[*Blacklist*]
Kristelle POV
Madaming nakisawsaw sa eksena na ginawa namin kanina sa canteen.
May nagbulong-bulongan, lagot daw ako kapag nakalagay yong pangalan ko sa blacklist.
Blacklist? ano yan?
-_______-
Listahan ng mga binubully niya?! Oh ano? kung ano man yon isa yong kakornehan!
Napamura ako sa higpit na pagkaka-hawak ng dalawa sa kamay ko.
Binitawan rin sa wakas ni Tyler ang mag kabila kong kamay at tinignan ako ng masama at ganon din ang ginawa niya kay JK.
"You have a savior Ms. Cortex, lucky day." Pag aasar na sabi niya tsaka umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Jasper at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
Sinubukan kong tanggalin ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan at hinila ako palabas sa cafeteria, malayo sa mga taong mga tsismosa walang magawa sa buhay!
Dinala ako ni Jasper sa dulo ng school na hindi kadalasang pinupuntahan ng mga estudyante.
Huminto kami at hiniharap ako mula sa kaniya at tinitigan ng diretso sa mata napaka seryoso pa.
Hinihingal pa nga ako tapos titigan lang niya ako ng napaka seryosong titig.
Ng Simula syang magsalita.
"Makinig ka sakin Kristelle, huwag mong uulitin yong ginawa mo kanina kundi mapapahamak ka lang!"
Ngayon ko lang narinig yong napaka haba niyang magsalita yon ay ang sermonan ako.
Para bang ako pa yong mali! Sisihin niya yong pinsan niyang mukhang gorilla!
"Ginawa ko lang ang nararapat sa kaniya!"
Hindi ko mapigilan na magalit sa kaniya. Mas kinakampihan pa niya yong pinsan nyang feeling gwapo!
"Pero hindi mo dapat ginawa yon dahil pinapahamak mo lang sarili mo!"
"Maaaring ilagay ka niya sa Blacklist."
Dugtong pa niyang sabi."Blacklist?, what the hell is that?!"
Brutal kong asal sa harap niya.
Wala akong paki alam kong anong iniisip niya dahilan para matigilan siya.Sandaling katahimikan.......
"Blacklist ito yong listahan ng mga binubully niya, pero hindi ibig sabihin na nag bubully lang siya na walang dahilan.
Maybe kapag may umapak sa sapatos niya o di kaya na tamaan siya ng bola.Kahit hindi mo pa sinasadya ilalagay ka pa rin niya sa blacklist at hanggang sa mag transfer ka.
Karamihan sa mga binubully niya hindi matiis ang isang araw ang labis na kahihiyan na matatanggap mo."Seryoso akong nakinig sa kaniya.
"Hindi siya ang gagawa ngunit siya ang mag-lilista ng pangalan mo mula sa blacklist. One or two days you can't survive what they can do to you Krish."
Dapat siguro akong matuwa no?, Dahil ng salita ng napaka haba si JK
Pero hindi eh! Hindi ako matutuwa sa mga nalalaman ko ngayon.
Sino naman kaya ang mga taong gagawa non maliban sa kaniya?"Kung hindi siya ang gagawa e Sino?"
curious na tanong ko sa kaniya."Eh sino pa ba ang mga babaeng patay na patay sa kaniya? Kapag yon ay babae ang kumakalaban sa kaniya.
Ipapautos niya ito kay Mitch the queen bee of our school campus."Natawa ako sa pagbanggit ng pangalan na yon, hahaha? Yong Mitch na linta na laging kapit ng kapit kay Gorilla?
Kumunot ang noo ni JK sa inakto ko at ng patuloy parin siya
"Kung nailagay ka sa blacklist hindi lang kahihiyan ang aabutin mo kundi mas malala pa don sa sinasabi ko sayo. Lalo na sa ginawa mo kanina."
Ang lapit na pala namin sa isa't isa kadahilan para umatras ako.
"Eh mali naman talaga yong ginawa niya! Nag effort ng husto yong babae tapos itatapon niya lang! Napaka sama niya! Wala siyang puso!"
Komukulo yong dugo ko habang iniisip yong pangyayari kanina.
Hindi ko alam kong kaya ko bang humarap sa kaniya na iisa lang naman yung condo na tinutuloyan namin.Nakakainis sobraaaaa! >.<
Matapos ang mga nalalaman ko ngayong araw na kung gaano siya kasamang tao.
Tama nga siya hindi ko pa nga siya Kilala."May dahilan si Tyler kung bakit niya yon ginawa. Pero hindi naman siya dating ganiyan."
"Kahit ano pa yang dahilan niya napakababaw ng mga yon!"
Hindi ko talaga mapigilan na sumabat sa mga sinasabi ni JK.
Dumistansya si Jasper ng konti at agad na tumalikod.
Ng Simula syang lumakad ngunit tumigil siya.
"Iwasan mo siya hanggat maaari."
Matapos sabihin yon ni JK ay ng patuloy na syang lumakad at iniwan akong mag isa sa lugar na to.
Napa tanong ako sa sarili ko.
Iwasan siya?, eh slave niya nga ako within 3 months!So sabihin niyo sakin kung papaano ko maiiwasan ang isang Hari ng mga bully?
My goshhh! >_<
Magkakasama nga kami sa isang condo.
Ano ka bang klasing tao Tyler Chase S. Montero?, ba't dinadamay mo kami sa walang kwenta mong rason sa buhay kong bakit mo'to ginawa?!
Itutuloy...
A/N: Sorry reader napaka tagal kong mag update Midterm kasi namin.
Kaya heto na ng update na si Author.Enjoy reading and don't forget to votes and Comments.
Edited♥
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Tienerfictie[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...