Chapter 31 "Time with Mr.Suplado"

193 27 0
                                    


Nasa parking area na ako at akmang susuotin na yong helmet ko ng may biglang humawak sa kamay ko at hinarap ako sa kaniya.

"Pwede bang samahan mo ko?"
si Jasper Kent Santiago ba to?

"Saan?" Tipid kong response sa kaniya, kahit hindi ko alam kung saan to patutunguhan.


"Basta- sumunod ka na lang." At tsaka ako kinaladkad patungo sa kaniyang kotse.

Ano bang na kain nito?, bakit bigla-bigla nalang niya akong yayaing samahan ko raw siya.

Eh hindi pa nga ako nakapagbihis at ang baho ko na, galing pa kaya ako sa laro.

Nasa loob na kami ng kotse niya.

"Seatbelt." Tipid niyang saad sakin.

Napakatipid talaga niyang magsalita, akmang ilalagay ko na ang seatbelt.
Saka naman niya kinuha at siya mismo ang naglagay non sakin.

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Heto na naman ako! Na hehypnotize sa mga mata niya.

My heartbeat so fast, I don't know why? Hanip ang bango niya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Pag basag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
N

akatitig kasi siya sakin kahit tapos naman niyang ilagay ang belt sakin.

Bumalik naman siya sa driver seat.

"Wala naman ang g-ganda mo kasing titigan."

"Huh? anong sabi mo?" Ang hina kasi ng pagkasambit sa huling sinabi niya, hindi ko masyadong narinig.

"Saan mo ba ako dadalhin Jk?."
Para wala nyang narinig.

"Oi Santiago!"

Inis kong tawag sa kaniya at tsaka hinarap siya habang nagmamaneho.

"Somewhere." Ang tipid talaga niyang sumagot kainis!

-.-

Hinahayaan ko na lang siya kung saan niya ako dadalhin.
Siguro naman hindi wala syang  masamang balak na gawin sakin.

Lumingon ako sa kaniya habang sya'y concentrate sa pagmamaneho.

Ang gwapo pala talaga niya, kahit sinong babae ang mababaliw sa kaniya.
Napakatangos ng ilong, medyo magulo ang buhok pero hot parin tignan at tsaka----

What am I thinking?

Did I say he is a good looking?

Oh no erase Kristelle ano ba tong pinaggagawa ko?

"Picturan mo na lang ako para don mo titigan."

"Hindi kita tinititigan ah!" Ngumisi siya bigla nung pagkasabi ko nun sa kaniya.
Nahuli kasi niya ako na nakatitig sa mukha niya.

Iwan ko sa sarili ko kung bakit ko yun ginawa.
Biglang huminto ang sasakyan sa tapat pa ng Starbucks.

Anong gagawin namin dito?

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon