Chapter 117_GRIEF

42 2 8
                                    

Alas-dos na ng umaga ako ng makarating sa Manila, mabuti na lang at wala pang masyadong traffic kaya agad akong nakarating sa station. Napakaraming tao na agad ang sumalubong saakin ang ilan pa ay umiiyak at sumisigaw dahil sa pagkamatay ng kanilang pamilya. Naghanap naman ako ng mga taong maari kong makausap.

Xav: "Amm sir, Yeriel Morales po"

Lalaki: "sige sumunod kana lang saakin" wika nito at sumunod naman ako sa kanya. Kinakabahan na ako habang naglalakad dahil sa mga bangkay na nakikita ko. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin, basta kelangan kong makita at malamang ayos lamang ang kalagayan ni Yeriel ngayon.

Dinala nya ako sa isang kwarto at nakita ko naman dito ang agad sina Jaex na nagtitingin ng mga gamit.

Marq: "Eto, alam kong kay princess ang kwintas na ito. Ako mismo ang nagbigay sa kanya nito" wika nito ng makita nya sa mga gamit ang isang kwintas na pagmamay ari ni Yeriel

Lalaki: "ganon po ba. Ikinalulungkot ko pero ang lahat po ng bagay na naririto ay pagmamay ari na ng mga patay na tao. Sige na Yeriel Morales ilagay mo na sya sa listahan ng mga nasawi" wika pa nito sa isang lalaki

Xav: "wa-wala na si Yeriel?"

Jaex: "bawiin mo yang sinabi mo! Hindi pa patay si princess!" galit nitong wika sabay tulak naman sa lalaki

Saiez: "hindi maaring mamatay si Princess, she is a good swimmer ako ang nagturo sa kanyang maglangoy kay imposible ang sinasabi mo!" Umiiyak nitong wika

Lalaki: "pasensya na po pero bago po bumagsak ang eroplano sumabog na ito. At ang pagsabog na iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilang pasahero kabilang narin ang kapatid ninyo kaya walang bangkay na natagpuan"

Evan: "Marq! Sabihin mong hindi yan ang necklace na niregalo mo kay princess! Sabihin mo!" Galit nitong wika kay Marq

Marq: "kuya, huhuhuhu" pag iiyak nito

Jenzo: "hindi ito pwede, pinuntahan nya pa ako kagabe. Masaya pa sya ng kinamusta nya ako kaya hindi talaga ito pwede"

Jaex: "sinabi ko ba bawiin mo ang sinabi mo! Hindi maaring mamatay ng ganito ang kapatid ko" galit nitong wika sa lalaki

Alec: "Tama na yan Jaex, wala na si Yeriel"

Jaex: "kuya? Madali mo lang sabihin yan dahil hindi ka nasasaktan! Dahil hindi mo naman itinuring na kapatid si princess!"

Alec: "akala mo ba hindi ako nasasaktan? Alam mo ba kung gaano ko sinisisi ngayon ang sarili ko? Hindi ko alam na huling pagkikita na namin ni Yeriel yon pero nagawa ko paring magalit sa kanya. Galit na galit ako sa sarili ko ngayon kasi hindi ko man lang sya nayakap" umiiyak nitong wika

Evan: "sana pala, hindi nalang ako uminom para nasagot ko lahat ng missedcalls nya at nakausap o nayakap man lang sya huhuhuhu"

Xav: "totoo ba ang lahat ng ito? Wala na ba talaga si Yeriel?" Wika ko at nanatili naman silang tahimik na umiiyak. Napasandal na lang ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Para bigla na lang sumabog sa harapan ko ang lahat ng sakit.

Yon na pala ang huling araw na makikita ko si Yeriel, sinisi ko pa sya. Kahit anong galit ang nararamdaman ko para sa kanya hindi ko na magawa dahil puros sakit na lang ang nararamdaman ko ngayon. Unti unti nang tumulo ang aking mga luha, nanginig ang aking mga tuhod at tuluyan nang bumagsak. Napakasakit, hindi ko matanggap na wala na ang babaeng minahal ko ng sobra sobra. Hindi ko matanggap na hindi ko man lang sya nakasama at napasaya.

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon