Chapter 16 *Music Hall* 🎹

235 43 6
                                    

Kristelle POV

"Nakakainis siya Sobra!" Pagmumura ko habang naglalakad, nakakainis talaga yan tuloy pinapaalis kami ng prof.

Gusto ko pa namang magsolve ng math ngayong araw.

Sinisira talaga ni Mayabang ang araw ko ngayon kainis! Nakakawala siya ng gana!

Nandito ako sa Corridor nag lalakad at bigla akong napahinto na naging dahilan sa paninindig ng mga balahibo ko.

Isa itong tugtog ng piano napakagandang pakinggan.
Na realize ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na pala ako ng music hall.

Dito ako dila ng mga paa ko, kaya pala may naririnig akong tumotugtog.

Eh sino naman kaya yung tumugtog?
Alam ko yung tinutugtog niya...

"Perfect" by: Ed Sheeran

Favorite song ko to eh!

Dahil sa na curious ako kung sino yung tumugtog, naisipan kong pumasok sa loob ng hall at nakita ko ang isang lalaking dinama ang bawat lyrics ng kanta.

Ako?, nakatago lang habang nanonood sa kaniya, nakakaaliw syang panoorin.

'Ang galing nyang tumugtog.' Bulong ko sa sarili dahil sa tugtog na iyon ay para bang na hypnotized ako at akmang lalapit na sa kaniya.

Pero tinupak ako ng kamalasan!
Natalisod yung paa ko na naging dahilan ng pagtigil niya.

"Aray!"

Napasigaw ako sa sakit.
Tumayo siya at luminga linga sa paligid.

Hindi niya ako mahanap dahil  nakatago ako.
At napamura sa sakit!

"Sino yan?!" Tanong nito at papunta sa kinaroroonan ko.

Patay! Anong gagawin ko? paano ako makakatakas nito? natalisod pa kasi ako huhuhu -_-

Parang may mali sa paa ko baka sabihin pa nyang stalker ako.

Papunta na siya sa kinaroroonan ko habang ako ay napainda sa sakit.
Sakit ng ankle ko!

Dapat makagawa ako ng paraan.
Alam ko na! Tatakbo ako kahit masakit sa paa.

Isa.

Dalawa..

Tat--

*Booogshh!!!

Patay! Bulong ko sa sarili actually nasubsob ako sa sahig--
Nakakahiya huli na ako sa akto nito.

May nakita ako ng pares ng sapatos at umangat.
Ngumiti ako ng pilit ng makita ko siya sa harapan ko.

"Ba't kailang mo pang magtago?, ayan tuloy nabaliin ka pa sa paa."

Inilalayan niya ako ng dahan dahan at itinayo.

Magkaharap na kami ngayon at hawak hawak niya ang balikat ko.
'Gwapo nya talaga'
Anong sabi ko?, sinabi ko bang gwapo si Jasper Santiago? No erase!!!

"Patingin nga ng paa mo."

Ngayon ay inupo niya ako sa bakanteng upuan at yumuko para tignan ang paa kong natapilo kakatago.

"Kailangan na kitang dalhin sa clinic, baka lumala pa yan."

Sincere at concern na sabi niya but pinigilan ko siya sa balak nyang gawin.

"Wag na! Ipagpatuloy mo na lang yung ginagawa mo.
Okay lang to no! Makakatayo pa naman ako."

Pagmamayabang kong sabi sa kaniya at syaka tumayo ng dahan-dahan.

Fall for You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon