Alec's POV
Hindi na ako nakabalik pa kay Margaux, dumeretso na lang ako sa isang club para uminom at magpakalasing. Gusto ko na lang isipin na panaginip ang lahat, na parang walang nangyare.
Nagpakalasing ng nagpakalasing ako, tumatawag at nagte-text din saakin si Margaux pero hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Umuwi ako ng lasing at saka nakatulog na punong puno ang isipan.
Tanghali na ako ng nagising at wala na rin masyadong tao sa bahay. Napakarami na palang missedcalls and messages saakin ni Margaux pero hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Bumaba ako ng kwarto para magtea sa kitchen ng makakasalubong ko naman si princess na mukhang may pupuntahan.
Alec: "princess, san ka pupunta?"
Yeriel: "diba sa thursday na kuya ang engagement? Ede may photoshoot kami ngayon ni Xav para ipalabas sa engagement party namin" she smiled
Alec: "princess, mahal mo ba talaga si Xav?"
Yeriel: "bakit naman parang napaka seryoso mo kuya. Pero sasagutin ko yong tanong mo, si Xav nakakatawa nga eh. Sya yong taong pinaka-hate ko dati hindi ko akalain na sya rin pala yong mamahalin ko ng ganito. Si Aaron niloko nya ako for money, si Nevi, he cheated on me. Siguro naman wala nang magiging problema kay Xav kasi sya na yong pakakasalan ko. Noon pa man ang gusto ko lang loyalty, at kay Xav ko yon nakita. Pinaglaban nya ako kahit nong mga time na hindi ko sya minahal. At ngayon wala rin syang dahilan para lokohin ako, kaya I love him. More than anyone I love"
Alec: "ganon ba"
Yeriel: "oh kuya, syempre mahal ko din naman kayo" she smiled "oh nandyan na pala si Xav, sige kuya alis na ako" she said and left
Alec: "mag ingat ka"
Masayang masaya ngayon si princess, ilang beses na syang nasaktan at naloko. Ayokong ipagkait sa kanya na maging masaya sa piling ng taong mahal nya. Ayoko ring saktan si Margaux pero wala akong magagawa kundi gawin yon. Masasaktan at masasaktan din sya.
Alec: "Nasaan si dad?"
Maid: "nasa meeting room po may kinakausap na-"
Mabilis na akong nagpunta sa meeting room ni dad at saka pumasok sa loob nito. Nadatnan ko naman na may tatlong lalaki na kasama ang dad sa loob at mukhang may pinaguusapan patungkol sa negosyo.
Mr. Saragosa: "anong kaylangan mo Alec?"
Alec: "I need to talk to you dad"
Mr. Saragosa: "pwede bang mamaya na lang after meeting?"
Alec: "no dad" I seriously said
Mr. Saragosa: "okay, gentlemen sa opisina na lang natin ipagpatuloy ang meeting may importante lang kaming paguusap ng oldest son ko" wika ni dad at umalis naman silang lahat. Pagkaalis nila, kinandado agad ni dad ang pinto.
Mr. Saragosa: "ano bang sasabihin mo?"
Alec: "pumapayag na ako"
Mr. Saragosa: "pumapayag?"
Alec: "lalayuan ko na si Margaux, pero siguraduhin mo lang dad na walang makakaalam na kahit na sino ang tungkol dito"
Mr. Saragosa: "tama ang pinili mo. Wag kang mag aalala, sisiguraduhin ko na walang makakaalam sa nangyare" he smiled.
Dumaan pa ang dalawang araw, abalang abala sila sa pag-aayos ng engagement party nina princess at ni Xav. Pero ako nagpapakalubog sa alak dahil sa mga nalaman ko itinikom ko ang aking bibig, para walang masaktan at pinilit isubo ang kinalakihan kong kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Heiress Blood
Mystery / ThrillerYeriel: "huh, totoo nga. You know what, loving you is a serious crime to my family. But still, I chose to love you and you! You just prove me that I am wrong!" Once upon a time there is a princess, maaring sa pagiging moderno ng ating panahon ay wal...