Chapter 111_BABY?!

9 1 0
                                    

Mr. Saragosa's POV

Paguwi ko sa bahay, wala nanaman dito ang asawa ko. Saan nanaman ba sya nagpunta?

Mr. Saragosa: "oh nandito kana pala"

Mrs. Saragosa: "bakit hinihintay mo ba ako?"

Mr. Saragosa: "buong araw ka nanamang wala sa bahay na ito. Wag mong sabihin na tinutulungan mo ang mga pamangkin mo para ayusin ang company nila"

Mrs. Saragosa: "ano namang masama don? Pamangkin ko naman sila"

Mr. Saragosa: "ano bang problema mo? Bakit hanggang sa ngayon galit ka parin?"

Mrs. Saragosa: "hindi mo ba talaga nalalaman ang mga sagot sa tanong mo?"

Mr. Saragosa: "bakit tungkol nanaman ba ito sa nagawa ko kay Maviah?"

Mrs. Saragosa: "akala mo ba mapapatawad lang kita ng ganon ganon?"

Mr. Saragosa: "nagpaliwanag na ako sayo and I already apologized. Saka para sa pamilya din naman ang ginawa ko diba?"

Mrs. Saragosa: "pamilya? All these years inaayos ko ang mga gulo na ginagawa mo at ng pamilyang ito. Diba ganon naman ang tingin mo saakin? Taga ayos lang? Kahit nga ang pagpapakasal sakin diba? Tapos ilang taon akong nanahimik at umintindi sa mga excuses mo pero nagawa mo parin akong lukuhin. 20 years mo akong pinaniwala na si Yeriel ang anak ko! Kaya anong inaasahan mo? Sa 20 years na panloloko mo saakin isang sorry lang, isang araw lang okay na ang lahat ng ginawa mo? Ganon ba?!" Galit nitong wika at saka umalis

-

Seci's POV

Nasa meeting kaming dalawa ngayon ni Jenzo para ayusin ang mga bagay bagay para sa engagement at kasal.

Designer: "So ito ang isusuot mong gown sa engagement party mo and then ito naman ang bridal gown. Medyo matagal kasing gawin ang bridal gown kaya nag-designs na ako"

Seci: "maganda sya pero sana, simplehan lang"

Designer: "pwede if you want to make it simple, ikaw ba groom may opinions kaba? Or-"

Jenzo: "excuse me my tumatawag lang saakin" wika nito at saka lumayo para kausapin ang nasa telepono

Designer: "ay grabe sya, siguro sobrang importante nong katawagan para iwan ka dito"

Seci: "importante nga yon"

Makalipas pa ang ilang sandali at hindi pa bumabalik si Jenzo.

Designer: "pwede bang papuntahin yong groom kasi susukatan na namin sya"

Seci: "ah sige sige, ako na" wika ko at saka naman mabilis kong pinuntahan si Jenzo.

Jenzo: "Lexi, kung pwede lang talagang pumunta ako dyan para icheer ka gagawin ko" he smiled "syempre naman supporter mo ako diba? Number one fan mo ata ito"

Pagkausap pa nito sa telepono, masaya syang kausap si Lexi kahit hindi nya ito nakikita. Nakakangiti sya at nakakatawa ngayon pero sa tuwing kasama nya ako, parang kahit man lang tingnan hindi nya magawa.

I love him like heaven, but he hurt me like hell.

Seci: "ah Jenzo, susukatan ka na daw sa loob"

Jenzo: "sige sige, bye. Mamaya na lang ulit tayo mag usap I love you" wika nito at ibinaba ng telepono at mabilis na pumasok sa loob.

Gusto ko na lang umiyak, pero wala akong karapatan dahil hindi naman sya saakin para maramdaman ko ang sakit na ipinararamdam nya saakin ngayon

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon