•Jasper Special Chapter•
•••
Sa mga nakikita at nasasaksihan ko sa gabing yon ay malinaw na sakin ang lahat na hindi kailanman maibabalik pa si Krish sa piling ko. Dahil masasaktan lang ako pag pinipilit ko pa ang sarili ko sa taong ayaw na sakin at may iba ng mahal.Mas pipiliin ko pag pakawalan siya at hayaan na maging masaya dahil hangad ko ang kaligayahan niya sa piling ni Tyler. Kung saan siya masaya doon din ako.
Sa gabing sinugod namin si Tyler sa hospital na agad din siyang inaasikaso ng mga doctor at nurses.
Kaming lahat ay nasa labas lang ng waiting area dito sa hospital na malapit lang sa warehouse na pinaghide out at plano nila Clariza na kidnappin si Krish at doon dinala.
Naghintay kami na lumabas ang doctor ngunit mahigit ilang minuto na kami naghihintay at hindi pa ito nakalabas. Ganoon nalang ba ang pinsala na natamo ni Tyler?
Na bigla kaming lahat ng tumayo si Krish at nagbabalak na pumasok sa loob. Ngunit agad akong tumayo at lumapit sa kaniya upang hindi siya tuluyan na makapasok o makasilip man lang sa sinapit ni Ty, dahil mas lalo siyang masasaktan pagnakita pa niya.
"Lyca hintayin na lang natin na lumabas ang doctor at hindi ka maaaring makapasok don ng basta basta"
tumingin siya sakin na para bang sinasabi niyang pabayaan ko siya sa gagawin niya. Sa totoo lang naaawa at nasasaktan ako sa sitwasyon ngayon ni Krish.
"Jas please hayaan mo akong puntahan si Ty sa loob dahil hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikitang okay siya"
naiiyak pa niyang sabi na nakiki-usap na pabayaan ko siya at hayaan na makapasok sa loob. Imbes na hayaan ko siya ay niyakap ko siya ng mahigpit na ikinagulat niya sa ginawa ko.
At wala akong paki alam kong nakikita man ng parents ni Tyler ang ginawa ko at ng parents ni Krish. At lalo na pati si Kyler, Cheska at Abby na sumama pa dito."Lyca huwag kang mag-isip ng masama dahil ang yakap na ito ay nagsisilbing tulong upang pagaanin ang loob mo. Huwag kang mag-alala magigising din si Tyler matapos makuha ang bala natumama sa kaniya. Magtiwala lang tayo sa doktor, alam kong hindi kaniya kayang iwan Lyc dahil mahal na mahal ka ni Tyler basta't magtiwala ka lang. Yon pa ba matatag yon eh!"
niyakap niya din ako pabalik.
"Thank you Jas, kahit papaano napagaan mo ang loob ko"
ngiti niyang sabi sakin matapos siyang bumitaw sa yakap.
"Always welcome Lyc. Tandaan mo lang lagi na nandito kaming lahat na handang damayan at tulungan ka"
she nod after what i said to her din nag-aya na siyang bumalik sa pagka-upo ng katabi sa mom and dad niya.
Few minutes later...
Lumabas din ang doctor na may bakas na dugo sa suot niya at tinanggal na niya ang mask na nakasabit sa bibig niya upang makapagsalita ng maayos."Pamilya po ng pasyenti ang gusto kong maka-usap sa mismong office ko"
anang sabi ng doktor na ako'y nagtataka na bakit hindi na lang dito niya kausapin ang pamilya ni Tyler?
Bakit kailangan sa loob ng office niya pa?Sumunod sina tito at tita sa sinabi ng doktor pero sa hindi pa man sila makalayo ay agad na lumapit si Krish kay tita Lily at hinawakan ito sa braso.
"Tita pwede po bang sumama ako sa inyo? Nais ko lang po malaman kong ayos at successful ang ginawa nilang operasyon kay Ty"
paki-usap ni Krish kay tita Lily ngunit hinawakan lang siya ni tita sa kamay at binigyan si Krish ng isang matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Fall for You (Completed)
Teen Fiction[Story Completed] Synopsis: Dalawang taong nahulog sa isa't isa ngunit sa maling panahon at maling pagkakataon. Dahil pareho lamang silang nagmahal, naloko, nabigo at nasaktan sa taong pinili nilang mahalin dahil yon ang tama at nararapat. Hindi na...