Chapter 75 "Paalam na"

173 15 0
                                    

[Chapter 75: "Paalam na"]

Tyler POV

"There is someone who deserve you to don't make you cry, stay by your side and willing to give the true and purest love you want.
I wish i could be that someone but that's not me.

Burahin mo nalang ako sa puso mo Krish"

I tried my very best to hide my tears but they fall every time i saw her crying now. Its just that my heart breaking into a pieces

Hindi ko kayang titigan siya, dahil kapag tumitig ako baka bumigay agad ako. Mawawala lang lahat ng pagsasakripisyo ko upang maligtas lamang siya sa kamay ni Clariza.

Kahit gustong gusto ko ng bawiin ang lahat ng mga masasakit na salita na binitiwan ko. Gusto kong lapitan siya at ako mismo ang pupunas sa mga luha na ako ang dahilan at yakapin siya ng mahigpit.

"Nakakaiyak naman ang break up scene na nasaksihan ko, tanggapin muna lang kasi na hindi ka mahal ni Tyler! Ganon lang kadali yon Krish"

Nanliliksik sa galit na tinignan ni Krish si Clariza na ngayon ay nasa gitna na namin.

"Sa dalawang taong nagmamahalan hindi ganon kadaling tanggapin yon. Pambihira kasi hindi mo pa naranasan magmahal at mahalin ka pabalik ng taong minahal mo!"

Isang malakas na sampal sana ang igagawad ni Clariza kay Krish ngunit may hindi ako inaasahan na gagawin niya.

"TAMA NA CLARIZA!"

Nagulat siya sa ginawa ni Abby na pigilan ang kamay niya na sasampalin sana si krish. Maskin ako ay hindi makapaniwala at ganon din si Krish

"What? Abby hindi pa ako tapos hayaan mo muna ako sa gagawin ko. Huwag kang mag-alala mapapasayo na ulit si Tyler at---"

Hindi pa natapos yong sasabihin niya dahil napangunahan na siya ni Abby magsalita.

"Clariza you think is it right doing this for them? Magiging masaya ka ba matapos mo silang paghiwalayin at matupad ang ginagawa mong paghihigante sa kanila?"

Nagugulohan si Clariza sa mga sinasabi ngayon ni Abby sa kaniya.

"Na brainwash ka na rin ba katulad ng kuya ko Abby? Hindi ko ito magagawa kong wala ang tulog mo! Inshort plano natin to pareho. Pero bakit ngayon nag-aalangan at kumukontra ka sa gagawin ko? Huwag mong sabihin naitigil na natin to?!"

Nagtatagisan sila ng masamang titig sa isat isa at mahikpit na hinawakan ni Abby ang braso ni Clariza.

"Oo itigil na natin to Clariza! Hahayaan na natin silang maging masaya! Dahil na realize ko na mali ang maging sakim sa pag-ibig dahil ang magiging dulot nito ay hinanagpis sa ating puso. Kapag pinakawalan na natin sila at hingin ang kapatawaran nila, doon na natin maramdaman at makikita ang tunay na kaligayahan na inaasam ng ating puso."

Sobrang nagulat ako sa narinig ko na ito'y mula mismo sa bibig ni Abby ang mga salita na iyon. Pinapakita sa mata niya ang pagsisisi sa mga nagawa niyang kamalian.

Ngunit ayaw magpatinag si Clariza batid kong tuluyan na siyang nabalutan ng galit at paghihigante. Hindi ko din siya masisisi sa sinapit niyang kahihiyan noon na kagagawan ko.

Na pagtanto ko na mali ang manghusga at mang-apak ng kapwa mo kahit pa sa tingin mo ay mababa lang siya sayo. Pantay pantay nga ang pagtingin ng panginoong diyos sa atin. Hindi niya sinabing apakan mo siya dahil mahirap o dukha lamang siya. Sa madaling salita sa mata ng diyos, walang mahirap o mayaman.

Yan ang laging pinapaalala ni Krish sakin na hindi basihan ang estado sa buhay ng isang tao para apakan o maliitin mo.

Kahit nasa likod ni Abby si Krish nakikita ko pa rin siya at nagtama muli ang mga mata namin. Namumugto na ang mata niya sa kakaiyak at magmamakaawa na hindi ko siya iiwan.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon