Chapter 23 #Rule 1

192 35 0
                                    

Kristelle POV

Kinaumagahan ang aga kung nagising, naligo at agad na tumungong kusina upang umpisahan na ang pagluluto.

Nag-iisip pa ako kung anong mas masarap ulamin ngayong umaga.
Kakain kaya si Mr. Mayabang ng Omelette?

Bahala siya, kakain man siya o hindi basta ipinagluto ko siya.

Pagkatapos ng Omelette, bacon naman yung niluto ko sakto lang sa aming dalawa to.
Ng plating na ako pero napa-isip ako bigla.

Sasabay ba kaming kumain?
pero wala naman yon sa rule diba? kaya isang plato na lang  yung inilapag ko.

Ayaw ko siyang makasabay kumain noh! Its feel awkward naiirita ako kapag kaharap siya at syaka pag nakita ko pa lang siya sira na araw ko.

Inilagay ko na ang lahat sa mesa ang pagkain may coffee pa don tas tinapay.

Ng coffee lang ako at agad  na umalis ng condo, actually 6 am  pa naman kaya ang aga-aga pa.

7:30 am kasi yung pasok ko nag-iwan lang ako ng note sa table kasi sabi ni Tyler kalakip daw sa rule#7 ang magpaalam bago umalis ng condo unit.



SLU (St. Lorenzo University)

Nakarating na ako sa paaralan, syempre hindi muna ako pumasok sa room.
Naisipan ko kasi na magpapahangin muna sa labas sa may puno.

Ang sarap ng simoy ng hangin
Langhap na langhap ko.
Habang napapikit dinadama ko ang pagdampi ng hangin sa buo
kong katawan.

"Malamig dyan." Agad kong minulat yung mata ko at hinanap yung nagsasalita.

"Sabi ko malamig dyan." Ulit pa niyang sabi.

Si Jasper lang pala.

"Okay lang, ang ganda nga dito eh preskong hangin na malalanghap mo."

Ngiti kong sabi habang siya nasa tabi ko na pala na hindi ko namamalayan.

Dibali naka-upo kami sa isang bench katabi ng puno at katapat lang ng school namin.
Dinadama ko parin ang hangin at hanggang sa lumakas ito na ikinagulo ng buhok ko.

Pero hinahayaan ko lang ito at hanggang sa may mga kamay na humawi sa takas at magulo kong buhok at inilagay sa gilid ng  tenga ko.

Napaisip ako bigla 'si Jasper Kent ba to?' parang ang bait bait niya sa akin lately?

Ano bang nakain niya? nakatingin siya diretso sa mga mata ko, hindi ko alam dahil biglang tumibok ng mabilis ang taksil kong puso.

Nakatingin na rin ako sa kaniya.

"Hindi mo na ba ako naaalala?"

Seryoso niyang tanong sakit, nalilito ako sa mga sinasabi ni JK Anong ibig niyang sabihin? naaalala ang alin?.

"Anong ibig mong sabihin?" Bigla siyang natauhan at agad na iniwasan ang tingin niya sakin.

"A-a-ang ibig kong sabihin hindi na ba malala yung pagkatapilok ng paa mo?"

"Ah hindi na, salamat sa paghatid sakin non."

"Wala yon aalis na ako."

Inilagay niya yong dalawang kamay sa bulsa at naglakad palayo.

"Ano bang meron sayo Jasper Kent F. Santiago?, napaka-misteryoso mo."

Bulong ko sa sarili.

Itutuloy...

Edited

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon