Tyver POV
I can't believe that kuya Tyler and Krislyjhez sharing one condominium.
Parang may something kasi sa kanila eh. Hindi ko mapigilan na mapaisip na baka girlfriend na niya si crush.
Yes, may crush ako kay Krish dati nung nasa New york pa sya.
Were having some fun through video call.Basta ang sarap sa pakiramdam na kausap ko si Krish, kahit sa video call lang kami nag-uusap parang close na kami.
Hindi ko pa sya nakikita in person, malapit na sana if hindi pa sya bumalik ng Pinas.
Idol niya kasi si mommy, bilang kapalit ng pagtuturo niya sakin kung paano maging bihasa sa pagsalita ng tagalog, yon ay makita niya si mom sa personal.
Sayang nga eh, hindi natuloy.
Pero nung makita ko sya sa room ni kuya Ty, sobrang shock talaga ako finally i see her in person.
Sh*t lang ang ganda niya. O_o
Naputol lang ang pag dedreaming ko ng pumasok si kuya Ty.
"Tyv, umuwi kana sa mansion, baka hinahanap ka na ni Mom."
Seryoso niyang sabi.
"Kuya gusto kang maka-usap ni Mommy."
Tumingin sya sakin tapos umiwas.
"Alam kong galit ka parin sa kaniya dahil sa mga panloloko niya kay Dad. Pero kuya sa maniwala ka man sa hindi, pinagsisihan ni mommy ang lahat."
Mahinahon kong paliwanag sa kaniya. Sana maintindihan niya at matanggap na niya na may half sister kami.
"Oo, pinagsisihan nga niya pero maibabalik ba niya ang lahat sa dati? dream on Tyv!, binaliwala niya tayo para sa lintek na career niya!.
Tapos malalaman lang natin na buntis sya at sa kabit pa niya!."Galit pa rin si kuya hanggang ngayon. Kailangan may magagawa ako para magkaayos sila ni mom, kaya nga kami umuwi dito kasama si Tashia half sister namin.
"Kuya 3 years na ang nakalipas, panahon na para magkaayos na kayo ni mom. Si Dad nga pinatawad si mommy ikaw pa kaya."
Hindi pa rin sya tumitingin sakin, pero kita kong paano sya nag-pigil ng galit.
Pansin ko lang ng iba sya, hindi na siya yung tipong Tyler noon na mainitin ang ulo, padalos dalos mag desisyon.
Pero ngayon ng iba sya at na feel ko yon.
Nakatagpo ata ng katapat. ^.^
"Pag-iisipan ko, pero sa ngayon hindi ko pa kayang harapin sya."
Mahinahon na niyang sabi syaka siya umupo sa mini sofa dito sa room niya.
"Ma iba nga, bakit ba dito nakatira si Krislyjhez kasama ka?, girlfriend mo ba sya kuya? may nangyari na ba sa inyo?"
Hindi sya sumagot sa mga tanong ko, kundi tumawa lang ang loko kong kuya.
"Pwede ba Tyver isa-isa lang sa tanong."
"Okay, pakisagutan na lang yong unang tanong."
"Loko ka din no?." Sabay hagis ng pillow sakin, buti nalang nasalo ko yon.
"Pero bakit nga?." Pagpipilit ko.
"Okay, magkakasama kami sa iisang condo sa kadahilanang may Kontrata kami."
"Kontrata?, ano yan?."
"It is a contract Tyv in english at sa tagalog kontrata, gets?"
"Ahh okay continue."
"May kasunduan kami ni Krish na magiging slave ko sya for almost 3months. Kaya sya nakatira dito sa condo to do what i want."
O_o
"What?, kuya bakit mo sya pinapahirapan?"
Kumunot yong noo niya sa tanong ko.
~____~
"Pwede bang patapusin mo muna ako?"
"K."
Nakinig lang ako sa mga pinapaliwanag niya tungkol sa kontrata nila.
At hanggang sa naging personalan na. Hindi ko akalain na napabago niya si Kuya.
"Kuya hanggang ngayon ba wala pa rin syang naalala sa nakaraan niya?, na dati na kayong magkakilala?."
Bigla syang tumahimik at kita ko sa mukha niya ang lungkot.
"Oo wala pa rin syang naalala pero ako, bumabalik na ng kusa ang mga alaalang nawala noon, yon ay ang minahal ko sya."
Ang lalim non ah, o.O
"Eh paano yan kuya maging karibal mo ako." Hehehe pabiro ko sa kaniya na ngayon at umu-osok na ang ilong.
"Easy bro, crush ko lang naman si ate Krislyjhez kaya walang masama don. Pero ang mas malaking problema mo ay si kuya Jasper, diba sabi mo naging sila dati?."
Sinabihan na ako ni kuya sa lahat ng mga nangyayari 3years ago.
Grabe lang yong pinagdadaanan nila pero ang mas malala dito ay si crush, pagnalaman na niya lahat na sinadya lang yong aksidenti. Siguro kamumuhian niya si Kuya.Lito pa rin ako sa mga kinukwento niya. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko, yon ay nawalan sya ng break sa sasakyan niyang kotse.
Baka nga may tao sa likod ng lahat ng ito.
Hindi ko masasabing si kuya Ty ang dahilan kong bakit nawalan sya ng memorya.
I need to do something for this case, lalo ng involved si Crush.
Itutuloy...
A/N: Tyver my loves, ingat sa pag-imbestiga baka may makatagpo ka.❤
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...