Chapter 72 Vindictive

115 14 0
                                    

[Chapter 72 : Vindictive ]

Krish POV

"Okay babe, ingat ka sa pagmamaneho"

anang sabi niya pa na nagpaparinig sakin, habang nakatapat sa tenga ang phone niya.

Binigyan ko siya ng 'Boyfriend ko yang nilalandi mo look' pero ang bruha tumawa lang ng mapakla at lumapit na ng tuluyan sakin at hinawakan ako sa mukha na hinigpitan niya ng pagkahawak dahilan para masaktan ako sa matutulis niyang koko.

Hindi ko magawang itulak, sampalin at tadyakan ang babaeng to! Dahil nakagapos ako ng mahigpit sa kamay at maging sa paa ko. Pagkagising ko matapos nila akong takpan ng malansang amoy na dahilan upang mahimatay ako, at dinala dito sa lumang ware house sa sulok sulokan ng Street. Dela Paz na hindi kadalasang pinupuntahan ng madaming tao.

"Naging kayo lang ni Tyler dahil ng bagong ang hitsura mo!"

Galit na mata ang ipinukol niya sakin na animo'y may kasalanan ako sa kaniya, e hindi ko siya kilala.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Eh hindi nga kita kilala!"

pinakawalan niya ang paghawak ng mukha ko at lumayo ng kunti sakin na nanliliksik ang mga mata sa galit na tumingin sakin.

"Talagang hindi mo ako kilala dahil binago ko ang dating ako kagaya mo!"

Hindi ko talaga siya maintindihan. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya.

Nakakunot noo lang ako na unti unti siyang lumapit sakin.
Bakas sa hitsura niya ang patinding galit at inis sakin.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko sayo ngayon. Pero hintayin muna natin na dumating ang mahal mo para malaman niyong dalawa kung sino talaga ako!"

"Bakit kailangan mo pang papuntahin siya dito?! Wala akong matandaan na naging kaaway kita dati! o ng may atraso si Tyler sayo! Baka siguro patay na patay ka kay Tyler kung kaya't hindi mo matanggap na naging kami!"

Pak!

Isang malakas nasampal ang iginawad niya sakin dahilan para makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko.

Tumingin siya ng diretso sa mata ko at ganon din ako sa kaniya na nanliliksik na sa galit.
Akmang sasampalin na naman niya ako at pumikit nalang ako at hintayin ang sampal niya.

Ngunit ilang secondo pa ang tumagal ay walang kamay ng bruhang babae ang lumapat sa kamay ko. At nakarinig ako ng pamilyar na boses na pumigil sa kaniya.

"Clariza stop what you are doing to her!"

O_O

Clariza?

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon na galit na galit na tumingin sakin.
Sana mali ang iniisip ko ngayon na posibleng siya ang babaeng nerd na nagbigay ng cake kay Tyler sa cafeteria ngunit hindi ito tinanggap ni Ty bagkus itinabig niya lang ang cake na binigay pala ng nerd sa kaniya. Na yon at si Clariza.

Yong araw na yon nasuntok ko sa mukha si Tyler sa ginawa niyang pagtapon ng effort sa babaeng nerd na si Clariza pala yon. Kaya muntik na akong malagay sa blacklist noon.

Ibig sabihin si Tyler ang may atraso sa kaniya?

Pero bakit siya galit sakin? Siguro ay ako ang ginamit niya upang makaganti kay Tyler sa ginawa nitong pagpapahiya sa kaniya.

Mas lalo pa akong nagulat ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking pumigil kay Clariza sa pagsampal sakin.

"Clark?" mahinang sambit ko ng makita ko siya ng klaro.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon