Chapter 70 Montero's Mansion

132 13 1
                                    

Chapter 70 [Montero's Mansion]

Nasa boutique dress ako ngayon na pagmamay-ari ni mama. Tumutulong ako sa kaniya magtupi ng mga damit na natapos niya. At ang iba hinahang ko sa glass window yong elegant dresses na nagawa ni mama para madaling ma attract ng mga mamimili.

"Anak anong oras ka ba susunduin ni Tyler?"

nako po! Nakalimutan ko may dinner date pala kami together with his family.
Pag naalala ko kasi na inaaya ako ni Tyler na pumunta sa mansion nila nakakaramdam talaga ako ng kaba, paano ba naman kasi ipapakilala na niya ako sa family niya. Paano kong ayaw ng family niya sakin? -_-

"Anak tulala ka diyan anyari sayo?" natauhan ako ng biglang lumapit sakin si mama at hinipo ako sa noo, sinusuri niya kung may lagnat ba ako.

"Wala ka namang lagnat ah, ano bang problema bakit ka biglang natulala diyan at natigilan sa tanong ko? Kinakabahan kaba sa dinner date niyo ni Ty?"

pag-eecheos pa ni mama sakin~

"Si mama talaga inaasar ako! A-Ano kasi, tama ka mama kinakabahan ako para mamaya paano kong aya---"

"Sssshh... Hindi mo naman kailangan ipilit ang sarili mo na magustuhan ka ng parents ng lalaking mahal mo. You need to be true of yourself anak, ipakita mo ang totoong ikaw. Huwag kang magpapadala ng emosyon mo, kung talagang mahal ka ni Tyler kahit pa ayaw ng magulang niya sayo. Ipaglalaban at ipaglalaban ka niya kahit anong mangyari, yan ang totoong pagmamahal anak."

I was thankful of god to have a beautiful and strong woman like my mom, hindi na ako makakahanap ng magulang na katulad ni mama. Niyakap ko siya ng mahigpit

"I love you mama" yan na lang ang nabanggit ko.

"I love you too anak, basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng papa at kuya Earl mo. Kung saan ka masaya susuportahan ka namin"

hinalikan ako ni mama sa noo, napakasweet, loving, protective, caring at supportive na mama in the world. :*

Hanggat may mama at papa kayo pahalagahan niyo sila. Kahit pa madami tayong pagkukulang bilang anak nila, hindi nila tayo iniwan sa hirap at ginhawa.


-Montero's Mansion-

Nakapark na ang kotse ni Ty sa garage nila, at nasa loob pa kami na hindi pa lumalabas. Wala kasing akong imik simula ng makadating kami sa magandang mansion nila dito sa subdivision sa Quezon City.

Hinawakan ni Ty ang kamay ko at napalingon ako tapos ng tama ang mata namin. Binigyan ko siya ng 'Kinakabahan ako look'
Ang loko loko pinagtawanan lang ako tapos sumeryoso din dahil ng iba na ang titig ko sa kaniya na mukhang titirisin ko na siya.

"Alam kong kanina ka pa hindi mapakali simula ng makarating tayo dito. Kahit hindi mo man sabihin sakit Krish ramdam na ramdam ko na kinakabahan ka ngayon."

Napayuko ako sa sinabi ni Ty

"A-Ano kasi Ty, p-paano kung--"

inangat niya ang ulo ko upang magtama uli ang mga mata namin.

"Paano kung hindi ka nila magustuhan? Yan ba ang kinakatakotan mo?" napatango lang ako sa tanong ni Ty dahil beside tama naman siya.

"Hindi ka ba natatakot na hindi na kita gusto at hindi na kita mahal?" seryoso nasabi niya pero alam kong nag-aasar na naman siya dahilan para matawa siya, kasi pinagpapalo ko siya ngayon paano ba kasi pinagtatawanan niya lang ang reaksyon ko sa sinabi niya.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon