Jasper POV
Sa wakas ay natapos na rin ang exam at sabado na bukas.
Makapagpahinga na ako nito. Nasa room ako ngayon katatapos lang mag exam ng english subject at tanaw ko mula dito si Lyca na tapos na rin.
She's beautiful, bulalas ng isip ko habang tinititigan siya. Hindi kasi kami magkatabi ng upuan dahil pinaghiwa hiwalay ni prof para daw walang copya na magaganap.
"If you are done pass your paper."
Sabi ni Sir Jhon Perez na nagbabantay ngayon samin.
At hindi ko inaakalang sabay kaming nagpasa ng test paper kay sir sa desk nito.
Nagkatinginan kami saglit, tapos siya na ang umiwas.
"Ito na po Sir, walang halong pandaraya po yan. Bye aalis na po ako."
Parang may kahulugan sa bawat sinasabi niya kay Sir Perez.
Ngiti lang ang tinugon ni Sir sa kaniya.Ng tuluyan na siyang makalabas sa pinto syaka naman ako ng mamadaling ipasa ang test paper ko at hinabol siya.
Pansin ko lang parang iniiwasan ata ako ni Lyca ngayon.
Hindi pa siya na kalayo kaya naabutan ko siya.
"Ly--"
"Oy Jas, ikaw pala."
Napatigil ako sa pagtawag sa pangalan niya ng bigla bigla lang siyang lumingon. Na parang ng slow motion yon sa paningin ko habang ng wewave ang buhok niya.
"Oy Jas! Anyare sayo?."
Nabalik ako sa realidad ng tanongin niya yon.
"A-e, may gagawin ka pa ba?"
Oh gosh nauutal ako, nakakabading na.
"Wala naman, bakit mo naman na tanong?."
"Gusto mong kumain?, treat ko." Ngiti kong offer sa kaniya na e-lilibre ko siya.
Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko, bigla na lang siyang lumapit sakin syaka lumapat ang kamay niya sa noo ko na sinusuri kong may lagnat ako.
Dug.
Dug.
Dug.
Napakabilis ng pintig ng puso ko nong maramdaman kong lumapat ang kamay niya sa noo ko at leeg.
Grabe parang noong dating lang na naging kami. Hindi pa rin nawala ang naramdaman ko para sa kaniya at ngayon siya pa rin ang laging sigaw ng puso ko.
Kinuha ko ang kamay niya na naging dahilan sa matagal na titigan namin.
I miss her angelic face of her. Iba na siya sa dating Lyca na minahal ko, marunong na siyang mag-ayos pero kahit ganon hindi nawala sa kaniya ang mabuting kalooban.
"S-Sinusuri k-k---"
"Wala akong lagnat Lyc."
"Lyc?." Tanong niya sakin namay pagtataka at namilog ang mga mata, kaya ang cute.
"Lyca. Diba second name mo yon? bakit may problema ba na tawagin kitang Lyca?"
"Ahh-- Oo, p-pero m-may n-naalala l-lang a-akong i-isang t-taong t-tumawag s-sakin n-g L-Lyca."
Nauutal na nakayuko nasabi ni Lyca at pansin ko rin na ang tamlay niya ngayon.
"Kilala mo ba ang taong yon?."
Tanong ko sa kaniya na ikinaangat ng ulo niya at tumingin ng diretsyo sa mata ko.
"Hindi ako sigurado na kilala ko siya pero lagi ko siyang napanaginipan at naalala ng utak ko ang isang eksenang---"
Mahina niyang sabi na ikinabahala ko dahil parang naghihina siya habang sinabi yon at hindi niya natapos ang nais niyang sabihin.
"Lyca!." Buti nalang at nasalo ko siya, dahil bigla siyang nahimatay.
Agad ko siyang kinarga na pagkasal at dali daling tumungo sa clinic.
"Lyca, malapit na tayo." Pangamba nasabi ko na nataranta ng bumaba ng hagdanan.
At ng nasa corridor na ako, lahat ng estudyanti ay nasa akin ang atensyon at tinitigan nila ang babaeng karga ko.
Buti na lang ay nagsitabi silang lahat.
"Omooo anong nangyari kay Krish?."
"Nahimatay ata girl."
"Ang sweet naman ni fafa Jasper kinarga pa si girl, sana ako na lang siya."
Hindi ko na pinansin ang mga pakialamerang mga babae sa campus. Bagkus hinanap ko ang clinic at padabog na binugsan ito gamit ang paa ko.
Dahilan upang magulat si ate Janine sa ginawa ko.
Agad kong inilapag si Lyca sa single bed dito sa clinic at syaka tinawag si ate na nag-alala rin kay Lyc.
At ngayon chinecheck na niya si Lyca.
"Jas ako na ang bahala dito pwede ka ng umalis."
O_o
"What?! Ate dito lang ako! Hanggat magising siya."
Tinititigan lang ako ni ate ng masama.
"C'mon Jas! Ako na ang bahala sa kaniya babalitaan na lang kita paggising na siya. Huwag ng matigas ang ulo."
"Okay, just call me."
Hindi na ako nakipagtalo pa kay ate bagkus sumunod na lang ako sa sinabi niya.
Syaka umalis ng clinic na labag sa kalooban ko.
Naglalakad na lang ako na hindi alam kong saan pupunta.
Basta basta nalang akong sumusunod sa paa ko kong saan ito pupunta.
Hindi mawala sa isipan ko ang naputol na sinabi niya sakin kanina. Yong taong lagi niyang napanaginipan at naalala.
Ako kaya ang taong yon?
Ako lang naman ang tumatawag ng Lyca sa kaniya dati at hanggang ngayon.
Posible kayang may naalala na siya? at yon ay ang eksenang nakita niya akong hinahalikan ni Abby sa rooftop.
Argh! She's gonna hate me that much, dahil hindi ko man lang na explain sa kaniya noon ang side ko. Na hindi ko ginusto ang halik ni Abby dahil siya mismo ang humalik sakin.
Hindi ito alam ni Lyca dahil sa araw nayon na aksidenti siya. At nong hindi makayanan ng doktor na gamutin siya dito sa Pinas, naisipan ng ama niya na dalhin siya sa New york upang operahan doon.
Akala ko magiging maayos na ang lahat ng successful siyang na operahan sa New York. Kaso hindi e, dahil nagkaroon siya ng amnesia nong dinalaw ko siya sa New york hospital.
Pamilya niya lang ang naalala niya pero yong naging parti na rin ng buhay at puso niya ay nakalimutan na niya ako.
Kaya sobrang sakit ang naramdaman ko nun. Halos dina ako maka kain at balisa na sa kakaisip na hindi na niya ako mamahalin pag bumalik na ang alaala niya.
Takot na takot akong posibleng mangyari yon. Pero pinipilit kong maging matatag at tanggapin na hindi muna ako magpapakita sa kaniya, hanggang sa hindi pa siya tuluyang nakaalala.
Napakasakit isipin na ang taong minahal mo ay nakalimutan kana. Parang sinaksak nagpaulit ulit ng kutsilyo ang puso ko sa balitang wala ng kasiguraduhan na babalik pa ang alaala niya.
Yon ang sabi ng doktor samin. Hindi ako sumuko noon pero ang tadhana na mismo ang humiwalay samin.
Bakit napakalupit ng tadhana? hahanap at hahanap siya ng paraan upang paglayuin kayong dalawa. Tapos sa dulo kayo'y pagtatagpuin ng tadhana na halos dina kilala ang isa't isa.
Sobrang sakit. T_T
Itutuloy...
A/N: I feel you Jas😢, Napakasakit isipin nawala ng dating kayo.
# I can feel pain in your heart.Vote and Comment below👇
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...