Chapter 68 "The Truth behind the incident happened "

130 10 2
                                    

Chapter 68 [The truth behind the incident happened]

Abby POV

Siya na maganda!

Siya na ang pinag-aagawan!

Siya na siya na!

Bw*sit! Kahit anong pilit kong gawin para mapasakin lang ulit si Ty pero siya na mismo ang ayaw sakin.

Pero hindi ibig sabihin non hahayaan ko nalang siya maging masaya sa piling ni Krish!
Gagawa at gagawa ako ng paraan para mawala ang pagmamahal ni Tyler kay Krish.

Heto ako pinagmasdan ang taong minsan ko ng sinaktan noon, na minsan ng naging akin pero napakagaga ko!

Iba na ang mahal niya at si Krish yon ang babaeng kinakainisan ko sa lahat!

Inagaw niya mula sa bisig ni Jas si Krisha dahil nalasing ito na hindi namin alam kong bakit?

Napahinto ang pagsasayawan ng mga tao dito sa loob dahil sa kanila na lahat ang atensyon.

"Pwede ba Jas, ibigay mo si Krish sakin dahil ako ang maghahatid sa kaniya!" sigaw ni Tyler pero ayaw magpatinag ni Jas.

Alam kong mahal pa rin ni Jasper si Krish pero ng dahil sakin nawala ang pagmamahal ni Krish sa kaniya.

"Ako ang maghahatid sa kaniya" cold nasabi ni Jas na may panliliksik sa mga mata na nakatitig kay Tyler.

Yakap ni Jasper si Krish habang hawak naman ni Tyler ang kamay ni Krish para agawin ito.

Walang kaalam alam si Krish dahil mukhang nakatulog na siya dahil sa kalasingan.
Gaga pala siya e ng lalasing hindi naman kaya!

"Ako ang kasama niyang pumunta dito at ako din ang dapat na hahatid pauwi sa kaniya"

banat din ni Ty kay Jas na ngayon ay ng aapoy na sila pareho sa galit.

"J-as b-akit m-mo k-o s-inaktan
n-oon---" lasing nasabi ni Krish

nagulat si Jas at Tyler sa sinabing iyon ni Krish. So, ako lang pala ang naka alam na nagbalik na muli ang alaala niya?

hindi makapagsalita si Jas habang pinagmasdan si Krish, kaya agad na kumilos si Tyler para makuha si Krish papunta sa kaniya.

Ngayon akay akay na niya si Krish, kinarga na pagkasal.
Bago sila umalis tinignan muna ni Tyler si Jas na nasa sahig pa rin.

"Kung hindi mo siya sinaktan noon, hanggang ngayon kayo pa sana. Pero ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para maging akin siya."

Ouch! T_T

hindi ko na pala namamalayan na may butil na ng luha sa mga mata ko. Ang sakit lang na maririnig mo sa taong mahal mo ang mga salita na yon.

Pinahid ko kaagad ang luha mula sa mata ko ng dito dadaan si Tyler sa direksyon ko.
Lahat ng tao ay nag bigay space sa kaniya habang karga niya si Krish.

Tumagilid din ako  ng maramdaman kong ako na lang pala ang nakatayo sa gitna ng dadaanan ni Ty.

Dumaan siya na hindi man lang ako tinitignan at napaka sakit non para sakin.

Ganon na ba talaga ako ka walang halaga sa kaniya?

Kita kong dito naka tingin si Cheska sakin habang nasa tabi niya si Kyler na ngayon ay tinutulongan niya si Jas na makatayo.

Isang masamang titig ang ipinukol niya sakin, pero bagkus na makipagtitigan sa kaniya ay pinili ko nalang ang umalis.

Cheska POV

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon