Chapter 57.3 ❤

133 15 1
                                    

Krish POV

"Ms.President pinapatawag niyo po daw ako."

Natigilan siya sa ginagawa ng mapansin na niya ako.

"Oo, umupo ka muna Ms.Cortex."

Umupo ako sa gilid ng table ng office niya.

"Bakit mo po ako pinapapunta dito?"

She smile first before answering my question.

She's beautiful when she smile.

"May ipag-uutos sana ako kong okay lang sayo?."

"Oh sure, ano yon?"

May kinuha siyang envelope sa  mesa at ibinigay sakin.

"Ano to? at kanino ko ito ibibigay?."

Ngumisi siya ng nakakaloko.

Na para bang may masamang binabalak.

Ay ewan baka guni guni ko lang ata to.

"Pakibigay yan kay Mr.Jhon Carlo Perez sa mismong office niya at huwag kang aalis hangga't wala pa siya. Dapat sa kaniya mo yan ibigay, makaka-asa ba ako sayo ms.Cortex?"

"Oo naman."

I just smile at her.

"Okay salamat pwede muna yang ihatid."

"Sige, aalis na ako."

Nasa pinto na ako at nakasalubong ko si Jk.

-_-

Tinignan niya lang ako, pagkatapos ay pumasok siya sa loob.

Suplado talaga.

Bipolar din katulad ni Tyler. -_<

Biglang mamansin tapos ngayon wala akong narinig na salita mula sa kaniya.

Kainis -_-

--
Master Teacher II  Mr.Jhon Carlo Perez Office

Nandito na ako sa office niya at hinihintay siya na dumating.

Nakapasok ako kaagad dahil hindi naman naka lock ang office ni Sir.

Hindi ako umupo sa kahit anong upuan o nangingialam sa mga gamit dito, maliban sa hawak kong envelope para ibigay yon sa kaniya.

"Bakit ka nakapasok sa office ko?"

Baritonong tinig ng isang lalaki na ikinalingon ko.

Siya na ata si Mr.Perez

Pagkaharap ko'y kumunot ang noo niya at tumitig sa hawak kong envelope.

Nagulat ako ng kunin niya ang envelope mula sakin at binuksan ito.

Nagtataka ako sa inakto niya.
Parang may mali.

"Ms.Cortex right?"

"Opo sir."

"Bakit na sayo ang questionnaires ng exam para bukas? are you going to cheat? kaya ka ba pumunta ng office ko para kunin ito sakin? bad idea iha."

Galit na sabi niya sakin na ikinabigla ko.

O_O

"Sir your thought was wrong, am i suppose to give it to you. Ms.Pres--"

"Liar!" Napapikit ako ng sigawan niya ako.

"S-Sir hindi ko magagawang mandaya. I can answer by my own without that, so please believe me Ms.Ssg---"

Hindi niya ako pinapatapos mag explain ng magsalita na naman siya.

"Huling huli kana sa akto! wag mo ka ng mag-isip ng ibang dahilan Ms.Cortex."

"Sir let me explain p---"

Pilit kong e explain sa kaniya kong bakit na sa akin ang envelope na yon.
Pero ayaw niyang maniwala, bakas sa kaniyang mukha ang galit at kinuha ang phone sa bulsa niya at may tinawagan.

"I call Ms.Principal for this issue of yours Ms.Cortex whose trying to get the questionnaire from my desk. Just to cheat the exam tomorrow."

Ramdam kong malapit nagtutulo luha ko dahil sa mga pinagsasabi niya na hindi ko naman ginawa.

"Sir hindi po totoo yan, m-maniwala kayo hindi ko po ugaling mag cheat sa exam dahil kaya kong sumagot kahit mahirap pa yang ipapa exam mo sakin! I can make it perfect without reviewing."

"Matalino ka kong ganon, pero pumasok ka sa office ko nawala man lang akong alam. So its mean balak mo talagang nakawin ang questionnaire sa desk ko at exactly nasa kamay muna pala kaso nahuli kita."

"N-No Sir!"

Tuluyan ng tumulo luha ko.
Wala akong paki alam kong nakita niya man o hindi.

Hindi ko nga alam kong anong laman ng envelope na ipinabigay ni Ms.President sakin na siya namang ibibigay ko kay Mr.Perez

Ang akin lang wag niya akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Damn you Ms.Ssg President!

Nagriring pa ang phone na tinatawagan ni Mr.Perez at ng may biglang bumukas ng pinto.
Dahilan para ipinatay nito ang pagtawag.

"Dad, ako ang nag-utos kay Ms.Cortex na dalhin niya sa office mo ang envelope na hindi niya man mawari kong anong laman niyan.
Kung iniisip mo na nag-cheat siya para bugas, nagkakamali kayo hindi magagawa yan ni Ms.Cortex."

Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko siyaka humarap sa taong nagsalita.

It was Clark Perez who save me from his dad.

"Ms.Cortex salamat sa pag hatid ng envelope sa office ni Dad pwede ka ng bumalik sa room mo."

Bago ako tuluyang makalabas sa office ay nagpakita pa rin ako ng galang kay Mr.Perez, na ama pala ni Clark.

"I am a scholar student of St.Lorenzo university Sir, an I'm not going to cheat. Kailangan ko na pong umalis dahil naibigay kona ang questionnaire sayo."

Ginawaran ko siya ng ngiti saka tuluyan ng nakalabas at iniwan silang mag ama.

Sa paglabas ko'y hindi ko mapigilang kagatin ang kamay ko dahil sa napahagolgol na ako ng iyak.

Nakasandal ang ulo ko sa wall sa may gilid ng office ni Mr.Perez.
At nagpadaosdos habang umiiyak.

Nakayuko ako habang mahinang umiiyak at ng may nakita akong isang kamay na nag offer ng panyo sa harapan ko.

Inabot ko ito at dali daling pinunasan ang luha ko.

"Ang isang katulad mo ay hindi dapat pinapaiyak, pasensya kana sa mga sinasabi ng papa ko sayo."

This time inangat kona ang ulo ko at tumingin sa kaniya.
Tumayo ako at agad siyang niyakap na ikinagulat niya.

"Thank you for saving me to your father Clark."

He hug me back.

At nakapagbibigay yon ng pagpanatag ng kalooban ko.

"Your always welcome Krish. Huwag ka ng umiyak hindi bagay sayo."

Bumitaw ako at sabay hapas sa braso niya.

"Tigilan mo nga ako!."

"Pero totoo hindi bagay sayo ang umiiyak mas bagay sayo ang nakangiti lang tulad nong dati."

"Anong dati tinutukoy mo?."
Pagtataka kong tanong sa kaniya.

"A-ah wala Krish. Huwag mo ng pansin yon ang mabuti pa ihatid na kita sa room mo."

Akmang hahawakan na ni Clark ang kamay ko ng may biglang pumigil.

"Don't you dare touch her hand or else i send you to mars that never comeback until you die there!."

O_°

Itutuloy...

A/N: Hala 😱 sino naman kaya ang taong ito?, na bigla bigla na lang susulpot at may balak pang ipatapon si Clark sa Mars.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon