Chapter 26_YERIEL'S FIRST LOVE

13 1 0
                                    

-VIDEO CALL-

Yeriel: "girls akalain nyo yon, nagkita ulit kami"

Seci: "we are happy for you Yeriel"

Yeriel: "you must! Kasi ako masayang masaya na ako ngayon"

Lia: "pero alam nya ba na you are already taken and you will marry another guy"

Yeriel: "huh?"

Seci: "Lia is right girl. Ni hindi nya alam ang nangyare sa past mo or hindi ka nya kilala. What if malaman nya? We are just concerned about you. Hindi mo pa nga alam kung mapagkakatiwalaan mo sya what if katulad din sya ng ex mo?"

Yeriel: "mabait na tao si Nevi kaya hindi sya magiging katulad ni Aaron"

Lia: "wag mo ding kalimutan Yeriel, once ding naging mabait sayo si Aaron and in the end pera lang pala ang habol nya sayo"

Yeriel: "magkaiba sila nakilala ako ni Aaron na alam nyang mayaman ako pero nakilala ako ni Nevi na walang syang nalalaman sa mga bagay na ganon"

Seci: "exactly wala syang nalalaman sayo at kung malaman nya ang lahat sigurado ka ba na maiintindihan ka nya? At hindi mo rin masasabi kung bigla syang magbago" napaisip nalang ako sa sinabi nila saakin at muling bumalik saakin ang alaala na pilit kong ibinaon sa nakaraan.

Aaron is my first love, high school pa lang ako non ng makilala ko sya, he is kind and thoughtful, niligawan nya ako as a normal lady. Flowers, songs, letters and etc. makallipas lang ang ilang buwan sinagot ko na sya. In two years of our relationship she treated me like a queen, he always shows love for me at naniwala naman ako non. Too young for stupid love. Akala ko non totoo sya, akala ko he loved me so much. Until sinabi ng mga kuya ko na ginagamit nya lang ako, at first hindi ako naniwala because I loved him so much. Pero harapan nilang pinatunayan yon saakin, nag offer sila ng pera para hiwalayan ako ni Aaron, I was surprised hindi dahil sa tinanggihan nya ang offer nina kuya but because he wants more. Sabi nya pagnakapakasalan nya daw ako mas malaki pa daw ang makukuha nya kaysa sa offer ng mga kuya ko. I was devastated and disappointed so I let my brothers do whatever they want to do on him.

After that day, nagawa nya pa akong tawagan, sabi nya nasa opsital daw sya gawa ng mga kuya ko. Pinuntahan ko sya sa ospital non not to be fooled again but to have my little revenge sana. Kung ano anong kasinungalingan ang sinabi nya saakin noon but I just cry and tell him that I know everything. Akala ko magagawa ko syang saktan pero hindi, ako lang yong nasaktan. It was just so unfair, ikaw na yong naloko, ikaw na yong ginamit ikaw pa yong nasaktan ng sobra. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na I will be hard as stone pero eto nanaman ako unti unting nahuhulog ang loob sa isang taong kakakikilala palang.

-BROTHERS' PLACE-

Seuss: "nalaman ko na kung sino ang may ari nong kotse hindi ito si Xavier Watson, sya ay Neville Hernandez anak ng isang business man na kasosyo dati sa negosyo ni dad at bukod don wala ng iba pa syang kaugnayan sa pamilya"

Alec: "pagkakatiwalaan ba sya?"

Seuss: "about sa mga preferences nya, mapagkakatiwalaan sya dahil wala naman syang record ng kahit anong crime at nasa middle rich class ang pamilya nya dahil may naiwan naman sa kanila ang dad nya bago ito namatay"

Jaex: "what about don sa bahay"

Saiez: "personally kong pinuntahan ang bahay pero hindi ako masyadong nakalapit dahil may isa ring nagbabantay don. Hindi ko nalalaman kung sino sya pero ang sigurado ako binabantayan nya ang bahay na tinutuluyan ngayon ni princess"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon