This chapter is dedicated to
@Ash_ValChapter:24 Meet Mitch Bitch, The Queen Bee of SLU university.
Recess time na hindi parin nagpapakita si mayabang sakin.
Buti naman kung ganon hindi gugulo araw ko.Dahil sa gutom na ako, kasi hindi pa ako ng aalmusal kaya ng order ako ng isang rice, sweet and sour fish sa cafeteria kahit recess time pa not time for lunch.
Naghanap ako ng bakanting table, sa kakahanap ko ng table may isang estudyante na bumangga sakin kaya naman agad na tumilapon yong inorder kong food.
And take note, hindi ko alam may natapunan na pala akong isang babae na sobrang galit na galit na.
Habang nagdidiri sa damit niyang natapunan ng sweet and sour fish.
Dahan dahan siyang lumapit sakin at parang kakainin na niya ako ng buhay sa mga titig niya.Lahat ay tumahimik ng lumapit siya sakin ano bang meron sa babaing to?
"Sorry miss may bumangga
kasi"Hindi na niya ako pinapatapos mag-explain.
"Eh kasalanan mo pala eh! Tatanga-tanga ka!" Sigaw niya sakin.
Ako pa talaga ang tanga tanga huh, biglang kumulo yong dugo ko sa kaniya.
"Miss hindi ko sinasadya." Diin kong sabi sa kaniya nakakairita na siya ah!.
Hindi ba siya nakakaintindi? o sadyang pinapalaki lang niya ang gulo?
"Ms. Mitch wala po siyang kasalanan nabangga ko po kasi siya dahil may hinahabol akong tao, pasensya po talaga."
Paumanhin ng nerd na lalaki na bumangga sakin.
"Hoy! Ikaw na pangit ka! Huwag kang sasambat sa usapan dahil hindi naman ikaw ang kinakausap ko!"
Tinulak niya yung nerd na lalaki at agad ko naman siyang tinulungan.
Anong klase siyang tao?, mananakit ng kapwa? humihingi nanga ito ng paumanhin siya pa may ganang magalit.
Itinayo ko siya at hinarap ko ang babaeng Mitch daw ang pangalan mukha naman siyang Bitch! Sino ba siya sa inaakala niya?
Reyna ba siya sa University nato? What a shame!
"Miss humihingi na nga ng sorry yong tao eh."
Mahinahon kong sabi.
Madami na ang nakatingin sa amin ngayon halos buong estudyante.
"Mapapalitan ba yang sorry niyo ang damit ko?, kaya niyo ba itong bayaran?"
"Konting mantsa lang naman yan ah! ang arte mo naman."
Biglang naging demonya ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"How dare you to say that words! wala kang karapatan!"
"Anong wala?, inaamin ko natapunan kita ng sweet and sour pero hindi ko naman yon sinasadya at kaya mo pang manakit ng kapwa!"
Sigaw kong sabi nag-iinit na ang ulo ko sa kaniya.
Lahat ng tao dito sa canteen ay nasa amin na ang attention.
"Hindi mo alam kung sino kinakabangga mo! Kaya you better watch out your words!"
"Talagang hindi ko alam, eh sino ka ba?"
Taas kilay kung tanong sa kaniya at ikinangisi niya lang na parang demonya o should I say demonya talaga siya.
>.<
"Ibang klase ka din no? bago ka lang dito huwag kang mag matapang! Alam mo kung saan ka lulugar! Magsama kayo sa pangit na nerd na yan!"
Hindi ko siya uurungan.
"Kung sino man mas pangit dito ikaw yon! Kasing sama at panget ng ugali mo!"
Aktong sasampalin na niya ako at agad naman akong napapikit dahil don.
Pero hinintay ko ang kamay na handang manampal anytime, pero wala kaya napamulat ako at nakita si Tyler sa harap.
"What's happening here?!" Agad namang pinulupot ni Mitch yong kamay niya sa braso ni Tyler.
Eww! Yuck Nakakasuka para siyang linta!
"Inaway at tinapunan lang naman ako ng babaeng yan Tyler!" Sumbong niya pa kay Tyler.
"Eww!" Mahina kong sabi.
"Anong sabi mo?!"
Narinig niya ata.
"Bawal nag-uulitin bye!"
Agad akong umalis don at hinila yong lalaking nerd na freshmen pa ata to. Nandito kami ngayon sa likuran ng SLU.
"Salamat pala hindi ko akalain na ipagtanggol mo ako kay Mitch the Queen bee of the Campus."
Pagkasabi niya yon ay literal akong napanganga ano?.
"Queen Bee?."
"Oo ate, kilala siya sa buong campus pinakasikat, mayaman kaya lang walang kahit na sino ang kumakalaban sa kaniya.
Bilib nga ako sayo eh, ikaw pa siguro ang kauna unahang babae ang sumasagot sagot sa kaniya non."Patay! Anong pinasok ko? kilala at sikat sa buong campus ang bruhang yon? Eh anong panlaban ko?
"Anong pangalan mo?"
"Client J. Soreano po ikaw ate?."
"Kristelle Cortex."
"Bye ate salamat ulit."
Oh my God! What i've done? dapat ba akong matakot sa kaniya? dapat ba siyang katakutan?.
Isa lang ang masasabi ko.
"Hindi ako natatakot sa kaniya kahit sya pa ang QueenBee sa SLU."
Itutuloy...
A/N: Please po huwag po kayong magsawang bumasa, magComment at magVote dahil pinagpuyatan ito ni Author sa pag-update saka magType.
Thankyou😘
Edited♥
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...