Chapter 56.1 Red Rose

160 19 1
                                    

Krish POV

Nasa cafeteria kami ngayon ni Cheska kumakain ng  inorder naming snack.
Dahil mamayang gabi daw doon kami sa mansyon nila magreview.

Sa Friday na ang exam kaya doble kayod na kami. Alangan naman pa bayaan ko pag aaral ko kaysa usisain ko ang mga panaginip na gumugulo sa utak ko.

Baka after na ako uuwi sa bahay matapos ang exam ko.

"Besh posible kaya ang isang panaginip ay maging totoo?"

Tanong ko sa kaniya .

"Ano ba yang napanaginipan mo? na bigla mo nalang na itatanong sakin."

Sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa mga na panaginipan ko?

"Ahmm... Wala lang best naitanong ko lang, kain na tayo baka bigla ng mag buzzer may classes pa ako this 10 am."

"Ahh okay besh sabi mo eh."

Hindi ko talaga mapigilang isipin ang mga panaginip na yon.

Kita ko mula dito si Jasper na papasok pa lang ng cafeteria.
As usual laging nakalagay yong dalawang kamay niya sa bulsa ng pants.

Puro tili na naman ng mga kababaihan.

Nakakarindi eh.

O_o

Hindi ako magkakamali dito ang punta niya sa table na pinagkainan namin ni Ches.

I need to avoid him...

Kaya ang ginawa ko agad kong hinila sa kamay si Ches pa alis sa cafeteria at dumaan sa left side para hindi kami magkatagpo ni Jasper.

Ewan ko ba sa sarili ko parang di'ko kayang harapin o makita si Jk ngayong siya yong taong nakita ko sa panaginip.

Lagot na ako sa beshy kong maldita naka poker faces na.

"Besh ano bang nangyayari sayo?! ba't ka ba ngmamadaling umalis 9:30 pa naman ah!."

Reklamo ni beshy sakin ng tuluyan na kaming makalayo sa cafeteria.

"Sorry besh may aasikasuhin pa kasi ako kaya kita hinila."

Ngiti kong pilit sa kaniya habang hawak pa rin ang kamay niya.

"Loka ka talaga babae ka! tara na nga!"

Naghiwalay  din kami ni Ches dahil hindi kami mag kaklase sa pupuntahan kong subject.

9:30 pa naman kaya naisipan kong pumuntang locker para kunin lahat ng book ko doon.
Dahil pag uwian diretso na sa bahay nila Ches.

Locker #114  Kristelle Lyca Jhez Cortex

Pag bukas ko ng locker ko.

O_O

May isang pulang rosa's akong nakita na kalakip ang isang maliit na papel sa stem nito.

'I didn't expect that i will fall for you.'

Yan yong naka sulat na wala man lang pangalan ng taong may ari nito.

Hindi ko alam sa sarili kona inamoy amoy ko ang rosas.

Alam kaya ng taong ito na gusto ko ang bulaklak na rosas?.

Napalinga linga ako sa paligid kong nandito lang ba yong taong ng bigay nito sakin.

Pero wala. -_-

Nilagay ko nalang sa bag ko yung rosas at syaka sinara ang locker.

--
Matapos ang last subject ko agad akong naghintay kay Cheska sa hallway ng university.

Nasa gilid lang ako ng hagdan naka tayo hindi kalayuan sa gate.

Ba't ba ang tagal ng babaeng yon? -.*

Nangagawit na ako dito kakahintay, hindi man lang ng text.

Bahala mag hihintay ako 4:30 pa naman.

4:35

Madami na ang nagsiuwian

4:40

Ng may bumangga sakin mula sa likuran.

Argghh! Putcha ang sakit ng balikat ko.

"Aray!." Hawak ko sa balikat kong nabangga niya.

"Miss sorry hindi ko talaga sinasadya may hinahabol kasi ako. Pero okay ka lang ba?"

O_O

Omooo ang gwapo niya.

Singkit yong mata niya tapos makikisig ang katawan kaya masakit talaga yong impact ng pag bangga niya.

"Okay lang ako." Pagsisinungaling ko.

Ngumiti siya  at inilahad ang kamay niya sakin.

"Ako nga pala si Clark Perez  miss Kristelle Cortex right?."

"How did you know my name?." Taka kong tanong sa kaniya.

"Syempre ikaw yong bagong newly crown as Ms. SLU paanong hindi kita makikilala sa tulad mong maganda."

Napangiti ako dahil don.

"Bolero!"

Tumawa lang ang loko kaya ang cute niyang tignan dahil nawawala yong mata niya.

"Sige Miss Kristelle mauna na ako sayo may hahabulin pa ako eh, see you next time around."

Ngiti at sabay wave niya sakin bago siya umalis na ng tuluyan.

"Sino yong lalaking yon?."

"Ay palaka!." Sigaw ko ng bigla bigla nalang susulpot si beshy sa likuran ko.

"Tse! sa mukhang to palaka?, baka nakalimutan mo mas maganda pa ako kaysa sayo hahaha joke lang."

"Gaga! ba't ang tagal mo? alam mo bang naiinip na akong kakaantay sayo dito."

Pagmamaktol ko sa harapan niya.

"He he sorry beshy may pinasa pa kasi akong requirements ni sir kaya na patagal. Tara na libre na lang kita ng carbonara ngayon, ipagluluto kita."

O_*

Ganiyan hitsura ko ng marinig ang carbonara.

"Tara na! gutom na ako eh."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Third Person

Habang paalis ang dalawang mag kakaibigan may isang taong tutok na tutok sa nakangiti si Kristelle.

"Balang araw maging akin ka rin Krish."

Sabi nito na hawak hawak ang isang I.D ni Krish na ngayo'y na sa kaniyang palad.

Itutuloy...

A/N: Thanks for reading tell the next update mga ka Airang ^_^.

Just don't forget to vote and comment below.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon