CHAPTER 2: "Mall the first encounter"

599 115 32
                                    

Dedicated to_ankrizettemadrid

Kristelle Point of View.

Nakarating din kami ni Cheska sa mall.

"Jhez! Doon tayo sa may nagdi-display ng mga notebook sigurado akong mura lang don."

"Sa National book store na lang kaya tayo? Kasya pa naman sa budget ko."

"Pero try na lang natin, malay mo maganda 'yong design ng mga notebook don."

Kuripot din pala itong best friend ko eh. Pero ayos din 'yon dahil para may iba pa akong ilalaan sa pera na matitira.

"Okay tara!"

Matapos naming bumili ng school supplies nag-aya na akong kumain nakakapagod din kaya tapos makakasama mo pa bestie mo na ubod ng kulit.

"Cheska?"

"Bakit Jhez?"

"Pwede bang kumain muna tayo? Gutom na gutom na kasi ako, kanina pa tayo lakad ng lakad!" Pagmamaktol ko sa harapan ni Cheska.

"Oh sige. Alam ko namang food lovers ka at hindi naman tumataba." Pabirong sabi ni Cheska at tsaka ng peace sign.

"Eh sa gutom na ako!" Ang sabi ko habang ng pout.

"Saan tayo kakain?"

"Sa Jollibee!" Excited kong sabi.

"Okay fine. Isip bata ka talaga e' no?"

"Yehey! I love you besh!" Lambing ko kay Cheska

"Love you ka dyan!"

*At JOLLIBEE*

"Jhez anong order mo? para ako na lang ang o-order at tsaka ikaw 'yong maghahanap ng mauupuan natin."

"Spaghetti, fries, fried chicken, burger, pie at ang drinks ko ay coke." Masigla kong sabi.

"Pambihira! Hindi naman halatang gutom ka no?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Spaghetti lang sakin. Ikaw ha ang takaw mo!"

After niyang sabihin 'yon ay pumili na siya sa counter para umorder.

Naghahanap na ako ng mauupuan namin, nakahanap naman agad ako at madali ding naka-order si besh kaya agad kong nilantakan ang inorder kong pagkain.

"Yum! yum! yum! Ang sarap!"

Masigla kong sabi after kong maubos lahat ng ino-order ko dito sa Jollibee. Isipin niyo na ang gusto niyong isipin basta ako, masaya ako na makakain ng food dito sa Jollibee.

"So busog kana? Pwede na siguro tayong umalis no?"

Dahil sa fully charge na ang stomach ko.

"Tara!"

Pababa na kami ng escalator para uuwi na pero biglang  huminto si Cheska

"Ches may problema ba?" Alalang tanong ko.

"Wala gusto ko lang mag-cr muna bago tayo umalis, hintayin mo dito ha?" Nagmamadaling ng tungong banyo si Cheska.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon