Chapter:12 *Kyler Resto Bar*

256 67 8
                                    

Tyler POV

Madali kaming nakarating ni Jasper sa bar ni Kyler, na pinsan rin namin.

Tanging ang pamilya niya ang nagmamay ari nitong bar.
But soon ipamamana ito ng Dad niya sa kaniya.

Hanip no?, may future na siyang nakalaan.

Hindi alam ni kyler na nandito kami ni Jasper  ngayon sa bar nila. Ang alam kasi niya magkaaway parin kami hanggang ngayon.

Saksi rin kasi si Kyler sa lahat ng mga nangyayari, simula ng niloko nila ako si Jasper at ang girlfriend kong si Abby.

*Flashback*

Tatlong taon na ang lumipas simula ng mga pangyayari.

Ganito kasi yon...

First year College pa lang ako girlfriend ko na si Abby Jane de Los Santos. Ang babaeng unang iniibig ko at siya rin ang naging dahilan kung ba't ako tinaguriang  BadBoy.

At kinakatakotan ng lahat ng mga Estudyante sa University namin.

Mahal ko siya at mahal din niya ako.
Pero damn it! napaniwala niya ako don.

Pareho naming mahal ang isa't-isa, pero naglaho na lang ang lahat na parang bola.

Second year College na kami ng bigla siyang nagbago.
Nagbago ang lahat sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan na masaksihan mismo ng dalawang mata ko.

Ang pagloloko niya!
May time na nag-aaway kami at hindi niya ako pinapansin sa school at ayaw niya akong kausapin.

Sagutin niyo nga ako paano malulutas ang problema kong hindi niya ako kakausapin?

Lintek!

Pero nakita ko siyang kasama si Jasper na pinsan ko.
Hindi ko yon pinansin dahil may girlfriend si Jasper na isang nerd.

Iwan ko ba, kung bakit ganon klaseng babae ang matitipuhan niya.

Di hamak na  marami na mang magagandang chicks sa school.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon