Chapter 64

124 14 1
                                    


"Besh sorry--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Cheska dahil inunahan ko na siya.

"Bakit ka nagsosorry sakin? May nagawa ka bang mali naikapahamak ko?"

Tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya, tinignan ko siya sa mata ng tanungin ko yon.

"W-Wala naman besh nag-alala lang ako sayo ng mabalitaan kong na aksidenti ka."

Bakit ko pa ba tinatanong yon, baka isipin niya na may naalala nako. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya syaka ng salita.

"Bakit ka pa nakatayo diyan? Pwede ka naman lumapit sakin."

May lambing sa boses kong sabi na dahilan upang agad siyang makalapit sakin at niyakap niya ako.

Hindi ko mapigilang matanong sa isip ko na bakit nagawa ni Cheska na plastikan akong kaibiganin at siraan gaya ng ginawa ng pinsan niyang si Abby.

Masaya ako na naging kaibigan ko sila, kasi akala ko tunay silang kaibigan pero yon pala may baho din silang tinatago sakin. Kaya pala nakipagkaibigan si Abby sakin dahil may kailangan siya! Yon ay ang agawin si Jasper sakin.

Ewan ko lang kay Cheska, hindi pa ako kampanti na sabihin sa kaniya ang totoo na may naalala na ako. Nangamba kasi ako na baka, may masama silang plano ni Abby laban sa amin ni Tyler.

Lalo na ngayong may naramdaman na kami para sa isa't isa, pero hindi ko pa kayang ipagtapat kay Ty dahil natatakot akong maulit muli ang nangyari sakin.

"B-Besh okay ka lang?"

Natauhan ako sa tanong ni besh na kasalukuyan na palang bumitaw sa yakap at tumingin sakin na nag-alala.

Sana nga totoo yang mga pinapakita mong pagmamalasakit sakin simula pa noong naka amnesia pa ako Ches. Sana hindi ka rin katulad ng pinsan mong mag-aagaw!

"Ah, okay lang ako besh siguro gusto ko mo ng mapag-isa ngayon at umidlip sanglit."

Ngumiti ako sa kaniya na kahit papaano ay pinapakita kong okay na ako pero nais ko pa ring magpahinga.

"Naintindihan ko besh, sige na magpahinga ka na dyan basta tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko hah?"

Tumango lang ako sa sabi niya.

Hinalikan niya ako pisngi bago umalis.



Dumating ang araw na pwede na akong pumasok na ng school dahil halos two months and two weeks na pala akong hindi pumapasok. Pero excuse naman daw ako kasi nga may nangyaring masama sakin. Maari pa naman akong makahabol ng lesson kasi may ibinigay silang module sakin nung first week.

Lumabas na ako ng kotse ni Kuya Earl dahil hindi na ako pinapayagan nila mom and dad na magdrive ng motorcycle ko.

-.-

Takot silang mapahamak na naman ako. Pinapagalitan nga nila si Kuya kasi siya daw ang dahilan kong bakit natutu akong magmotor.

Kaya heto, siya ang nautusang maghatid sakin papuntang school.

Kawawang Kuya hehehe

"Kuya pasok na ako."

"Sige mag-ingat ka at mag-aral ka ng mabuti. Tawagan mo lang ako pag magpapasundo ka na sakin pagkatapos ng klase mo."

Bumalik ulit ako sa loob kahit nakalabas na ako para lang mayakap si Kuya.

Nagulat siya sa ginawa ko pero ramdam kong napangiti siya.

"Kuya thank you."

Niyakap niya din ako pabalik, sarap sa feeling na may nakakatandang kapatid ka. Na laging andyan pag may kailangan ako, kahit ubod siyang protective sakin pero naintindihan ko naman na para din ito sa kapakanan ko.

"Walang anuman mahal kong kapatid. Sige na baka malate ka pa."

Bumitaw na ako sa yakap ni kuya syaka bumaba na ng kotse niya.

Pinaandar na niya ang kotse niya, nagbosina muna siya sakin at ng wave din ako pagkaalis na niya.

Akmang lalakad na ako papasok ng may biglang ng salita sa likod ko na dahilan para mapahinto ako.

"Kristelle kamusta kana?"

Humarap ako sa kung sino ang ng salita sa likod ko.

"Ikaw pala yan Clark." Ngumiti ako ng makita ko siya.

"Kamusta ka na? Na balitaan ko kasing na aksidenti ka tapos dalawang buwan ka namamalagi sa hospital bago ka nagising. Kaya pala hindi na kita nakikita sa school dahil nga na aksidenti ka."

"Okay na ako Clark, pero sabi parin ng doktor hindi pa ako pwedeng magpapagod o magpasan ng mabibigat at kailangan ko rin inumin ang niresita ng doktor sakin."

"Ahh ganoon ba, pasensya na ha? hindi na ako nakapagdalaw sayo sa hospital huli na kasing nabalitaan ko ng nakalabas kana pala. Alam mo bang nag-alala din ako sayo?"

"Talaga nag-alala ka sakin?"

Hindi ko mapigilang hindi matawa kay Clark dahil sa tanong niyang yon with matching dalagang filipina pa.

Palabiro din pala to, for sure magkakasundo kami nito.

"Oh, bakit katumatawa dyan?"

"Eh, kasi natatawa akong ng dadalagang filipina challenge ka habang tinatanong yon. Hahaha"

Natawa na rin tuloy siya dahil sa napahalakhak na ako. Buti na lang masyado pag maaga kaya walang pang masyadong estudyanti dito sa hallway ng school.

"Buti naman ay napatawa ulit kita ng ganiyan Krish."

Napatigil ako sa pagtawa ng sabihin niya yon sakin ng pagkaseryoso dahilan para magtaka ako.
Napatawa ulit? Anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagtataka kong tanong sa kaniya at tinititigan siya diretso sa mata. Pero umiwas siya pagkatapos ay nagsalita ulit.

"Ah--ang ibig kong sabihin napatawa kita ng ganiyan kahit hindi naman tayo ganon ka close."

Yumuko siya na hindi man lang kayang tumingin sa mata ko.

Tama maman siya, hindi pa kami ganoong kaclose para matawa ng pahalakhak pa.

My gosh kakahiya... -_-

"A-Ayos lang Clark, kahit saglit lang kitang nakilala parang ang gaan na ng loob ko sayo. Pakiramdam ko kasi parang dati na tayong magkakilala."

Bigla niyang inangat ang ulo niya na galing sa pagkayuko. Tumingin siya sakin na animo'y gulat na gulat ang expression sa mukha.

Itutuloy...

A/N: Please don't remain silent reader, you can free to comment whatever you have in your thought and feelings. I accept and appreciated all your comments for this story of mine.
Godbless you all😘

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon