[Chapter 74: "Katatagan ng Pag-ibig"]
Third Person
Sobrang nasaktan si Krish sa mga sinasabi ngayon ng lalaking mahal na mahal niya. Sinabi nito na hindi na siya mahal at lahat ng mga pinapakita ni Tyler sa kaniya ay isang pagkukunwari at pagpapanggap lamang. Na ibigin siya upang makaganti sa pinsan nitong si Jasper sa panloloko at pag-aagaw sa nobya niya noon na si Abby.
Pero ang mas masakit sa lahat, gusto ng tapusin ni Tyler ang relasyon na meron sila ni Krish.
"Ayaw ko na. Tapusin na natin to hangga't maaga pa!"
Walang kabuhay buhay na sabi ni Ty kay Krish na ngayon ay hindi mapigil sa pag-agos ng luha sa mga mata.
"T-Ty p-please d-dont e-ever l-leave m-me!"
Pagmamakaawa ni Krish habang umiiyak sa harapan ni Ty matapos siyang kalagan nito ni Abby sa pagkagagapos. Para maging katotohanan ang plano nilang mangyari.
"T-Tyler d-don't d-do t-this t-to m-me p-please. I can't imagine what I'll do to live without you, you may be a jerk, arrogant and bipolar at times but that still won't stop me from loving you."
Nakaluhod na ngayon si Krish habang hawak hawak ang kanang kamay ni Tyler. Para lamang magmakaawa na hindi siya nito iiwan at tapusin kung ano man ang meron sa kanila.
Hindi nga nabigo at nagkamali sa pagpaplano si Clariza sa gusto niyang mangyari sa buhay pag-ibig ni Krish sa tulong ni Abby.
Dahil nakikita naman nila kung paano nagmamakaawa si Krish sa harap ni Tyler na hindi na maawat ang pagbuhos ng luha sa mga mata nito.Ang gusto ni Clariza ay iparamdam kay Krish ang sakit na naging kabiguan nito sa pag-ibig niya para kay Tyler.
Hindi totoo ang mga sinasabi o kwento nito kanina na siya'y ginahasa ng isang miyembro ng gang at pilit niyang ipaamin sa harap mismo ni Krish na si Tyler ang nag-utos na gahasain siya. Ninais lamang niya na masaktan ng husto at magdusa sa sakit si Krish sa hinanakit niya noon kay Ty.
Pareho lamang silang naging hangarin ni Abby kaya walang kahirap hirap itong tanggapin ang alok na planong gagawin nila. Naging bulag sila sa pag-ibig na hindi naman sila ang iniibig ng lalaking pareho nilang minahal.
Sa pag-ibig nakakagawa talaga ang tao ng maling paraan para makuha lamang ang minahal nila na palihim, kahit pa may nagmamay-ari na nitong iba. Kahit mali ay hahamakin upang hindi maging happy ending ang taong mahal niya sa iba.
May klaseng ganun na paraan ngunit ang kaakibat nito ay ang pagkakasala mo. Inagaw mo ang kasiyahan niya na dapat ay maging masaya pa siya sa totoong minahal niya kaysa sayo.
Ang kailangan lang sigurong gawin mo ay hahayaan mo siyang maging masaya sa piling ng taong mahal niya. At sa pagparaya sa kaniya ang maging daan upang tuluyan ng maghilom lahat ng sukat sa puso mo.
Habang tinitignan ni Abby si Krish na nagmamakaawa kay Tyler. Nakaramdam siya ng guilty sa pinaggawa niyang pagtulong kay Clariza. Na realize niya na mali ang pairalin ang inggit, pagkahangad at humihingi ng limos na pag-ibig kay Tyler kahit pa sinabi na nito na hanggang kaibigan na lamang ang maibibigay niya at hindi na maibabalik pa ang dating sila.
Habang si Clariza ay nasisiyahan sa naririnig at nakikita niyang labis na ng hihinagpis si Krish ngayon.
"Hindi na kita mahal Krish!"
"T-Ty ako ang mahal mo at hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo! Bakit kinakailangan paghumantong tayo sa ganito? Mahal mo ako at hindi ka magsasawang makasama ako araw araw at maging pang habang buhay. Nangako tayo sa isa't isa poy sa saktong oras ng pagsalubong ng bagong taon, na walang iwanan kahit anong mangyari at pareho tayong lalaban. Huwag ka namang lumaban mag-isa oh dahil handa akong tanggapin ang lahat lahat basta't huwag mo lang akong iwan Ty!
Kung ginagawa mong magpanggap at magsinungaling na ikaw ang nag-utos na gahasain si Clariza ay hindi ako naniniwala dahil kilala nakita Ty. Hindi mo magagawa yon, sabihin mo sakin na ito ba ang tanging paraan mo upang mailigtas ako sa kamay nila? pwes hindi ako natatakot mamatay! Dahil mas mabuti pagmamatay na lumalaban kasama ka, kaysa iwan mo ako na ikaw lang mag-isa na lumalaban!"
Kong iniipon lang sana ang luha na walang humpay na pag-agos sa mga mata ni Krish ay paniguradong napupuno na ang isang baso.
Labis na hinanakit ang naramdaman ni Tyler sa kaniyang puso na makita ang babaeng mahal na mahal niya. Ito ang bumuo sa magulo at walang direksyon niyang buhay.
'Patawad poy pero hangad ko ang kaligtasan mo. Kung hindi ko ito gagawin sayo, maaaring ka nilang patayin at yon ang hindi ko kaya'
Iyon ang katagang sinasabi ng isipan niya habang may butil ng luha ang dumadaloy sa kaniyang pisngi at ito'y nakikita ni Krish.
Nabuhayan siya ng pag-asa na hindi totoo ang mga sinasabi nito na hindi na siya mahal dahil ang totoo mahal na mahal siya ni Tyler.
Hindi na makapaghintay pa si Clariza sa susunod na sasabihin ni Tyler kay Krish, na makakapagpaturog sa puso nito
"Diba matalino ka? Bakit ipagsiksikan mo pa ang sarili mo sa taong ayaw niya na sayo?! Hindi kita mahal! Lahat ng pinapakita ko sayo ay pawang walang katotohanan. Ang bilis mong makuha, isang ngiti ko lang bumigay kana agad. Kaya hindi na ako mahirapan pa namapasakin ka pero ang totoo ginamit lang kita!"
*Pak!
Isang malakas na sampal ang natamo niya mula kay Krish dahil na katayo na pala ito mula sa pagkaluhod. At masamang tingin ang ipinukol niya kay Ty ngayon.
"Sabahin mo lang nasawa at pagod ka na! Huwag mo naman ipamukha sakin na hindi mo ako nagawang mahalin! Dahil ang sakit sakit marinig mula sayo ang salitang yan!"
Iyak na sabi ni Krish habang pinagsusuntok si Tyler sa dibdib nito.
"Oo Sawang sawa na ako sayo! Oh ano hindi mo pa rin ba ako tantanan? Umalis kana! At huwag ka ng magpapakita sakin kahit kailan!"
Sigaw sa galit na pinapakita ni Tyler kay Krish at itinulak ito palayo sa kaniya dahilan para masobsob ito sa sahig. Ngunit akmang lalapitan niya sana si Krish para tulungan dahil sa nabigla lamang siya. Pero may nakatingin sa kaniya si Clariza na may hawak na baril.
Kaya wala siyang magawa kundi ang titigan si Krish, kahit masakit sa kaniyang kalooban na sigawan ang taong mahal niya ay pinili pa rin niyang gawin yon dahil kaligtasan ni Krish ang nakataya dito.
Dahil batid niya na magagawa talaga ni Clariza ang patayin si Krish kung sakali man na hindi niya gagawin ang pinapagawa nito sa kaniya. Ang hiwalayan si Krish sa harap niya mismo at ipamukha dito na hinding hindi niya nagawang mahalin si Krish.
Ramdam niya ang sakit na sinapit ng taong mahal niya ngayon, dahil basi na rin sa mga mata nito. Sa mata nakikita ang tunay na nadarama ng isang tao.
"There is someone who deserve you to don't make you cry, stay by your side and willing to give the true and purest love you want.
I wish i could be that someone but that's not me,Burahin mo nalang ako sa puso mo Krish"
~Erase ka na sa puso ko
Wala ka nang puwang sa buhay ko
Paalam na sayo
Erase ka na sa puso ko
At sana'y maramdaman mo rin
Ang bawat sakit
Ang bawat pait, erase ka na
Sayo'y paalam na~Leaving or pushing away to someone who love you is the hardest thing to do. T_T
'Erase ka na sa puso ko' Song by: Bryan Termulo
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...