Chapter 14_IT'S TIME TO GO HOME

15 1 0
                                    

Yeriel's POV

"hoo" napagod ako doon ah, bakit naman kasi may ganong nilalang dito. Ang itim itim pagkatapos ang lakilaki at may sungay pa, napatakbo tuloy ako.

Tita: "oh Yeriel mag gatas ka muna, bagong kuha pa yan"

Yeriel: "bagong kuha?"

Tita: "ahh oo fresh na fresh pa yan"

Yeriel: "ah sige po" wika ko at saka ininum ang gatas medyo matamis nga ito at masarap

Xav: "gatas yan ng kalabaw" nagulat nalang ako sa sinabi ni Xav sa aking likuran. Halos maisuka ko na ang gatas sa sinabi nya

Yeriel: "yo-yung kalabaw? Yong kanina?"

Xav: "oo gatas yan ng kalabaw. Bakit ano bang problema?" nakangiti pa nitong wika

Yeriel: "tinatanong mo ako kung anong problema?!" nakakasura na talaga sya mukha pa syang natatawa sa mga ginagawa nyang kalukuhan. Makakaganti rin ako sa lalaking ito. Galit akong umalis.

Hindi nya ba ako naiintindihan? Alam naman nya na takot ako sa kalabaw na yon. Papano yon nagkakaroon ng gatas? Pinainom pa nila saakin yong gatas? Pinagkakaisahan ba nila ako? Ano bang problema nila. Nakakinis na talaga si Xav

Kumain kami ng tanghalian pero para parin akong inaasar ni Xav, nginingitian nya lang ako na may halong pangungutya. Nakakasura na talaga sya. Kaya hindi ko sya pinansin hanggang hapon.

-

Xav's POV
Mas nakakatuwa talaga pagnakikita kong nagagalit si Yeriel. Nakakatuwa syang galitin. Pero kailangan nanaming umalis at bumalik. Kaya ngayon nagiimpake na ako ng gamit para sa bukas ng umaga makarating na kami ng Manila.

Tita: "oh Xav? Bakit ka nag iimpake?"

Xav: "si Yeriel po?"

Tita: "Nakita ko don sa may labas kasama nina tito mo"

Xav: "aalis na po kasi kami"

Tita: "hindi ba pwedeng ipagpabukas na ninyo ang pag alis nyo?"

Xav: "eh may gagawin pa po kasi ako sa Manila na importante bagay"

Tita: "minsan kana nga lang magawi dito. Isang araw lang pala ang itatagal nyo"

Xav: "pasensya na po, sa susunod po tatagalan ko na"

Tita: "sige pangako mo yan huh"

Xav: "opo" wika ko at saka ako lumabas ng bahay. Laking gulat ko nalamang ng makita kong muli si Yeriel na nakikipag inuman nanaman. Wala na ba talagang kaayusan ang babaeng ito?

Tita: "ay naku napainom ata si Yeriel" wika ni Tita.

Xav: "wag po kayong magalala, ako na po ang bahala sa kanya" wika ko at saka mabilis na sumugod kay Yeriel. Malalagot talaga saakin ang babaeng ito.

Tito: "Oh Xav, pasensya na, nag akit kasi ng inoman si Yeriel kaya wala na kaming nagawa. Mukha atang naparami narin yung nainom nya eh"

Xav: "ako na pong bahala"

Yeriel: "oh Xav haha"

-A FEW MINUTES LATER-

Yeriel's POV

Mukhang nakainom nanaman ako ah, hmhmhm. Bakit parang nakapangko ako? Asan ba ako? Naglalakad ba ako?

Yeriel: "ahh?!"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon