw kong mapahamak ka okay?."

"Alam ko naman Jas na nag-aalala ka lang sakin pero, hindi ko hahayaan na lait laitin niya lang ako. Kung sino man ang mas panget sa'min siya yon! Mukhang unggoy at ang panget ng ugali!."

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon