Chapter 86_FINALS

5 0 0
                                    

Saiez: "kuya dito po ba nakatira si Kayliegh?"

Guard: "oo bakit mo sya hinahanap?"

Saiez: "ah ka-team nya po ako"

Guard: "ah ganun ba. Sige pumasok ka na lang" wika nito at saka naman ako pumasok sa loob.

Malawaka ang loob nito at wala ring tao.

Maid: "sino po ang hinahanap nyo?"

Saiez: "si Kayliegh?"

Maid: "si maam Kayliegh po, nandon po sya sa may garden" wika nito at saka turo naman saakin sa kaliwang part ng bahay

Saiez: "sige puntahan ko na lang" wika ko at saka naman ako pumunta sa garden.

Nakita ko doon na nakaupo sa isang duyan si Kayliegh habang nakatalikod sya saakin.

Saiez: "Kayliegh?" Wika ko at mukhang nagulat naman si Kayliegh at agad na napaharap saakin

Kayliegh: "Saiez? Anong ginagawa mo dito?"

Saiez: "I'm here to talk to you"

Kayliegh: "galit parin ba ang team?"

Saiez: "hindi sila galit sayo, nagulat lang sila dahil hindi nila inaasahan na matagal ng patay si Kaiser"

Kayliegh: "kasalanan ko naman lahat, nasira ko na ang image ni kuya tapos nawala na rin ang team"

Saiez: "Kayliegh, pwede pa naman yong ayusin eh"

Kayliegh: "papano pa? Alam na nang buong school na nalulung si kuya sa drugs at ayaw na rin saakin ng team"

Saiez: "pwede mo naman gawan ng bagong image ang kuya mo. Sabihin mo sa kanilang lahat kung gaano sya kabuti, alam kong medyo maliit ang utak ko at wala akong magandang plano. Pero gusto ko lang na maayos na din ang lahat, kelangan ng isang coach ang team bukas. Kelangan ka ng team Kayliegh"

Kayliegh: "hmhm, sana nga ganon na lang kadali ang lahat"

Saiez: "wala naman talagang madali, pinaghirapan ng bawat isa ang training para manalo. Nagpakapawis ang buong team para makarating tayo ng finals. Lahat nagpakahirap para lang makarating tayo sa ganito, alam kong hindi mo yon sasayangin Kayliegh"

Kayliegh: "matatanggap pa ba nila ako?"

Saiez: "ako nga na maliit ang utak natanggap nila, ikaw pa kaya"

Kayliegh: "hindi ko alam, hindi ko na alam. Umalis ka na lang at humanap ng mas magaling na coach sigurado pa ang panalo nyo"

Saiez: "Kayliegh, ikaw lang ang coach namin. Wag mo sana yong kalilimutan, aalis ako ngayon pero hindi ako hahanap ng ibang coach. Ikaw ang coach namin, ikaw lang" wika ko at saka umalis.

Bakit ba kasi ang hirap hirap para kay Kayliegh na tanggapin na lang ang lahat ng nangyayare at gumawa ng paraan.

Hindi ako kukuha ng ibang coach, dapat sya pumunta kahit ano pa ang mangyare.

-KINABUKASAN-

Nagsimula na agad ang event, pero hindi parin sumasagot sa kahit anong text o tawag si Kayliegh. Ano na bang nangyare sa kanya? Iiwan nya na ba talaga kami?

Lalaki: "hoy ano ba?! Wala pa ba kayong coach? Kung wala pa ay mas mabuting umatras na lang kayo!" Galit nitong wika dahil kanina pa kami nitong hinihintay

Johann: "Saiez, sabi mo ikaw na ang bahala sa Coach. Nandito na ang buong team, papano tayo makakalaban nyan? Baka ma-disqualified pa tayo sa laro"

Heiress BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon