Chapter 73.1 "You Fall for me and I Fall for you"❤

130 14 0
                                    

[Chapter 73.1: You Fall for me and I Fall for You ❤]

"Hindi pa, kasisimula pa lang ng palabas Abby"

Nagulat ako sa sinabi ni Clariza, si Abby? Nandito siya ngayon?_O

Hindi lang ako ang nagulat pati din si Clark at napatayo pa siya sa gulat na biglang pag dating ni Abby. Siguro ay wala siyang ka alam alam  na pupunta dito si Abby dahil tumanggi ito sa binabalak niyang plano.

Tinignan niya ng masama ang kapatid niya at matapos ay kay Abby niya ibinaling ang panliliksik sa galit na mata niya.

"You told me that you don't need my help. What the hell are you doing here?!"

Galit nasabi ni Clark kay Abby na tuluyan na siyang nakalapit dito. Pero hindi man lang nasindak ang bruhang to sa sigaw na iyon ni Clark sa kaniya. Bagkus ay tumawa lang ito ng mapakla.

Wala kaming imik ni Ty o mga salitang maisusumbat sa kanila dahil pareho kaming naghihina. At walang ka ideya ideya sa mga nangyayari ngayon, na kung bakit nandito ngayon si Abby?

Saan na yong salitang sinasabi niya kay Tyler nong ng kita sila? Na hindi na siya mangingialam pa sa relasyon na meron kami ni Tyler.

Well, hindi na bago yon sakin dahil ang isang katulad niya ay hindi na dapat pinagkatiwalaan. Nagawa niya nga akong kaibiganin noon na plastikan lang pala! Good job for her dahil nakuha niya ang loob ko at maniwalang totoo ang pinapakita niyang pagmamalasakit bilang kaibigan niya ngunit pagpapanggap lang pala ang lahat ng iyon!

"Chill ka lang Clark. Hindi naman talaga ako humihingi ng tulong galing sayo, pero dahil sa kapatid mo kaya ako naparito ngayon. Sakin siya mismo humingi ng tulong upang makaganti kay Tyler sa ginawang pagpapahiya ng kapatid mo sa madaming tao. Pumayag ako sa gusto niyang mangyari, kaya naman binigyan ko siya ng location kung saan niyo dadalhin si Krish at exactly dito sa ware house nato ninyo dinala si Krish at nagawa niyo ng saktan  si Tyler hindi ba Clark?

You should be thankful of me, kung hindi dahil sakin hindi mo pa magagawa ang nais mong mangyari na natamo na ngayon ni Tyler sa kagagawan mo at ng kasamahan mong gang!"

"Hindi ako magpapasalamat sayo! Alam na alam kong may kapalit ang ginawang pagtulong mo sa kapatid kong si Clariza. Hindi ka niya mapapayag kong wala kayong pinagkasunduan na kondisyon na hinihingi mo."

gigil sa galit ang nakikita ko sa mga mata ni Clark habang nag-uusap sila ni Abby.

Habang nag-uusap sila at nagtatagisan ng masamang titig sa isat isa ay ang muling pagtama ng mga mata namin ni Ty.

Sabi nga nila, eyes can tell a thousand of unsaid thought.

Alam kong pinipilit niya lang ipinapakita sakin na ayos lang siya, at ginawaran niya ako ng napaka genuine niyang ngiti na nakapagpabihag ng puso ko. Para lamang hindi na ako mag-alala sa sinapit namin ngayon, and he also give me a 'Don't worry poy everything's gonna be fine look'

I mouthed to him 'I love you'

"Tama! Ang talino mo talaga Clark"
anang sabi ni Abby na may pag-aasar na sabi niya kay Clark.

"Hindi mo lang ba tatanungin sakin kong ano ang kondisyon na pagkasunduan namin ng kapatid mo? Well, sa tingin ko wala ka ng oras para tanongin yan. Kaya ako na mismo ang magsasabi sayo at sa harap ng mag love birds na ito"

Pagkasabi niya non agad siyang napatingin sakin at pagkatapos ay lumapit kay Tyler na ngayon ay nakagapos na ang dalawang kamay upang hindi ito magbabalak na lumaban.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon