Tyler POV
Natutuwa akong asarin siya pikon masyado.
Hinanap ko siya ngunit biglang umalis dahil sa kagagawan ko kanina.Besides hindi naman ako papasukin ng prof, naglalakad na lang ako at binalak na kumain.
Nakakagutom rin asarin yung babaeng yon.
Bakit nga ba? ay iwan ko sa sarili ko.Napadaan ako sa hall at hindi sinasadyang makikita ko ang isang eksenang bigla kong ikinainis.
Pero bakit naman ako na iinis? wala naman akong pakialam sa babaeng yon.
Nakita ko lang naman siyang sinalo ni Jasper at muntik ng magkahalikan ang dalawa sa posisyon nila.
Urgh!
Magkakilala ba sila?, madaming tanong ang nasa isipan ko pero hindi na ako magtataka kay Jasper matinik talaga siya sa mga babae pati nga girlfriend ko nabingwit niya ito pa kayang babaeng to.
Parang easy to get
*Teng!*
Sound effect yan ng utak ko, may nabuo kasing pag-aasar sa utak ko, yun ay ang picturan sila.
Talino ko talaga! ^_^
Kinuha ko yung IPhone ko sa bulsa syaka pinicturan sila sa awkward posisyon.
Gagamitin ko lang naman to sa pagbla-blockmail ko sa kaniya.Subukan lang yang eh ignore ako makikita niya at may kasalanan pa siyang dapat bayaran.
Tignan natin ang katapangan mo Ms. Cortex at mapapa-isip ka na mali ang kinakalaban mo.
------------------------------------------------------
Kristelle POV
Maaga ulit akong nagising at nag paalam kay mama, nagtataka nga siya kung bakit hindi ko dala yung motor ko.
Paano daw ako naka-uwi,
pero sinabi ko naman kay mama ang totoo na hinatid ako ni Jasper kaya tumigil na siya sa kakatanong sakin.Nagco-commute lang ako pa puntang school at buti na lang hindi ako late pagdating ko.
Madali lang natapos yung first subject ko at second period na rin.
Pinagdadasal ko na sana walang Tyler na mayabang ang mangungulit pa sakin ngayon please lang Lord nakikiusap ako.
Umupo ako sa upuan ko at buti na lang wala pa siya at after one minutes bigla siyang dumating at tumingin sa direksyon ko na para bang nag-aasar na iwan.
"Sir Alfredo is coming na Guyz!" Sigaw ng classmate kong si Sarah habang patakbo pabalik sa upuan niya.
Nag-si upuan na kaming lahat katabi ko pala si Sarah na ubod nagdaldal.
"Kristelle?"
tawag ni Sarah sakin at agad ko naman siyang nilingon."Bakit Sarah?"
"May quiz pala tayo ngayon sa Math sorry huh?, ngayon ko lang nasabi sayo biglaan rin kasi."
"Ok lang yon." Nginitian ko lang siya na sign na okay lang.
"As if naman na murunong kang magsolve ng problem? eh na out nga tayo kahapon."
Sambat naman ng seatmate ko sa likod na si Tyler slash mayabang.
"Kasalan mo yon kung bakit tayo pina-out ni Sir kahapon!"
Singhal ko sa kaniya ino-umpisahan talaga ng mayabang nato ang kamalditahan ko.
"Tumahimik nga kayong dalawa! Papunta na dito si Sir, gusto niyo bang ma-out na naman kayo?"
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...